"Welcome back to the Philippines ate Peppa!" my annoying youngest stepbrother shout at me when he already saw me walking towards them.
"Oh shut up Ben! Stop calling me Peppa hindi na ko mataba. See?" sabi ko atsaka umikot at nagpose. Ang totoo niyan, hindi naman ako sobrang taba noon. Chubby lang.
"Edi wow! For me you are my one and only Peppa," nang-aasar na sabi nito sa akin at dumila pa. He's childish because he's only 12 years old. Napailing nalang ako.
I have nothing to do sa kakulitan niya. Hmp!
Napalingon naman ako sa katabi nito at tahimik na nakatingin sa akin, my oldest sister. Actually tatlo kaming magkakapatid and I'm the eldest. Magkakapatid kami sa ama in short magkakaiba naman kami ng ina. However masaya naman kami?
"Hi sis!" nakangiting bati ko dito at inismiran lang ako. Nalungkot naman ako bigla dahil last year noong umalis ako at nagpuntang Canada ay hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya. Siya pa naman din ang pinakaclose ko pero mukhang hindi na ngayon. Hindi ko na din siya na-contact mula noong umalis ako, siguro nagalit siya sakin dahil hindi manlang ako nagpaalam sa kanya.
"Bakit ba bumalik ka pa Leah?" out of nowhere na tanong ni ate sakin kaya nabigla ako at may kung anong mabigat sa dibdib ko na parang dumagan. Ang cold niya na rin.
"'Coz I miss you," naglalambing na sagot ko dito at binalewala ang sinabi niya, nag-puppy eyes narin ako pero hindi siya natablan. Hays.
"Tss. Sana hindi kana bumalik," walang emosyong sagot nito sakin. Nasaktan naman lalo ako dahil sa sinabi niya. Double kill.
"Sorry kasi hindi ako nakapagpaalam sayo. Atsaka one year lang naman yun. Hindi naman ako nagwalwal don eh at inalagaan ko si mom. Nag-aral na din." depensa ko. Inatake kasi si mom sa puso non, biglaan at ako ang pinasama ni dad kay mom papuntang Canada para don na muna tumira pansamantala.
"I know. Tss. So, where is tita Diana?"
"Next month," tipid na sagot ko dito. Nawalan na rin ako ng gana magsalita. Naglakad naman ito at sumunod nalang kami ni Ben.
"Ate Peppa don't mind ate Kris, tampo lang yun." Kahit papano gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Siguro nga, sana magkaayos na kami.
---
"Grade 10 kana ayusin mo ang grado mo ng hindi ako madisappoint katulad ni Ben puro palakol, ayoko na ng otso. Gayahin nyo ate nyo puro nueve. Isa pa, alam nyo na na bawal nilang malaman na anak ko kayo. Ikaw Leah, tigil-tigilan mo na yang pambubully mo pati ba naman sa ibang bansa nadala mo akala mo ba hindi ko alam? Hay nako. " Napangiwi naman ako sa sinabi ni dad. Hanggang ngayon parin pala inaalagaan niya parin ang reputasyon niya. Ang totoo din niyan si ate Kris lang ang pinakikilalang anak ni dad.
Nasa hapag kami ngayon ng mesa at nagkamustahan kung anong balita. Transferee nanaman ako sa school namin at wala namang problema don dahil samin yun pero. First day of school na pala bukas. Hindi ko manlang naenjoy muna ang bakasyon dito sa Pilipinas.
"Yes dad," nakaismir na sagot ko dito.
"Yes dad, yes dad." Si dad talaga parang ewan pero kahit naman ganyan yan na babaero o paiba-iba minsan ang ugali. Syempre nakakasura pero carry naman. Siguro wala lang ngayon sa mood?
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Hays namiss ko tong kwarto ko na to.
Naalala ko naman ang mga kaibigan ko. Sana don parin sila pumapasok.
---
-Kinabukasan-
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomanceSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...