Chapter 17: Sad

1.2K 44 0
                                    

"Ate Peppa wake up!"

"Ateeeee!"

"Fuck! What?!" Kainis na bata.

"Ate your mouth! Aalis tayo kaya get up!"

"Arghhh. Ano ba ayoko sumama. Kayo nalang inaantok pa ako." Tinalukuran ko siya at nagtalukbong pero inalis naman niya.

Kung pwede lang pumatay, napatay ko na siya.

"Hindi pwede, it's ate Kris birthday! Limot mo na ba?" Napabalikwas ako dahil sa sinabi niya.

"W-wait, what?" gulat kong tanong.

"It's ate Kris birthday!"

Shoot!

Dahil tama ang pakinig ko, dali-dali akong nagpunta sa banyo upang magprepare.

What the heck?! I forgot! It's the first time!

Hindi ko namalayan na June 25 na nga pala ngayon this 2019, 18 years old na siya pero as usual ayaw ni ate ng bonggang celebration. We always celebrate it na kami-kami lang, mag-a-outing. Sometimes out of town. Kasama rin si dad pero kapag kami ni Ben ganon din pero minsan wala si dad pero kay ate talaga always present siya. I envy her for that pero hindi ko dinadamdam. I wonder kung saan kami ngayon. Si dad kasi lagi ang nagaasikaso ng lahat at never si ate tumutol don.

Matapos kong maligo at magbihis, naglagay ako ng light make-up para hindi ako mukhang putla. Bumaba narin ako after.

Nagtaka ako dahil wala si dad kadalasan kasi nasa living room siya pero  si Ben ang nandon.

"Huy asan sila ate?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. The heck!

"Nasaan?" seryoso ng tanong ko kaya para naman siyang maamong tupang tumingin sa akin.

"Is there something wrong?" para talagang may mali. Kinabahan tuloy ako.

"Sorry ate!" pasigaw na sabi nito kaya nagtaka ako. Bakit?

"Ano?"

"Next Saturday pa birthday ni ate hahaha." Dahil sa sinabi niya parang nag-init ang ulo ko. How dare he!

"Benedict Rodriguez Briz!!!" dahan-dahang sigaw ko sa pangalan niya dahilan upang tumakbo siya palabas ng bahay kaya hinabol ko ito. Bwisit na bata! Kaya pala walang tao. Siguro tulog pa.

Habulan parin kami ng habulan hanggang makarating kami sa garden. Parehas na kami ngayong pinagpapawisan at hinahapo pero hindi ko parin siya maabutan. Nakakainis!

Dinilaan ako nito ng mas lalong nakapag-painit ng ulo ko.

Leah calm down. He is your brother.

Pumasok na siya sa loob ng bahay at patingin-tingin pa sa likod dahil akala niya hahabulin ko pa siya. Crazy!

Umupo nalang muna ako sa kahoy na upuan dito sa garden.

Ang aga pa pala. Sumisikat palang ngayon ang araw. Nakakainis dapat tulog parin ako hanggang ngayon.

Gaganti rin ako makikita niya. Tss.

Naisip ko tuloy yung kagabi. Nandito parin kaya siya? Saan siya natulog? Baka umuwi na.

" Leah, baby, anak bakit ang aga mo magising?" tanong ni mom habang papalapit sa akin. Napatawa tuloy ako. Ngayon ko lang siya napakinig na nagsabi ng kung ano-anong tawag sakin.

"Goodmorning po," bati ko rito at hinalikan siya sa pisngi.

"Goodmorning din sweetheart." Hindi ko tuloy mapigilang mapahalikhik. Cute ni mom.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon