Leah’s P.O.V
“Why are you wearing mask?” tanong ko dahil halos kalhating oras na ata ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Na-a-awkward narin kasi ako. The hell! Kelan pa ko na-awkward? Tsaka dapat umattend nalang ako ng class. Fuck the regrets!
“You don’t need to know,” cold na sagot niya kaya mabilis ko itong nilingon pero nakatungo lang siya. Problema na naman niya? Bakit parang galit siya? As far as I know, hindi siya basta basta nagagalit.
“Is there something wrong?” Fuck! It’s obvious! Bakit ba natatanga na ako netong nagdaan? Tss.
“Ang kulit mo din ano?” Kita mo na, parang bad mood siya.
Tsaka Hindi kaya ako makulit!
“Alisin mo kasi yan.”
Hindi ko kasi makita yung mukha niya.
“Pakielam mo.”
“Aba! Nasagot kana,” natatawang sabi ko at bakit ba naman kasi ako natatawa? Weird…
Katahimikan…
“Ano ba kasing meron diyan? May sakit kaba? Contagious?”
“Shut up.”
“Hindi na kita kukulitin kapag sinabi mo,” seryosong sabi ko. Baka kasi may sakit siya at mahawaan ako. Yuck! I want to live so many years, marami pa kong gusting gawin sa life ko.
“Umalis kana.” Natigilan ako sa sinabi niya. May tinatago ba siya? Lalo tuloy ako nacurious.
Huminga ako ng malalim at mabilis na tinanggal ang mask niya. Nagulat ako dahil sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwala. Fuck! Why did she have that? Akala ko props niya lang. Ang sama na tuloy ng tingin niya sakin ngayon pero ilang sandali naging cold na siya. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. What happened to her? Sinong may gawa non. Gustuhin ko mang tanungin siya pero natulala lang ako sa nakikita ko.
“Happy?” seryosong tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, napalunok tuloy ako. Magsasalita na sana ako pero kinuha niya sa kamay ko ang mask niya at sinuot ito. Tumayo narin siya agad at mabilis na naglakad kaya dali-daling sinundan ko ito.
Siguro pupunta kami sa office nila dahil patungo kami sa student’s council room. Nang makarating siya, isasarado na niya sana ang pinto pero mabilis ko itong pinigilan at nauna pa ko sa kanyang pumasok. Kahit nagi-guilty ako sa nagawa ko kanina, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Fuck! I’m so weird!
Napakinig ko lang siyang nag buntong hiniga at naupo siya sa sofa saka pumikit. Humugot ako ng lakas ng loob na tabihan siya. Ilang sandali luminga-linga ako at ng mahanap ko ang bagay na iyon ay nagliwanag ang mata ko saka ko ito kinuha.
Binalikan ko na ulit siya sa sofa at hindi nagdalawang isip na tanggalin ulit ang mask niya. This time yung mga tingin niya parang pagod na pagod na siya. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa mga titig niya. I feel her pain and I don’t know why I fucking feel that.
Binuksan ko ang first aid kit bago tanggalin ang benda niya sa kaliwang pisngi. Mabuti nalang at hindi siya tumanggi pero yung mga titig niya parang naso-suffocate ako? Noong natanggal ko yung benda niya nagulat ako dahil ang haba ng hiwa niya dito at parang fresh pa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kilabutan, ayaw ko kasi ng makakakita ng sugat kasi parang ako yung nasasaktan.“What happened to your ch-cheeks?” hindi makapaniwalang tanong ko. Kasi kanina akala ko minor lang dahil may benda pero ang haba naman kasi parang hiniwa ng kutsilyo. I think halos 2 inches ang haba nito.
Syempre dahil siya si president, hindi nanaman niya ako sinagot. Fuck!
“Hey, answer me!” This time nagtaas na ako ng boses pero siya tumawa lang ng mapakla. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mainis.
“Stupid bitch! Anong nangyari dyan?” nawawalan na ng pasensyang tanong ko.
“Bakit?” walang emosyong tanong niya sakin.
“Anong bakit? Tanga ka ba talaga? O nagtatanga-tangahan ka?!” Tumawa lang siya sa sinabi ko pero yung tawang yun, ramdaman ko na parang nasasaktan siya.
Kumalma tuloy yung init ng ulo ko, hindi ko nalang siya pinansin at ginamot yung sugat niya. Nong una ko itong dinampian ng alcohol, akala ko masasaktan siya pero hindi, nakatitig lang siya sakin at tumigil narin siya sa pagtawa.
“Alam mo, nakakatawa ka,” out of nowhere na sabi nito sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Baliw kana,” sabi ko naman.
“Anong nakain mo? Sa pagkakaalam ko, gusto mong sirain ang buhay ko. Anong kailangan mo at naging mabait ka sakin?” parang ewang tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam. Hindi nalang ako nagpatinag sa sinabi niya at tinapos siyang gamutin. Hays.
“Wala kang alam kundi manira ng buhay ng tao,” dagdag pa nito kaya nasaktan ako this time sa sinabi niya. Ganon naman talaga kasi ako, dati.
“Ahh alam ko na, ginagamit mo lang ako, nagbabait-baitan kasi baka ipagkalat kong anak ka sa labas.” Dahil sa sinabi niya sinampal ko siya sa kanang pisngi niya. Nagulat ako sa ginawa ko, lalo ko tuloy pinakita sa kanya na bad talaga ako. Fuck!
“See? Masama ka talaga,” nakangising sabi nito.
“A-ano bang problema mo? Ikaw na nga tong tinutungan tapos ganyan ka!” Tinawanan nanaman niya ako. Fuck her!
“Humingi ba ako ng tulong sayo?” sarcastic na tanong nito. Feeling ko tuloy napahiya ako sa sinabi niya kasi tama siya.
“H-hindi.” Bakit nga ba kasi tinutulungan ko siya? Wala dapat akong pakielam sa kanya!
“Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Dahil sa sinabi niya parang natauhan ako at parang nagdilim ang paningin ko.
Tumango-tango nalang ako sa kanya at mabilis na lumabas ng kwartong iyon. Humugot ako ng malalim na hininga pero parang sumama ng pakiramdaman dahil ang bigat ng dibdib ko. Nasasaktan nanaman ba ko dahil sa kanya? It’s my fault.
Napatingin ako sa langit dahil parang may papatak na likido sa mga mata ko. Gustuhin ko mang pigilan pero wala na, nakapatak na. Aalis na sana ako pero may humigit sa akin papasok ulit ng kwartong at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Tinulak niya ako sa likod ng pinto at tinitigan sa mata, yung kaninang mga mata na puno ng hinanakit at pagod ay nawala na dahil pag-aalala ang nakikita ko ngayon. Naguguluhan ako sa inasta niya, isama pa ang bilis ng tibok ng puso ko pero masama parin ang loob ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at parang tanga namang ipinikit ako ang mga mata ko. Napanood ko kasi sa mga movie yun na kapag ganito ang sitwasyon, pumipikit nalang. But fuck! Nasa movie ba ko?Ilang sandali ay naramdaman ko ang mga palad niya sa pisngi ko at parang pinapahid niya yung luha ko? Nagmulat ako sa ginawa niya dahil iba ang inaasahan ko. Fuck this mind! What am I thinking?! Pagkamulat ko, kita kong nakatingin siya sa mga labi ko at nakita ko ring napalunok siya. Naghahabol narin siya ng hininga and I am too, napakagat tuloy ako ng ibabang labi ko at dahil sa katagalan niya, ako na ang kusang naglapat ng mga labi namin sa isa’t isa.
---
Thank you for reading ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomansaSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...