Cheska's P.O.V
"Wag mo na kong ihatid, kaya ko ang sarili ko," sabi ko dito matapos naming marating ang labas ng sementeryo pero pinaningkitan lang ako nito ng mata at may pag-irap pa. May attitude talaga.
"I thought masama ang pakiramdam mo?" mataray na tanong nito.
"Hindi, gusto ko lang talaga na umuwi," sagot ko. Bakit ko ba kasi siya kinakausap? At bakit ba kasi nag-volunteer pa siyang ihatid ako?
"Maybe hindi masama ang pakiramdam mo physically but mentally and emotionally, yes."
"Andaldal mo," nasabi ko nalang pero sinamaan lang ako nito ng tingin.
Hindi nagtagal ay may dumaang taxi at pinara ko ito.
"Bumalik kana don," sabi ko pero umiling lang siya. Ang kulit talaga. Ano bang nakain niya at ang weird niya?
Nauna na akong pumasok sa loob ng taxi at sumunod naman siya. Feeling ko maso-suffucate ako kapag kasama siya.
"Ang weird mo ngayon," puna ko at may kasama pang pag-iling. Ako rin naman, ang weird ko ngayon pero mas weird siya.
"Madaldal ka naman ngayon at pinapansin mo ko" nakangising banat naman nito. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi niya. Weird talaga at attention seeker pa.
Wag mo nalang ulit pansinin- sabi ng left brain ko.
Pansinin mo para hindi ka awayin - suggest naman ng right brain ko.
Tinanong ng driver kung saan kami ihahatid pero si bully binulongan yung driver. Siguro kung saan akong street nakatira pero bakit may pagbulong pa? Hinayaan ko na lamang ito at nagsimula narin akong makaramdam ng antok.
Leah's P.O.V
Mabuti nalang at nakatulog siya dahil kung gising siya, mapapansin niyang hindi kami sa bahay niya pupunta. Naisipan ko na dalhin siya sa rest house namin sa San Pablo Laguna at sa Mohicap kami, isa sa Seven Lakes of San Pablo. Matagal na kong nakabisita don dahil nagpunta kaming Canada ni mom. Hindi ko na matandaan kung kelan ang huli kong bisita.
Nakahilig siya ngayon sa balikat ko dahil nauuntog na siya kanina kaya kinuha ko ang ulo niya, syempre mabait ako kaya ko siya hinilig. No more, no less. Kaya ko rin dinala siya dahil sa tuwing may problema ako, doon ako nag-a-unwind baka sakaling gumana sa kanya? O mabawasan ang dinadala niya? Bakit ko nga ba to ginagawa sa kanya? Sa huling pagkakatanda ko, I hate her and I don't want to see her anymore kaya nga gusto ko siyang mapalsik sa school pero I don't know what happened now. Hinypnotized niya ata ako. Fuck.
"Ma'am andito na po tayo," sabi nong driver at bigla namang naalimpungatan itong katabi ko.
"Nasan tayo?" palinga-lingang tanong nito sa bintana. Kinilabutan ako dahil ang sarap pakinggan ng boses niya. Bagong gising kasi, napakagat tuloy ako ng labi. Fuck! This is not me!
Hindi ko siya sinagot at binayaran ang driver at lumabas. Mabuti naman at sumunod siya.
Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha dahil kita dito ang lake at sumabay pa ang paghampas ng sariwang hangin. Kahit nagugulo na ang mahaba niyang buhok ay kita ko parin ang mukha niya.
She's so beautiful.
"What?"
Bakit ngayon ko lang napansin?
Natauhan ako ng pinitik nito ang noo ko.
"Why did you do that?!" pagtataray na tanong ko.
"Sinabi mo bang beautiful ako at ngayon mo lang napansin?" nakangising tanong nito kaya umiwas ako. Feeling ko namumula ako dahil nag-iinit ang buong mukha ko.
Did I say it loud? Fuck!
"Hindi noh! Why would I say that?!"
"Hindi raw? Nakarecord oh." Dahil sa sinabi niya automatic na nilingon ko siya pero kita ko lang ang pagpipigil ng tawa niya.
"Pinaglololoko mo ba ko?" pagalit na tanong ko pero sa totoo lang hindi. Gusto ko lang mapagtakpan ang kahihiyang nasabi ko.
"Ang pikon mo, alam mo yun?" nakangiti ng tanong nito na ikinabigla ko. Genuine na kasi siya ngumiti at first time kong makita yun.
"Do you know that you're so beautiful everytime you smile?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Fuck! Bakit ko tinanong yun sa kanya! This is not really me!
Ang lakas tuloy ng tibok ng puso ko pero kahit ganon nakita kong namumula rin ang mistisa niyang pisngi. Parehas kaming nag-iwas ng tingin at tumalikod na ako sa kanya habang kagat ang ibabang labi.
I cleared my throat.
"Follow me," seryosong sabi ko dahil nagpipigil ako ng ngiti. Buti nalang at tumalikod ako agad. Fuck! What's happening to me?
Mabuti naman at sumunod siya dahil wala pa akong balak na lingunin siya.
"Ma'am Leah magandang tanghali po, ano pong sadya niyo?" tanong ng care taker ng bahay na si Manang Jolly pagpasok namin sa loob.
"Nothing just visiting, masama ba yun? " simpleng sagot ko kaya siniko ako nitong katabi ko. What the?!
"Ahh hehe ganon po ba, baka po may gusto kayong ipaluto o kainin?"
"Anything, basta masarap. Ikaw ba may gusto kang kainin?" tanong ko kay president ng hindi nakatingin sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin pero tinaasan lang ako ng kilay.
"What do you want to eat?"
"Ha?" Stupid!
"Anong gusto mong kainin, tanga."
"Ikaw." Nagulat ako dahil sa sinagot niya. Feeling ko tuloy namula nanaman ang mukha ko. I hate this!
"What the fuck?!" napatawa siya sa naging reaksyon ko.
"I mean ikaw ang bahala," nakangising sabi nito. Tss. Stupid!
"You heard it right? Kahit ano basta edible," mataray na sabi ko kay Manang Jolly, napakamot tuloy ito ng ulo bago dumiretso ng kusina.
"Sama talaga ng ugali," narinig kong bulong ni president pero inirapan ko nalang. Wala akong balak makipagtalo sa kanya.
"Let's go," aya ko kay president at lumabas ng bahay. Napagdesisyunan ko na umupo sa duyan, I really love hammock lalo na at masarap ang hangin.
"Sit," tawag pansin ko dito dahil nakatingin lang siya sakin na parang tanga habang nakakunot ang noo. Iisa lang kasi ang duyan pero kasya naman dito ang dalawa.
Inabot ko nalang ang kamay nito at parang may kuryente nanamang dumaloy ng maghawak ang kamay namin. Bumilis rin ang tibok ng puso ko pero hindi ko nalang ito pinansin. Wala akong oras para i-entertain kung ano man ang nararamdaman ko.
Nang makaupo na siya sa tabi ko ay walang namutawing salita sa pagitan namin which is good kasi ang ganda ng tanawin kasama pa ang fresh air. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapapikit at damhin ang hangin. Nakakawala ng pagod.
Napapitlag ako noong inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko. This is the first time kasi yung kanina, ako ang naghilig. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Wala akong naging reaksyon kundi ang pagkagat nanaman sa ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti.
What's really happening to me? Kung ano man yun, pwedeng wag ko nalang malaman? Coz I really like what I am feeling now. I feel contented and I don't know how to explain it. I just want to stay by her side. Never ko pa tong naramdaman kahit na kanino, hindi kay Van at Karla. Lalong mas never sa family ko.
"Can we be friends?" out of nowhere na tanong ko at kasabay noon ang pag-alis niya ng ulo sa balikat ko at parang galit akong tiningnan? Why!? And why the fuck did I questioned that?! I hate my fucking mouth now!
---
Thank you for reading ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomansaSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...