Chapter 16: Weak

1.3K 43 0
                                    

Leah's P.O.V

Nasaan kaya yun?

"President!"

I waited for about ten seconds pero hindi siya sumagot. Nasaan naman kaya yung babaeng yun? I'm sure na dito siya pumasok. Fuck her!

Hindi kaya nasa balcony?

Sinubukan kong puntahan ito at hindi nga ako nagkamali.

"Wow feel na feel ah," asar ko rito dahil nakapikit pa siya at dinadama ang hangin. Madilim dito sa lugar pero kita ko parin naman ang itsura niya pero hindi gaano kalinaw.

Humawak ako sa balustrade at dinama rin ang hangin and I closed my eyes. I feel peaceful everytime I'm here. Sana ganito nalang palagi pero I know na malabong mangyari.

"Sana lagi ka nalang ganyan mukhang ang bait mong tingnan," bulong niya pero pakinig ko naman.

Hindi halatang nang-aasar din siya ah.

Minulat ko na ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Tss.

"You know what? You're so mean."

Naramdaman niyo na ba yung wala naman kayong ginagawa pero ang sama ng ugali ng isang tao sayo? Nakakainis. Hindi ko naman siya inaano ah. Sadyang nakakainit lang talaga siya ng ulo kaya kung ano-anong nasasabi ko sa kanya. I hate stupid person too.

"Paano mo nasabi?" mabilis na tanong nito sakin.

"Basta!"

"So. I'm not."

In her face!

"Ang sama ng ugali mo sakin!" bulyaw ko rito which is true o sakin lang talaga siya ganyan.

"Ano naman kayang tawag sa ugali mo?"

Abat!

"Sakin ka lang ganyan because you know my secret."

Akala niya siguro hindi ko napapansin. Sa akin lang talag siya ganyan na may lakas ng loob na sagot-sagutin ako at hindi yun makatarungan dahil ako si Leah Kate Perez Briz! Kung hindi lang siya president baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Pasalamat din siya at kakilala niya si ate. Tss.

"Oo sayo lang," amin nito sakin kaya napatingin na ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Nagtaka tuloy ako. Mula palang kasi noong una kaming magkita parang may something na hindi ko mapin point. Sabi ko na nga ba eh.

"Why?"

"Secret," nakangisi na nitong sagot.

Bitch! Fuck that secret! Nakakainis talaga siya.

"Fuck you. You know what? I hate you," kalmadong sabi ko sa kanya pero may empahasis talaga yung bawat word. Iniinit niya ang ulo ko. Bwisit siya.

"Same here."

"Fuck you!"

"Pikon," bulong nito pero pakinig ko naman. Ang hilig niyang bumulong ng malakas. Great.

At ano? Pikon?

Gaganti na sana ako ng salita pero tumingin na siya sakin this time pero wala parin siyang emosyon. Napatutop ko tuloy ang bibig ko na parang sinasabi rin ng utak ko na wag na siyang gantihan dahil hindi ako mananalo? Scratch that shit. It means hindi na ako bata upang makipagtalo. Yeah, that's the right term.

Pero bakit ba ganyan siya? Nagtataka talaga ako kasi kapag sa iba parang normal siyang kausap pero pag sakin parang ayaw niya o parang ang dark ng aura niya lagi. Hindi kaya.

Down Side Up (GxG Story: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon