Leah's P.O.V
"Ate!" tawag ko dito pagkapasok ko ng kwarto niya.
"What?! Ano nanamang problema mo?" mataray na tanong nito.
"Ate may kailangan kang malaman," nag-aalinlangan kong sabi nito.
"Spill it."
Fuck! How can I explain it, bahala na nga.
"May nakilala akong stranger na matanda--"
"Diba sabi ko wag kang makikipag-usap kung kani-kanino?" pigil niya sa sasabihin ko napakamot tuloy ako ng ulo.
"Ate siya naman yung lumapit nong una at mukha naman siyang mabait pero weird nga lang," pagdedepensa ko pero inirapan lang ako. Gusto ko ring umirap pero I control myself, baka palayasin niya ko sa room niya at hindi masabi kung ano ba talagang pakay ko. Tss.
"Ate listen to me first, I will make it short, that old man knows dad at alam niyang ama ko si dad."
"What the fuck!" napu-frustrate na reaksyon ni ate.
"Ate paano yun? Kaya ko ito sinabi sayo dahil baka kilala mo siya."
"Bakit ko naman siya makikila?"
"Sinabi niya kasi na, hindi ba ko naikukwento na dad mo? Something like that." Dahil sa sinabi ko, nanlaki ang mata ni ate.
"Anong itsura niya?" curious na tanong nito.
"Hmmm sa pagkakatanda ko, puti ang buhok niya hehe."
"Stupid, ano pa, like moles?"
Ang harsh naman ni ate ngayon. Fuck!
Nag-isip ako at inalala.
"Ahh alam ko na, meron siyang nunal sa ibabang parte malapit sa kanang mata niya."
Natahimik si ate sa sinagot ko."I knew it, nagpakita na pala siya sayo. Sa coffee shop right? In front of our school?" tanong ni ate kaya nagulat ako.
"How did you know?" naniningkit na mga matang tanong ko. I want to know more!
"Ginawa niya narin yun sakin dati in my grade 10 days rin," nakangiting paliwanag ni ate.
"Huh?"
"He's our grandfather, dad's father," mapaklang pahiwatig nito.
"What the fuck! Really?" Nabatukan ako ni ate dahil sa reaksyon ko. Fuck! Bakit siya nagmura kanina pero ako bawal? Unfair! But really?
"How come?" sunod ko pang tanong dito at binalewala na ang pambabatok niya.
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo," simpleng sabi ni at. The fuck!
"Why?!" pasigaw kong tanong.
"He has a plan, sa kanya mo nalang itanong," tinalikuran niya ako at nahiga siya sa kama niya kaya niyugyog ko ito.
"Ate, sige na! Kahit pangalan lang niya."
"Leah! Isa! Ikaw ang tumuklas o kaya itanong mo kay dad!" naiinis ng tanong ni ate.
Hays, wala na akong magagawa. Bukas, pupunta ulit ako sa coffee shop baka sakaling makita ko ulit si lolo? Bakit kaya hindi yun sinabi ni dad samin? Tss, bawal nga palang magtanong. Naisip ko na, marangya nga ang buhay ko pero there's something wrong. I never feel contented para akong daga na hindi pwedeng makita o malaman ng iba, kundi, patay ako. Ganon rin siguro ang nararamdaman ni Ben.
Bumuntong-hininga nalang ako at lumabas ng room ni ate. Napakinig ko si ate na nagsabi ng sorry. Hays, ba't ganon? Never ko rin nafeel na family kami.
---
Kinabukasan...
"Why president wearing a mask? May sakit ba siya?" tanong sakin ni Van kaya inirapan ko ito.
"Why are you asking me? Ako ba siya?!"
Nakakainis naman talaga yung mga magtatanong sayo pero hindi mo naman talaga alam kung anong sagot. Obviously!
"Bakit ang init ng ulo mo umagang-umaga, recess palang bes fyi," sabat naman ni Karla.
"Ang ingay nyo kasi, usap-usapan na nga yung kay president, pati ba naman kayo? The fuck!"
"Nakakacurious kasi tanungin kaya natin," suggestion ni Karla.
"Edi tanungin nyo pake ko!" sabi ko at iniwan na sila. Mga bwisit! Naarte lang yung si president, gustong makaagaw ng atensyon. Pupunta nalang ako sa playground at magduduyan. Pampawala stress. Tss.
Sa totoo lang, kanting-kati na akong umuwi para makapunta sa coffee shop, kanina kasing umaga sarado ito na ipinagtaka ko. Bawal naman lumabas kapag lunch, fuck that rules! Gusto lang magtipid ni president eh kaya nga sinali yun. Tss.
Pagkadating ko sa playground, natanawan ko na agad ang pinag-usapan ngayon ng buong campus.
Ang kapal ng mukha niyang umupo sa hammock ko!
Gustuhin ko mang sugudin siya ay pinangunahan ako ng bilis ng tibok ng puso ko. This feeling again! Actually, sa tuwing makikita ko siya, automatic na nangyayari to sakin and I'm not used to it. Lalo itong bumilis ng lingunin niya ako. Wala na kong magagawa kundi lumapit dito, siguro maganda narin tong time para makapag-usap kami.
Umupo rin ako sa tabi niya parang deja vu lang pero parang wala siyang pake nong umupo ako. Fuck! Kahit kabadong-kabado ako, winaksi ko kung ano mang nararamdaman ko. I don't want to ruin again this moment.
Nilingon ko siya kahit na nakatagilid siya sakin at kita ko sa mga mata niya na parang puyat siya? Dahil ang lalim ng mga mata nito. What's happening to her? At bakit nga ba siya may mask?
Gustuhin ko mang tanungin siya pero nanatili nalang akong tahimik. Wala rin akong lakas upang itanong yun kasi feeling ko mabubulol lang ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga at ilang sandali ay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. My heart is beating so fast at sigurado akong iba ito sa nagdaan. Fuck this feeling! Napakagat nalang ako ng ibabang labi ko.
Lumipas pa ang konting minuto at bigla ko nalang naramdaman na parang umiiyak siya kasi sumisinghot siya kahit na walang tunog. Isa pa, may time na humihikbi ito. What I'm gonna do now? Fuck!
Pinakiramdaman ko ang kaliwang balikat ko kung saan siya nakasandal, ginalaw ko ang kaliwang braso ko upang ilapit siya sakin at yakapin. This time humuhupa na ang tibok ng puso ko at parang nasasanay na ako sa presensya niya. I feel contented and happy somehow. Ang sama ko dahil umiiyak siya tapos ako masaya? The fuck!
Noong oras na yakapin ko siya lalong bumuhos ang luha niya, this time may tunog na ang iyak niya. Nakaramdam ako ng sakit na hindi ko malaman kung bakit ko naramdaman. Feeling ko ayokong makita siyang umiiyak o nasasaktan. Weird! This is not me!
Lumipas pa ang ilang minuto at bell na, tapos na ang recess. Kasabay non ang pag-ayos niya ng upo at tumigil narin siya sa pag-iyak kahit papano.
I fake a cough.
"Ahh wag na tayong pumasok sa next subject," walang kwentang sabi ko. Nandedemonyo ba ko?
"Pumasok kana, susunod ako." Hindi ako naniwala sa sinabi niya. Pinaningkitan ko ito ng mata dahil alam kong hindi siya papasok ng ganan ang lagay.
"Ayoko sasamahan kita kahit anong mangyari," nacringe ako sa sarili kong salita. What the fuck Leah! Ang jeje mo!
Napatawa siya dahil sa sinabi ko kaya kahit papano napangiti ako ng palihim.
"Ang weird mo na talaga, nakakapanibago."
"Ayos lang at least pinapansin mo na ko." Wala siyang naging sagot sa sinabi ko.
Fuck! Saan ko nahugot ang pinagsasasabi ko? Fuck my words!
---
Thank you for reading ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Down Side Up (GxG Story: Completed)
RomanceSa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'President'. Hindi niya ito nagustuhan kaya humahanap siya ng paraan upang mapatalsik ito ngunit sa hi...