REFLECTION 3
"Ano itong nabalitaan ko na nilalandi mo ang bebe Felix namin?" inayos ko ang salamin ko at bumuntong-hininga. It's a sign na naiirita na ako sa dalawang bruha na kanina pa ako kinukulit. "Hindi lang kami pumasok kahapon nabalitaan na namin na nilalandi mo na s'ya." Dagdag pa ni Aby.
Pinagkrus ko ang aking braso at hinarap silang dalawa na ikinatigil nila sa paglalakad. "First of all, hindi ko s'ya nilalandi. Kasalanan ko bang kakilala s'ya ni Cleo? Masyado kasi kayong maissue!" Sumbat ko sa kanila pero alam ko ang ugali ng dalawang 'to. Hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. "Wala akong dapat iexplain dahil hindi ko naman talaga s'ya nilalandi."
"Ipaliwanag mo 'to!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang picture ko at ni Felix kahapon na magkatabi sa cafeteria. "Hindi mo ba talaga s'ya nilalandi?" itinaas pa ni Keisha ang kan'yang kilay para asarin ako.
"How come? Magkatabi lang sa upuan nilalandi na agad? Kaibigan ko ba talaga kayo?" saad ko at bumigat ng kaunti ang dibdib. "Sino ba nagkalat n'yan?"
Niyakap ako ng dalawa. "Don't worry girl, it's already deleted." Nabuhayan naman ako sa sinabing 'yon ni Aby. "Felix fix everything. Echosera kasi 'tong si Ellie, hindi naman talaga s'ya minahal ni Felix." Thank you, Felix!
Nagkaroon kami ng surprise quiz sa general mathematics na hindi inaasahan ng lahat dahil surprise nga. Ayos naman ang naging score ko, 9/10.
"Gusto ko na rin tabihan si Felix para ma-almost perfect ko na 'yong quiz. Inspire ka?" nand'yan na naman silang dalawa sa pang-aasar sa akin. "Girl, change seat tayo. Para ganahan naman akong mag-aral kapag nasa likuran ko si Felix." Tumawa pa ito na parang kinikilig.
"Ang daya mo Aby, dapat sa kanan ka at ako naman sa kaliwa. Para kapag pinag-connect tayong apat, love triangle ang peg!"
"Ay, bet ko yan!"
Hindi ko na sila pinansin at pumila na para makabili ng kakainin namin for break time. Fifty minutes lang ang break time kaya kakainin na lang namin 'yong binili namin habang naglalakad kami pabalik sa room. Cheese sandwich at lemonade lang ang binili ko since hindi pa naman ako gano'n kagutom.
"Walang pasok bukas, sabay na tayo papuntang café." Aya sa amin ni Aby. Nagpapart-time job kasi kami sa isang café, hindi naman gano'n kalayuan sa mga bahay namin. "Lakad na lang tayo para tipid sa pamasahe."
"H'wag lang sana umulan." Napatingin kaming dalawa ni Aby kay Keisha dahil sa sinabi nito. "Bakit? May nasabi ba akong masama?"
Binatukan s'ya ni Aby na ikinadaing nito. "Paano uulan kung tirik na tirik 'yong araw aber? Ibabad kita sa araw para maging dugyot ka pa lalo." Natawa naman ako sa sinabing 'yon ni Aby.
Napamewang naman si Keisha at tiningnan mula ulo hanggang paa si Aby. "Excuse me, ako dugyot?" pagkumpirma nito. "Look at yourself naman oh, hindi mo ba alam 'yong salamin?"
Naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko nang biglang maghabulan ang dalawa. Sanay na ako sa dalawang 'yan, they make me happy in different way. Mag-isa akong naglakad pabalik sa room. Hindi na ako maga-assume na babalikan ako ng dalawa dahil tatamarin na sila.
"Why are you smiling? May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" halos mabitawan ko ang hawak na lemonade nang may biglang nag-salita sa likuran ko. "Ops, nagulat ata kita."
"Hindi, ang saya ko nga kasi nagulat ako eh. Ha-ha." Inirapan ko ito at tinapon ang pinagkainan ko sa trash bin. "Hindi ba halatang nagulat ako?"
"Ang sungit mo naman," saad nito at ngumuso. I found it cute but not on him. "Gusto lang naman kitang maging friend o 'di kaya kaibigan." He wiggles his eyebrow.
"None of the above!" Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko pero alam ko na nakasunod pa rin s'ya sa akin. "Ba't mo ba ako sinusundan?"
Hinawakan nito ang kan'yang dibdib at umaktong nasasaktan. "Hindi po kita sinusundan, misis. Parehas po kasi ang daan na tatahakin natin kaya nakisabay na lang ako. Unless, gusto mong lagi tayong magkasabay." He winked at me and gave me a smile. That's smile. Argh!
"Tse!"
Alam mo 'yong feeling na wala ka na nga'ng maintindihan sa lesson, may kumukulit pa sa 'yo? No'ng last subject namin kulbit nang kulbit 'tong si Felix, parang manlalason.
"Daan lang akong library, ibalik ko lang 'yong librong hiniram ko." Paalam ko sa dalawa na nagreretach daw kuno.
"Sure, hintayin ka na lang namin sa gate. Bilisan mo." Maawtoridad na saad ni Aby.
Hindi ko na s'ya sinagot pa at lumabas na ng banyo kung nasaan kami ngayon. Hawak-hawak ko na ang dalawang libro na ibabalik ko para hindi na ako maghahalungkat pa sa bag.
"Thank you po!" nakangiting sambit ko sa librarian at lumabas na ng library.
Himala nga kasi dati hindi naman talaga ako humihiram ng libro sa library para mag-aral. Why? It happened when I'm elementary, grade six student. I almost perfect all the exam and Fang, my twin sister got a half of my score. Bihira lang kasi mangyare sa akin 'yon kaya hindi makapaniwala 'yong mga teachers namin. Parati kasing si Fang ang nakakakuha ng highest score.
Hindi nakapag-review si Fang no'n kasi sinugod s'ya sa hospital dahil bigla s'yang inatake. They said that I cheated. Ang masaklap pa ay hindi man lang ako pinagtanggol ng kapatid ko. Simula no'n hindi na ako nag-aral ng ayos dahil gusto ko nasa kan'ya lang ang spotlight. Ang selfish ko sa sarili ko. Lagi rin akong nabubully kasi mas maganda s'ya sa akin. Naiisip ko nga minsan, kambal ba talaga kami?
Sanay na rin naman ako. Hindi kasi ako kagaya nila at hindi ko pipiliting maging katulad nila. They look nice wearing their school uniform, good looking face, bright skin, glass skin, tanggap ng parents nila. That's life. Hindi lahat pare-pareho pero dapat alam nila na pantay-pantay ang lahat.
Habang naglalakad sa hallway, nadaanan ko ang auditorium. Sabi nila narito rin ang music room. I heard a sound of a drum, guitar, and also a man who is singing. Dahil bukas ang entrance, sumilip ako para makita kung sino 'yong kumakanta.
Pamilyar sila sa akin. Heracles? Pinanood ko lang silang tumugtog hanggang sa dumako sa akin ang paningin ni Felix. Gosh, anong gagawin ko? Agad akong tumakbo paalis. Nakita n'ya kaya ako?
"Muntik ka na ro'n, Wing!"
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...