Reflection 8
"Ano bang magandang username ang gamitin?" I asked to Felix. Pinilit n'ya kasi akong gumawa ng Twitter at Instagram. He already added me as his friend sa Facebook na panigurado ay issue na naman 'yon. "Should I use the same username that I used in my twitter account?"
He nodded as an answer. He's driving kaya sa daan lang ang kan'yang tingin. "Of course, you can use it. Follow mo na rin ako. Same username rin sa twitter account ko."
"Pinagawa mo lang ata ako ng sns account para dagdag sa follower's mo eh." Pagbibiro ko.
"Bingo!" sinamaan ko s'ya ng tingin na ikinatawa n'ya lang.
I used @pskpak_ as my username and thankfully, wala akong katulad na username kaya hindi na ako naisipan pang mag-isip. It sounds so good though.
"I think mali 'yong daan na dinadaanan na'tin. Hindi ito papunta sa supermarket. Naliligaw ka ba?" tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa labas at kinikilala ang paligid. Hindi talaga ito ang daan papuntang supermarket. "May pupuntahan ka ba bago tayo mag-grocery?"
"Hindi ko pala nasabi sa 'yo. May pinapakuha kasi si mama sa kaibigan n'ya. Hindi naman s'ya masyadong malayo. Biglaan lang since nasa byahe tayo nang mag-text s'ya." Tumango na lang ako at binalik ang atensyon sa aking cell phone.
Ayos na kami ni Aby and Keisha. Humingi sila ng paumanhin sa akin no'ng gabing din kung kailan nangyare ang hindi naming pagkakaunawaan. Inamin nila 'yong mali nila at nangako silang hindi na nila 'yon uulitin. Hindi pa nila alam na umalis na ako sa bahay at wala pa akong balak sabihin 'yon sa kanila.
We arrived at the fabulous salon na kailan man ay hindi ako makakapasok dahil sa labas pa lang ay alam mo ng pang-mayaman lamang 'yon. Magpapa-iwan lang sana ako sa sasakyan pero pinilit ako ni Felix na sumama sa kan'ya. Pagka-pasok naming sa loob ay may sumalubong sa amin na isang babae na kasing tangkad ko lang pero hindi ko kasing ganda. Kumikinang s'ya!
"Oh, Felix, nagulat ako dahil sa biglaan mong pa-appointment." Bati nito kay Felix at nakipag-beso. Tumingin s'ya sa akin sabay ngiti. "S'ya na ba 'yon?" tanong n'ya kay Felix.
Kunot-noong tiningnan ko si Felix na hindi makatingin ng diretso sa akin. Sabi na nga ba at hindi maganda ang kutob ko sa pupuntahan namin eh. Walang salitang kinuha ni Felix ang salamin ko dahilan kung bakit medyo lumabo ang aking paningin. He guided me to a chair at may binulong s'ya na hindi ko masyadong narinig.
They did something on my face, even put some contact lens that makes my view clear. Nanahimik na lang ako kahit deep inside kumukulo na ang dugo ko kay Felix na mayroong kausap sa kan'yang cell phone na naka-upo lang sa sofa. I can see his reflection in the mirror. Sinabihan ko sila na h'wag gugupitan ang buhok ko at gawin na lamang ang style na babagay sa akin and they do a wavy one.
Hindi ko makilala ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Simpleng make-up lamang 'yon at lumabas ang totoo kong kulay. Kahit si Felix ay nagulat din nang makita ako na kanina ko pa kina-kausap ay hindi pa rin sumasagot hanggang ngayon. Inaamin ko naman na malaki talaga ang pinagbago ko at kasalanan n'ya 'yon.
"Dahil ikaw ang may pakana nito, ikaw ang mag-bayad. We're friends remember? Libre mo na lang sa akin 'to!" Bulong ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya lang. Nagbibiro lang naman ako pero tinotoo n'ya. Hindi pala, bayad na ang lahat ng ginawa nila sa akin habang nasa condo pa lang kami kanina. Which it means, sila ang kausap ni Felix kanina pagka-labas ko ng c.r.
"Bakit may biglaang paganito?" tanong ko sa kan'ya nang maka-uwi kami pagka-tapos mag-grocery. "Hindi ka ba komportable sa dati kong mukha?"
"It's not like that. It was supposed you and mom would visit that salon but mom can't do it right now. Sinabihan ko na s'ya na baka umayaw ka pero mapilit talaga s'ya, wala akong magagawa." To be honest. I love what they've done to me. Hindi ko inaakalang bagay sa akin ang medyo wavy hair na may brown something highlights daw sa dulo. "You like it?" tanong sa akin ni Felix na sumingit sa salamin kung saan ako nakatingin ngayon.
"Nah, I love it!" we both laughed at napag-desisyonan na ring kumain.
Hindi ko alam kung matutuwa o gusto ko na lang matunaw sa tingin sa akin ng ibang estudyante rito sa St. Derio. I'm still wearing my eye glasses since we forgot to buy contact lenses yesterday. Saka hindi ako magiging si Wing Montoya kung wala ang salamin ko. When I arrived at my room, Cleo greeted me first with a big smile. Naagaw n'ya tuloy ang atensyon ng iba naming classmate with their 'why this girl hanging out with this bitch' look.
"Damn, you're so gorgeous, girl!" She excitedly played with my hair. "Still wearing glasses?"
"Forgot to buy contact lenses yesterday." Saad ko at naupo sa aking seat.
"Can I visit you at your condo later?" hindi ko pinahalatang nagulat ako dahil sa sinabi n'ya. I know why she knows it. "Felix told us, medyo madaldal din kasi 'yon."
We just talked about our weekend stuff until our first class started. Keisha and Aby were absent because they overwork themselves again. I want to join them but they don't want to. Wala tuloy akong choice kundi ang sumama kay Cleo for break time. As usual, nando'n ang buo n'yang barkada. Felix waved at me and I waved back which I wish I didn't do. You know what I mean.
"What's the menu for today?" Deven asked to the waiter. I just order what Cleo ordered dahil nagtitipid ako kahit na sagot na raw ni Deven ang break and lunch namin. "Thank you."
"Should we visit the fan sign meeting of Shantal?" I was shocked when I heard Shantal Venice's name. Nakita ko sa facebook page n'ya na magkakaroon s'ya ng FS meeting dito sa Manila. She's a top director and photographer in Australia. magkakaroon s'ya ng fan sign meeting for her book and also for her retirement party.
"Who's Shantal?" Ezekiel suddenly asked.
"The one who captured that design on your notebook." Saad ko sa kan'ya kaya't napatingin s'ya sa cover ng kan'yang notebook. "Her sign is on there."
"Kaya pala familiar." He awkwardly laughed at pinagpatuloy ang ginagawa sa kan'yang notebook.
"Kailan ba?" tanong ni Cleo.
"This Thursday." Halos sabay naming sagot ni Felix.
"Nako, me and Deven have a date. How about you guys? Makakasama ba kayo?" Cleo asked. All of them stated their reasons why they can't go. "Ikaw Wing? Baka mag-tampo si Felix kapag walang makakasama ni isa sa'tin." Here we are again.
"Ok." I have no choice.
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...