Reflection 30
What the hell is he doing here? Bakit hindi ako na-inform na isa s'ya sa mga dadalo. Pasimpleng tiningnan ko si Aby at Keisha na parehas naka-peace sign sa akin. Wala na akong magagawa, nandito na s'ya. Buti na lamang at nasa tabi ni Cleo ang bakanteng upuan kaya makakagalaw pa ako kahit papaano.
Napatingin naman ako sa natirang paper bag kung nasaan ang regalo ko para sa kanilang lahat. Should I give it to him now or mamaya na lang? O 'di kaya ipaabot ko na lang kay Cleo. p'wede, ipapaabot ko na lang mamaya, bago ako umalis.
Nagpatuloy lang ang gabi na nagkwekwentuhan at kumakain lang kami. Hindi na nga rin namin namalayan na ala-una na ng madaling araw. Naaawa na rin ako sa mga tauhan ni William dahil sa ingay ng mga kasamahan ko. Mga naka-inom na rin kasi.
Habang sumisimsim ng beer ay napansin kong parang may kulang. Felix is not here. Umalis na kaya s'ya? Sinuri ko ang paligid pero hindi ko na makita ni anino n'ya. After maubos ang isang baso ng beer na kanina ko pa iniinom, nagpaalam na rin ako sa kanila. Dinala ko na lang ang paper bag na para sana kay Felix dahil medyo lasing na rin si Cleo. Buti na lang at online si Deven sa messenger kaya natawagan ko s'ya para sunduin si Cleo.
Nang makalabas ng restaurant ay nabato ako sa kinatatayuan. I thought he left already, hindi pa pala. Papasok na sana ako ulit sa loob pero huli na akong nakagalaw dahil nakita na ako nito. Ibinalik n'ya ang kanyang cell phone sa bulsa ng kanyang pantalon at ngumiti sa akin.
"Hi," he awkwardly said.
"Hi," I awkwardly answered.
Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig na boses mula sa aming dalawa. We're just looking at each other's eyes at hindi ko alam kung pa'no ko nalabanan ang mga titig n'ya. Handa na akong umalis nang mag-salita s'yang muli.
"How are you? How's your work?" sunod-sunod na tanong nito.
I sighed pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanya. "Good. Ikaw? Kumusta ka?" I asked back. Hindi naman p'wedeng s'ya lang ang makaalam na ayos naman ako 'di ba? Reasons!
"Been doing well." Napatango na lamang ako. "it's nice to see you here. Akala ko ay hindi ka ulit makakapunta."
Hindi ako nakasagot. Is that mean that he's waiting for me at every reunion? To see me?
"Pasok na ako sa loob." Nilampasan n'ya ako at pumasok na sa loob.
Umiling ako. It's not possible na hinihintay n'ya ako or ine-expect n'ya akong dumating every reunion para makita ako. Bumuga naman ako ng malalim na hininga. Assumingera!
Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi dahil sa mga nonsense na pinagiisip ko. Buti na lang at wala akong masyadong gagawin ngayong araw. Bukas kasi agad ang flight ko papuntang Australia. Pinatikim lang ako ng init dito sa Pinas tapos papabalikan ako agad sa Australia. Hindi kaya ako magka-sakit dahil sa pabago-bagong klima?
Bumangon ako at kinuha ko ang isang bagahe sa aking walk-in-closet. Hindi pa naman ako gutom kaya mag-iimpake muna ako ng mga dadalhin ko bukas. Medyo makakalimutin din kasi ako kaya mas mabuti na ang sigurado. Simpleng breakfast lang ang kinain ko, pandesal at kape. Ewan ko ba pero nakahiligan ko ng manood ng mga music video ng Dagger kada wala akong ginagawa, katulad ngayon. Dagdag views din. Nagbabasa rin ako sa comment section at tuwang-tuwa ako. Merong ibang nagfafan-girl lang, meron ding group of people na nagtutulong-tulong sa pagsstream, at meron ding iba na waiting daw na magpa-audition ang DARK Ent. for girls naman. 'Yon nga ang dahilan kung bakit ako lilipad sa Australia, to plan about another project.
Dumaan muna ako saglit sa mall bago dumiretso sa company. Kahit na kakakain ko lang ay gusto ko na ulit kumain. Matagal na panahon na rin nang makaramdam ako ng ganitong gutom. Wala ako sa mood kumain sa mga fast food kaya sa food court ako pumunta. Hindi ko na kasi kailangang mamili ng pagkain doon dahil kung ano na lang ang magustuhan ko ang binibili ko. Wala ng menu-menu.
Nang makarating ako sa food court ay nagulat ako dahil kaunti lang ang tao. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch na suot. Masyado pang maaga para mag-trabaho. Minsan lang din naman ito. I got siomai, French fries, burger, at juice. Since alam ko na kulang pa ang mga ito sa akin, dinalawa ko ang bili kada pagkain, maliban sa juice.
Habang kumakain sa mga naka-available na table rito sa food court. Natanaw ko si Ellie with her son at... hindi ko kilala. Magtatago sana ako kaso maliit ang posibilidad na makita n'ya pa ako sa pwesto ko. Is he the father of Ellie's son? Tanong ko sa sarili habang pinapanood ko silang masayang kumakain. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti, ang saya nilang tingnan. Nalungkot tuloy ako na mag-isa lang kumakain. Whatever. At least, wala akong kahati.
"Anong meron?" tanong ko sa guard nang makarating ako sa kompanya. Ang dami kasing nagdadatingan na mga sasakyan. Kumain lang naman ako saglit, ito na ang naabutan ko.
"Ay ma'am, delivery po 'yan ng mga gamit para sa make-up room at dressing room," sagot nito sa akin at nag-paalam na tutulungan muna ang mga ito sa pagbubuhat.
Nag-kibit-balikat na lamang ako at pumunta na sa opisina ko. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto no'n ay nararamdaman ko na ang presensya ng mga papeles na kailangan kong basahin at pirmahan. Hindi pa ako nakakapag-simula napapagod na ako. At hindi nga ako nagkakamali. Tambak ang mga papeles sa lamesa ko. Buti na lamang at mga cheque ang karamihan sa pinipirmahan ko. Nang matapos ang pinipirmahan ay umattend muna ako ng isang meeting bago umuwi.
When I arrived at home ay humiga lang ako sa sofa habang nags-scroll sa face book. Nakita ko nga ang post ni Ellie kanina sa food court kasama ang pamilya n'ya, I leave a heart react. Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya agad akong tumayo at pumunta sa kusina para maghanap ng pwedeng lutoin.
Pansin ko rin na palagi na lang akong kumakain sa labas or 'di kaya nagpapadeliver na lang, hanggang ngayon 'di ko pa rin ma-achieve ang healthy plan ko na sinimulan ko pa no'ng senior high school ako. Wala akong choice, puro gulay lang nabili ko no'ng nakaraan. Balak ko kasi magluto ng ulam pero tinamid ako kaya ayon, nastock lang. I made salad at ininit ko 'yong pritong manok na ulam ko two days ago. Hindi na ako magkakanin kasi inaantok na rin ako. Gusto ko lang lagyan ng laman ang tyan ko bago matulog. For sure, sa air port na rin ako makakakain bukas.
Uupo pa lang ako sa sofa nang tumawag sa akin ang secretary ko, pero hindi ko nasagot. I waited for her to call back again pero hindi na s'ya tumawag ulit. I texted her kung bakit s'ya napatawag and I was shocked when I read her reply.
My secretary: I found them.
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...