Reflection 26
Finally, I officially graduated from Senior High School. Today is our graduation day. Everyone is wearing their toga. Naka-upo lang ako sa isang bench habang hinihintay sina Aby at Keisha. Bibili lang daw silang kape pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik. Habang pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng isa-isang nagpasukan sa stadium, napansin ko si Felix kasama ang mga ka-banda n'ya. But na lang at hindi n'ya ako nakita. Hindi pa ako ready sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kanya mamaya.
Maya-maya ay dumating na rin ang dalawa dala ang kapeng kanilang binili pa nila sa café kung saan kami nagtratrabaho dati, Salvador de Café.
"Kaya pala ang tagal n'yo, doon pa kayo bumili." Inabot ko ang iced vanilla latte na binili ni Aby para sa akin.
"May free drink kasi para sa mga graduating, sayang naman kung 'di tayo makaka-avail," natatawang sabi ni Keisha sabay inom.
"Mas kinapalan pa ng ani Keisha mukha n'ya para malibre ka rin ng drink eh." Agad naman s'yang nabatukan ni Keisha.
Kahit kailan talaga ang dalawang 'to. Kung hindi ko pa sila inayang pumasok sa stadium ay hindi sila titigil sa pagbabangayan. Parang mga bata. I can't see Felix nang makapasok kami sa stadium. Dumiretso lang kami sa mga designated seats namin at hinintay magsimula ang programa. We just took some pictures at the photobooth nang matapos kaming magmartsa. It was a big accomplishment before taking an another step in life.
Sabi nila meron pa raw after party pero nauna na akong umuwi. Nagsuot lang ako ng simpleng white tops at jeans. Kinuha ko ang cell phone ko at tinext si Felix.
Me: Let's meet at the bench near the park.
Since katamtaman lang ang init ng araw, naglakad na lamang ako papunta roon. This is the weather I want. Hindi maaraw at hindi rin masyadong malamig, sakto lang. While I am walking, I saw some posters hanging at the Salvador de Café. Nandon ang mukha namin nina Aby at Keisha, especially Felix. It's a congratulatory poster para sa amin. Kinuhanan ko naman 'yon ng larawan at sinend sa dalawa.
Malayo pa ako sa park pero tanaw ko na s'ya. Agad ko s'yang nakilala dahil suot n'ya pa rin hanggang ngayon ang kanyang toga. Nakatulalang naka-upo s'ya sa bench. Hindi pa nga n'ya napansin na naka-upo ako sa tabi n'ya kung hindi ako nag-salita.
"How are you?" Ibinigay ko sa kanya ang paboritong n'ya kape na agad naman n'yang inabot.
"Ayos naman, ikaw?" Nag-thumbs up ako bilang sagot. "Sorry for everything, Wing."
Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pag-ngiti ko. "Sorry is not enough, Felix. You know that."
Natahimik kami ng ilang minute. I decided to talk first since meron akong flight na hahabolin. Yes. I'm going to Australia today. That's why I want to talk to him. Pero hindi ko sasabihin na aalis ako.
"Let's end this relationship, Felix." Ramdam ko naman ang pagtingin n'ya sa akin dahil sa gulat nang marinig ang sinabi ko. "It's not healthy anymore. I think, it's not a right time and age that we loved each other. Hindi natin alam kung an oba ang gusto ng isa't-isa. We don't know how to act like lovers. We don't know that deep each other yet. We keep secrets. You broke your promises."
"Why end this relationship if we can fix it, Wing? Dahil ba kay Ellie? Hindi ako ang ama ng batang dinadala n'ya, I swear!"
"I know that it's not your child. Alam ko rin na kaya nating ayosin kung ano ang meron tayo pero in this case kasi, hindi na pwede. College na tayo soon. Lalong magiging mahirap para sa atin ang lahat. Remember when you choose Ellie than me that night, there's a chance na baka maulit 'yon. I'm your girlfriend pero pinili mo s'ya. I always need you pero lagi kang busy. Sa mall, no'ng naglaro tayo sa Tom's World, nabastos ako. I was waiting for you to come pero nakaalis ka na pala. Ang dami pa Felix, ang dami pang sitwasyon kung saan kelangan kita pero wala ka because... you're with Ellie."
"I'm sorry!"
"I told you, sorry is not enough." Pinunasan ko ang luhang unti-unti ng pumapatak sa mata ko. Tumayo ako tinalikuran s'ya. "T-Thank you for everything."
Habang naglalakad palayo sa kanya, I can hear him calling my name pero pinilit ko ang sarili kong 'wag lumingon. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang hindi ko na s'ya marinig. The only thing that I can't think now is to break up with him.
Nang makauwi, kinuha ko lang ang ilang gamit na hindi ko naimpake noon at umalis na rin sa condo. Magpapaalam pa sana ako kay tita Anicka pero kaya ko pa naman imanage ang restaurant kahit online. Resbak ko naman si Aby at Keisha, alam na kasi nilang aalis ako. When I arrived at the airport, kumain agad ako. Hindi pa kasi ako naglulunch kaya gano'n na lang ang gutom ko.
May isang oras pa naman bago ang flight ko kaya naggala muna ako sa airport at kumuha ng mga pictures. I was about to post it through my Instagram pero naalala ko na finollow pala namin ni Felix ang isa't-isa. I unfollowed him at prinivate ko ang account ko bago piinost ang mga nasabing larawan.
After the long wait, nakasakay na rin ako ng eroplano. I tried to sleep habang nasa byahe pero hindi ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko kahit na gusto ng isip ko na matulog. Naaalala ko 'yong mga panahon na masayang-masaya kami ni Felix. Hindi ko maiwasang mapangiti. At least, naranasan ko ring sumaya kahit panandalian lang.
Habang nasa byahe, bigla na lamang pumasok sa akin ang sinabi ni Felix kanina. Hindi ako ang ama ng batang dinadala n'ya. Kung hindi s'ya ang ama ng batang dinadala ni Ellie? Sino? At saka, bakit n'ya gagawin ang mga 'yon kay Ellie kung hindi s'ya ang ama? Bumuntong hininga ako at pinilit ang sarili, hindi naman ako nabigo.
Nang makababa ng eroplano, ramdam ko na agad ang pagkakaiba ng hangin dito at sa Pilipinas. Habang naghihintay sa sundo ko ay napatingin ako sa paligid ko. It was awesome. I'll make sure that I'll heal. Pagkabalik ko ng Pilipinas, there's a new me. Another version of Wing Montoya.
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...