Reflection 27
It's been years since I changed my path and study here in Australia. Ang daming opportunities ang natanggap ko when I graduated. I also managed to renovate our old house; my parents don't know it. Before our graduation, my professor came to me saying that investors love my idea in the business plan I made for our research. Sabi nila kung gusto ko ba raw i-pursue ang business na 'yon because they are willing to invest and help me to grow the business. Isang buwan ko rin 'yong pinagisipan ang in the end, I did it.
'Yon ang dahilan kung bakit ako uuwi sa Pilipinas. Yesterday was our first boy group's debut, Dagger. They are trained for two years by our Korean mentors. Hindi ko nga aasahang magigig gano'n kaagad ang kalalabasan ng debut nila kahapon dahil no. 1 searches agad sila sa iba't-ibang websites. Sa tulong na rin ng ibang kakilala ko sa Australia kaya sila nakilala rin agad sa ibang bansa. Kung hindi dahil sa mga investors at sa mga kakilala nilang company na connected sa entertainment industry, walang DARK Entertainment sa Pilipinas.
When I noticed my secretary's car ay agad akong lumapit doon dala ang aking dalawang maleta. Lumabas s'ya ng sasakyan at nag-bow sa akin. She helped me to put my baggage's to the cars compartment. My secretary is a Korean.
"Where should we go, Miss Wing?" tanong nito nang paandarin n'ya ang sasakyan.
"Let's go to the company. I'm going to visit for a minute then we'll go to my house. I'll tell you the location later," I said.
I straighten my back at bumuntong hininga. Kinuha ko ang aking Ipad at pinanood ang debut music video ng Dagger. Actually, this is my first time watching this music video since their debut yesterday. Meron na 'yong eighty million views na ikinamangha ko. Wala pa ako sa kalahati ng video ay pinause ko na agad nang makilala kung sino ang isa sa mga miyembro ng Dagger. Hindi kasi ako masyadong nakakarinig tungkol sa mga trainees dahil merong naghahawak sa kompanya noon bago napasaakin ang pwesto ko ngayon.
I still can't believe that Anzu decided to become a Ppop Global Idol. Hindi ko kasi s'ya nakikitang sumayaw o kumanta noon dahil bata pa s'ya at mahiyain. He's different right now. Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa kompanya. The design is very dark, bagay na bagay sa pangalan ng kompanya. Why dark? Because I decided that we should have a dark or cool concept for every group that we would release. Like Dagger, their concept is that they are hunters of the monster versions of themselves. Also, we also decided that every album they will release in the future would be connected, like chapters of a story.
I entered the company at agad naman akong binati ng mga staffs. I visited every part of the company. Hindi ko nakita ang Dagger since they are busy doing their schedules. Nagpahatid na rin ako papunta sa luma naming bahay and it was good than I expected.
Pagkatapos ko maligo ay dumiretso agada ko sa aking kwarto para magpahinga. Hindi rin naman ako gutom dahil kumain na rin kami ng secretary ko bago dumiretso rito sa bahay. I also did meetings nang makarating ako. Buti na lang at napakabitan ko na ang bahay ng internet kaya hindi na ako masyadong nahirapan. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na napansin na nakatulog na ako.
Nagising ako nang mag-ring ang cell phone ko. Malabo pa ang mga mata ko nang sagutin ang tawag.
"Hello?"
"Hi Wing, may pasalubong ba? Kahit isang member lang ng Dagger!" Nailayo ko ang cell phone sa aking tenga nang marinig ang nakakarinding boses ni Aby sa kabilang linya. Akala ko ay s'ya lamang ang naroon ngunit naririnig ko rin ang mga adlib ni Keisha. "Balak naming bumisita d'yan sa new house mo bukas if hindi ka busy."
Bumangon ako sa higaan at pumunta sa sala. "Ginising mo lang ako para d'yan?" Humikab ako at nahiga sa sofa. "Check ko kung may free time ako bukas. If wala, text or chat ko kayo kung kelan kayo pwedeng pumunta."
"Okay, tulog ka na ulit." She hung up the call.
Natawa naman ako. Hindi pa rin nagbabago ang ugali nito. Babalik na sana ako ulit sa kwarto para matulog kaso nakaramdam naman ako ng gutom. Pupunta sana akong kusina pero hindi pa naman ako nakakapag-grocery kaya walang pagkain doon. Tiningnan ko ang oras sa aking cell phone at alas syete pa lang naman ng gabi kaya kinuha ko ang hoodie at wallet ko sa kwarto para kumain sa labas. Ang tagal ko na ring hindi nakakapaglibot sa lugar na ito. Ang ibang kakilala ko noon dito ay nagsilipatan na kaya wala na akong masyadong mga kakilala.
I searched at the map kung saan merong malapit na restaurant na bukas pa ngayon. May nakita akong bagong Japanese restaurant na wala rito noon. Since nagc-crave rin ako ng Japanese food, doon ako pumunta. Bago rin ang restaurant na 'yon kaya mas magandang i-try na rin.
Namangha ako nang makarating sa nasabing restaurant. Amoy na amoy ko na ang mga pagkain pagkapasok ko pa lang sa loob. Agad akong inassist ng isang staff papunta sa one seater table. She gave me a menu at tinuruan ako kung paano oorder gamit ang tablet sa lamesa. So high-tech! At least hindi ko na kailangang tumayo para mag-order.
Maya-maya ay dumating na rin ang order ko. Doon ko lang narealize na ang dami ko pa lang inorder para sa isang tao. Hindi rin kasi ako kumain ng tanghalian kaya gutom na gutom ako. I was busy eating when someone put a drink on my table. Nagulat naman ako nang makita kung sino ang naglagay noon. It's been years na hindi ko s'ya nakita at wala rin kaming communication. After that day ay hindi na ulit kami nagka-usap, siguro dahil na rin sa awkwardness.
"Sabi na nga ba at ikaw 'yan eh," he said, smiling. "It's nice to see you again, Wing."
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...