Reflection 10
"Sinusundan mo ko 'no?" pabirong tanong ko kay Felix na ngayon ay naka-upo na sa tabi ko at umiinom ng coke. "Kung nasaan kasi ako ay naroon ka rin. Sa laki ng school na 'to dito ka pa nag-punta."
"It's my favorite spot, kaya nga may bench dito eh. Ako ang nag-lagay," pagmamayabang n'ya pa. Ngayon ko lang nalaman na s'ya pala nag-lagay nito, sa tagal ko ng tumatambay dito. Akala ko s'werte lang ako, may nauna na pala. "Sabog ba follow request mo?" tanong ni Felix habang nakatingin lamang sa malayo.
"Oo, kung p'wede lang 'yon i-convert sa pera edi sana puno na wallet ko." Pabirong sagot ko na lamang.
"Does it bother you?" umiling ako.
"No. Unti-unti na rin naman akong nasasanay. At saka, wala naman silang mapapala sa akin." Nakipag-apir sa akin si Felix at pinagbuksan ako ng coke in can na iniinom n'ya. We both chill at the rooftop and we are thankful na walang nakakita sa amin.
Laking gulat ko nang makita ang arm chair ko na may nakalagay na kulay pulang kahon. Dali-dali akong hinila ni Aby at Keisha papunta roon at pinipilit akong buksan iyon. Dahil sa curiosity, binuksan ko iyon at tumambad sa amin ang isa pang maliit na kahon.
"Baka bomba 'to ha?" saad ko sa dalawa na naiiyamot na dahil box na naman ang bumungad sa amin.
Kinuha ko ang maliit na box at bumungad sa amin ang isang kwintas na isang pakpak ang pendant. Hindi ko alam kung kanino ito galing at naghanap ako ng ibang bagay na makakapagturo sa kan'ya kung sino ang nagbigay nu'n. Tiningnan ko ang dalawa pero agad din naman silang umiling. Alam kasi nila na itatanong ko kung sila ba ang may pakana nu'n.
Wala na kaming time para pag-usapan ang tungkol dito dahil tinawag na ako ng ibang kasama ko sa taekwondo. This will be my last day with them dahil napag-desisyonan kong hindi ko na itutuloy ang pagsali.
"Are you sure?" Sir William asked me. "If that's your decision then, I'll respect it."
"Focus po muna kasi ako sa grades ko. Ayaw ko po kasing bumalik ulit sa senior high school if ever na bumagsak ako." kagabi ko pa ito pinagiisipan. I made a decision that I will focus more on my studies especially on my part-time job. "I hope you understand, Sir William."
He smiled. "Drop the formality, Wing. You can call me William. Two years lang naman ang tanda ko sa 'yo." natawa naman s'ya sa sarili n'yang sinabi because of the word matanda. "If that's your decision, then, I'll respect it. Good luck on your studies. If you need something nandito lang ako."
We say good bye to each other at nagsimula na s'yang bumalik sa pagttrain sa ibang students na nagparticipate sa taekwondo. Dumiretso ako sa library para magpalipas ng dalawang oras bago ang sunod namin na klase. I was about to start studying when I remembered the necklace. Kinuha ko iyon sa aking bag at inilapag sa lamesa. Binuksan ko iyon at tinitigan. I know that the necklace is really for me. Sa pakpak na pendant pa lang ay alam ko ng akin ito.
Kinuha ko ang sulat na kasama nu'n para kahit papaano ay makita ko kung kanino galing ito. The message was printed kaya hindi ko makikilala ang writing nito. Binasa ko ang nakasulat doon. I was afraid to confess and this is the only way that I can do to express my feelings for you. When I first saw you, every thing stop. Every one is moving slow, parang sa mga movies. My heart started to beat faster na nararamdaman ko lang kapag napapagod ako. Akala ko no'ng una normal lang pero when I started to see you every day, it's cringe but my feelings for you is getting harder. I'll gave this necklace for you as a gift of appreciation. You look beautiful, Wing. You only have two options, wear this necklace or just hide it, I won't mind.
I was smiling while reading it. I fixed my eyeglass at kinuha ang kwintas. Sinuot ko iyon at kinuhaan ng picture. I posted it on my instagram account without thinking kasi si Felix lang naman ang follower ko roon. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagsimula ng aralin ang next lesson namin. I was in the middle of reading some lectures when someone seated in front of me. And it was, Felix. He have this poker face wearing at pabagsak na inilapag n'ya ang gamit sa lamesa.
"What's with that behaviour?" pagbibiro ko rito at inayos ang magulo kong gamit ngunit hindi n'ya ako pinapansin. "May problema ba?"
He looked at me, emotionless. Nakakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama or sadyang wala lang s'ya sa mood. He was looking at my necklace. Mapangasar na ngumiti ako sa kan'ya at ipinakita sa kan'ya ang kwintas.
"Type mo?" I asked, pertaining to the necklace.
Iniwas n'ya lang ang tingin sa akin at binuklat n'ya ang kan'yang notebook. Hindi ko na lamang s'ya pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Halos isa't kalahating oras ang ginugol ko sa library. I only have thiry minutes left to prepare for our next class which is our last class for this day. Niligpit ko ang gamit ko and I was ready to leave when he speak.
"Saan ka?" tanong n'ya habang nililigpit ang kan'yang gamit.
"Puntang cafeteria before our class, bakit?" hindi n'ya ako sinagot at nauna s'yang maglakad sa akin.
Ano ba kasi talaga ang problema ng lalaking ito? Kanina ko pa s'ya sinusundan at sa cafeteria rin ang punta n'ya. "Bakit ko ba s'ya sinusundan? P'wede naman na akong mauna sa kan'ya 'di ba? Tama!" nilagpasan ko s'ya at agad akong dumiretso sa cafeteria para bilhin ang gusto kong kainin. Nang makuha ko ang gusto ay umalis din agad ako at sa room na kumain.
"Anong ginawa mo sa two hours na break?" napatingin ako kay Cleo na halos ay kasabayan ko ring dumating.
"Sa library lang." nakangiti kong sagot at inalok s'ya ng carbonara na kinakain ko ngunit kakatapos n'ya lang din daw kumain.
Kinuha ko ang cell phone ko para i-text si Aby at Keisha na hanggang ngayon ay wala pa. Saktong pag-send ko ng message ay saktong dating din nila na kumakain pa ng popcorn. Sa akin daw 'yong isa kasi hindi ako sumama. Itinago ko iyon sa bag ko para kainin sa bahay.
Our class started ngunit hindi pa rin dumadating si Felix. Nasaan kaya 'yon? Bumuntong hininga ako at isinulat ang mga itinuturo ng adviser namin. Natapos na lang ang klase ay wala akong nakitang Felix. Pagkatapos iligpit ang gamit ko ay agad ko s'yang tinext. Nasaan ka? Hindi ka um-attend ng last class. Masama ba pakiramdam mo?
"Lumipat ka na palang every afternoon shift, Wing?" naagaw ni Aby ang atensyon ko dahil sa sinabi nito. "Edi kami na lang ni Keisha every weekends. Sawa na ako sa mukha n'yan."
"Kung sawa ka, mas sawa ako."
Sumagot na ako bago pa sila magbangayan. "Oo, need ko kasi ng budget. Alam n'yo naman."
Nauna na akong umuwi sa kanila since may afternoon shift pa ako sa cafe. Dumaan muna ako sa condo para magpalit at icheck kung may mga kailangan ba akong bilhin. Sweldo namin today kaya balak kong mag-grocery bukas. Nang magawa ko na lahat ng kailangan kong gawin ay umalis na rin ako. Saktong paglabas ko ng pinto, I saw Felix pero hindi n'ya ako pinansin. Agad kong sinara ang pinto at hinabol s'ya.
"Felix. Teka. Felix, may problema ba? Bakit mo ako iniiwasan?" inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa braso n'ya. "Okay, sige. Palamig ka muna."
Papasok na sana ako sa loob ng elevator when I heard him saying those words that makes me confuse. "Don't wear that necklace, it's not from me."
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Teen FictionCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...