Reflection 5

78 30 1
                                    

Reflection 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reflection 5

"Thanks for the ride!" nakangiting saad ko kay Felix nang maisara ko ang pinto ng sasakyan. I was about to enter our house nang bumisina s'ya. "Bakit?"

"Remember the karaoke?" I nodded. "Bukas na 'yon. Since half day tayo kasi orientation pa lang naman ang meron bukas. See you tomorrow!" kumaway ako sa kan'ya at pinanood na maka-alis.

Nang maka-pasok ako sa loob ng bahay ay napa-buntong hininga na lamang ako. Naalala ko kasi 'yong text sa akin ni mama kanina. Hindi nga ako nagka-mali na nasa sala ito, hinihintay ako.

"Oh, andyan ka na pala. Magkano ang swineldo mo?" agad nitong tanong sa akin habang humihithit ng sigarilyo. Hindi ko s'ya pinansin at nilampasan lamang, dahilan kung bakit n'ya ako sinisigawan ngayon. "Porket kumikita ka na may karapatan ka ng balewalaen lang ako? Ano? Matibay na ang buto? Kaya mo ng buhayin ang sarili mo? Kung gano'n, lumayas ka na sa bahay na 'to. Bwiset! Wala kang utang na loob!" sunod-sunod na sambit n'ya habang kumakain ako.

Kung ano-ano pa ang mga sinabi n'ya hanggang sa nakapasok ako sa 'king kwarto. Pagod na inilapag ko ang bag ko sa study table at nahiga sa kama. Malapit na sana akong makatulog nang mag-vibrate ang phone. It was a text message from the registrar of the university. Para bang nawala ang antok ko nang mabasa ang mga katagang naka-sulat doon. I got a scholarship! Hindi ko alam kung paano dahil hindi naman gano'n kaganda ang academic records ko no'ng high school, but I'm still thankful! Ang laking tulong nito.

It was Friday! Lahat ng estudyante ay naka-outsider clothes since half day lang naman. I'm wearing a white polo shirt as a top at simpleng jeans lang sa bottom. Suot ko rin 'yong sandals na regalo sa 'kin ni Aby no'ng birthday ko. Dumiretso ako sa room namin since sabi ni Sir William ay susunduin n'ya ako roon. Naalala ko 'yong kwinento n'ya sa amin sa probinsya na kaya s'ya nag-h-home school na lang kasi passion n'ya talaga ang pag-t-taekwondo. He's a victim of bullying din kasi. Pero wala naman akong nakikitang dapat ibully sa kan'ya.

Nang makarating ako sa classroom ay nakita ko si Sir Willliam sa labas na may kasama ring iba pang estudyante. "Sir William!" saad ko para mapansin n'yang nando'n ako. Kumaway naman ito sa akin at lumapit.

"Ano? Join ka?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Pag-i-isipan ko po sa orientation mamaya."

Tinanguan n'ya ako at dinala n'ya kaming lahat sa covered court together with the basketball team. Biglaan daw kasing na-i-announce na si Sir William na rin ang mag-h-handle sa Basketball ABM team. Kaya siguro maraming girls ang nasa taekwondo ngayon dahil alam nilang nandito ang basketball teams. Gwapo sila, oo!

"Kumpleto na ba ang basketball team?" tanong ni Sir William sa lalaking naka-red t-shirt.

"Wala pa si Felix, Sir. Nasa hallway na raw po siya papunta rito." Saad nito at naupo sa tabi ng kan'yang mga kasamahan.

Maya-maya lamang ay pumasok si Felix sa loob ng covered court wearing a white t-shirt as his top at jeans pangbaba. Sa buong outfit n'ya palang ngayon ay alam mo ng hindi biro ang presyo ng mga 'yon. Kinausap s'ya saglit ni Sir William bago s'ya naupo kasama ang ibang basketball team. Mukhang hindi n'ya ata ako nakita. Salamat!

Sinabi lang lahat ni Sir William ang lahat tungkol sa schedule kapag nag-start na ang practice, rules and regulations, etc. Hindi naman masyadong mahaba ang mga sinabi n'ya at sapat na 'yon para maunawaan mo ang lahat. I was about to pick up my bag nang may kumuha nu'n at ibinigay sa akin. Felix.

"Tara? Nag-iintay na siguro sila sa atin." Nakangiting saad nito at nauna na sa aking mag-lakad. Nakita n'ya kaya ako habang tumatakbo ang oras sa orientation?

Nag-kibit-balikat na lamang ako at sumunod sa kan'ya. Tama nga s'ya, nagiintay na 'yong iba sa amin. Mapang-asar na ngiti pa ni Cleo ang sumalubong sa akin. Hinila n'ya ako sa tabi n'ya kahit katabi n'ya si Deven at bumulong. "Couple-couple pa kayo ah!" tiningnan ko ang damit ni Felix at ang damit ko.

"Couple?" pabulong na tanong ko sa kan'ya.

"You are both wearing a same brand of t-shirt and jeans. Hindi n'yo naman napag-usapan?" tinusok-tusok pa nito ang tagiliran ko kaya napapalayo ako sa kan'ya.

"Ukay-ukay lang 'yung akin tapos sa kanya original. Hindi naman porket same brand ay couple matching na agad." Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Musta tol? Nagpalit ka talaga?" napatingin ako sa direksyon ni Ezekiel at Felix na abot hanggang kanto ang boses kung mag-usap. Napatingin si Ezekiel sa akin at ngumiti. "Natapunan ko kasi ng kape 'yung damit niya, oo 'yun nga." He awkwardly laughed. Wala naman akong tinatanong kung bakit nagpalit si Felix ng damit.

Binatukan s'ya ni Felix at inaya na kami sa isang van na sasakyan daw namin papunta sa KTV Bar. Hindi ko makita 'yung dalawa dahil punong-puno ng estudyante ang buong parte ng university. Sigurado akong hinahanap na ako ng mga 'yon. I just texted them na umuwi na ako para hindi na nila ako kulitin.

Felix is the one whose driving. Ang guess what, nasa passenger seat ako since it's for one seater only. Ako lang naman ang walang ka-partner sa lahat maliban kay Felix kaya rito ako pinasakay. Si Cleo talaga ang may pakana nito na sinang-ayunan naman ng lahat. Wala naman akong magawa dahil nakiki-belong lang naman ako sa kanila.

Nag-kwe-kwentuhan silang lahat sa likod at kami lang ni Felix ang tahimik dahil parehas kaming nasa harapan. Minsan ay naririnig ko pang inaasar ako ni Cleo ngunit hindi ko na lamang pinapansin at nagbabad sa news feed ko sa facebook.

"Hindi ka ba nahihilo?" napatingin ako kay Felix na pabulong na kinakausap ako. Umiling ako bilang sagot at ngumiti lang s'ya at ibinalik ang tingin sa daan. "Malapit na tayo!" sigaw n'ya para marinig ng lahat. Nagkakantahan na kasi sila kahit hindi pa kami nakakarating sa KTV Bar.

Maya-maya ay nakarating din kami sa destinasyon. May pinakita lang na QR code si Felix sa isang staff at in-assist kami sa isang silid na benteng tao ay kakasya. Walo lamang kami kung tutuosin. Akala ko ay may iba pa kaming kasamahan ngunit kami lang talagang walo ang gagamit ng ganitong kalawak na silid. Isa-isang nag-datingan ang mga waiter na may mga dalang pagkain. Hindi kami um-order ng alak since labag 'yon sa rules ng school kahit wala kaming kasamang staff sa school. Baka kasi may makakita sa amin at isumbong kami.

"Let the night begin!"

Reflection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon