Reflection 31

42 23 1
                                    


Reflection 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reflection 31

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang message sa akin ng secretary ko kagabi, ni hindi nga ako nakatulog kakaisip doon. I was looking for them for years. Kung kailan naman ako nagkaroon ng info kung nasaan sila ay hindi ko sila mapuntahan since may work akong kailangang puntahan sa Australia. Hindi naman ako magtatagal doon. Kung maaari ay tatapusin ko na lahat ng kailangan kong gawin ng isang araw, kaso ay hindi pwede. Baka hindi na ako humihinga kapag hinarap ko sila.

"Miss Wing, are you ok?" Napatingin ako sa secretary ko na kakagaling lang comfort room ng eroplanong sinasakyan namin. "Do you want something to drink?"

"Tubig na lang. Matutulog muna ako since wala pa akong tulog. Dapat pala hindi na lang kita tinanong kung bakit ka napatawag kung 'yon pala ang sasabihin mo. Kahit kailan ka talaga, naku! Kung 'di ka lang cute." Natawa naman ito sa sinabi ko. "Ilang years ka na rito sa Pinas?" I asked out of nowhere.

"Five years," she said.

We just talked about her life here in the Philippines at natulog. When we arrived at Australia, sa condo ko lang agada ko dumiretso. Ibang sasakyan ang sinakyan ni Meli, my secretary, since sa hotel daw s'ya pansamantalang titira. Inaaya ko nga s'yang doon na lang sa condo ko pero lagi n'ya akong tinatanggihan.

Hindi naman gano'n kagulo ang condo ko rito dahil nalinis ko naman ito bago ako umuwi sa Pilipinas. Nang makahiga ako sa aking kama ay agad kong tinawagan si Riki na agad naman nitong sinagot.

"Hey!" Masiglang bati nito nang sagutin n'ya ang tawag.

"Yow! I'm here already in my condo," saad ko. "What time is the meeting again tomorrow? Meli said it to me earlier but I forgot." Natawa naman ito.

"Seven in the morning, as usual. How's your vacation in the Philippines? Did you bring me some dried mango?"

We just continue talking about my trip and what happen to him while I'm away. 99% pagkain at 1% kwentuhan lang ang laman ng conversation namin sa telepono. Kung walang ibang tumawag sa cell phone n'ya ay hindi matatapos ang usapang pagkain namin.

Ewan ko ba pero kanina ay antok na antok ako, ngayong nakahiga na ako hindi naman ako makatulog. I decided to go out para masanay sa klima. Kinuha ko ang jacket sa kwarto at lumabas.

Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako dahil sa gutom ako o ano. I think I saw Felix entering the unit next to mine. Imposible namang s'ya 'yon 'di ba? Nakita ko pa nga s'ya sa reunion. Hindi ko rin s'ya nakasabay sa eroplano kanina? Maybe he ride a different airplane? Napailing na lamang ako. Bakit ba hanggang dito iniisip ko pa rin s'ya. Naka-move on na ako... siguro?

Nilakad ko lang ang restaurant na ni-recommend sa akin ni Riki. Malapit lang naman daw 'yon sa building namin kaya makakatipid ka pa sa transportation. Kilala n'ya kasi ako bilang kuripot na tao, that's why he always recommends me some easy to go and cheap things. Nagiipon kasi ako noon kaya sa murang mga bagay lang ako nags-stay at saka kapag kaya ko namang lakarin, naglalakad na lang ako, exercise na rin.

Pagdating sa nasabing restaurant, carbonara at ginger bread lang ang inorder ko. Hindi ako nagtipid since gutom ako. No'ng una ay isang order lang ako pero nang matikman ay nag second order ako. It's there opening yesterday at kapag natikman mo ang menus nila, alam mo talagang meron silang future. Babalik at babalikan ko ang restaurant na 'to.

Dahil sa kabusugan at tinamad na akong maglakad. I decided to take a taxi. Nang makarating ay natulog lang ako kaagad. Kahit na putol-putol ang tulog ko ay masasabi ko pa ring I sleep well. Nagising lang ako ng tuluyan nang tumunog ang alarm ko. I prepared early since may meeting kami mamaya-maya. Napapaisip na lang tuloy ako kung natutulog pa ba ang mga kasama ko sa trabaho. Nahiya naman ako na tinatamad pang gumising sa umaga at minsan ay nalalate pa sa meetings.

I just simply wear white polo shirt na tinerno ko sa itim na pantalon. Sneakers na lang ang sinuot ko since hindi ko nadala ang heels ko. Inilugay ko ang itim kong buhok at nilagyan ng hair pin ang bawat gilid banda sa aking tenga para hindi 'yon maging abala sa aking mukha. Naglagay din ako ng pink na lip balm at nang makuntento na ay umalis na rin ako.

Hindi ko talaga hilig ang mag-lagay ng lipstick, depende na lang siguro sa okasyon. Kung makikita mo ako sa personal ay baka pagkamalan mo akong adik sa lip balm. Kapag ramdam ko kasi na tuyo na ang labi ko ay naglalagay ako ulit.

After the meeting, balak kong dumiretso sa gadget store para bumili ng bagong laptop. Senior high school pa ako ay ginagamit ko na ang kasalukuyang laptop ko. Medyo hindi na s'ya gano'n karesponsive at palagi na ring naglalag kaya balak ko ng paltan.

Nang makarating sa DR Studio, si Meli agad ang sumalubong sa akin. Ipinakita n'ya sa akin ang kanyang iPad kung saan nakalagay ang paguusapan namin kanina. Ngunit sa isang section lamang ako nakatingin. New investor? AK Studio? Nagkibit-balikat na lamang ako at sabay na kaming pumasok ni Meli sa kompanya.

Dalawang palapag lamang ang meron sa kompanya pero hindi biro ang lawak ng lugar. Narito ang iba't-ibang song writers at producers na sikat na sikat dito sa Australia. Dito rin nagre-record ng mga kanta ang mga sikat na singers dito. Isa na roon ang Dagger. Actually, Riki is their producer. Tinutulungan daw minsan ni Anzu ang lalaki sa pag-produce ng kanilang b-side tracks. Ang ibang b-side tracks ng kanilang debut album ay si Anzu ang nagsulat na medyo ikinagulat ko. Hindi ko akalaing gano'n katalented si Anzu.

Nang makarating sa meeting room, pumukaw sa akin ang name plate sa katabi kong upuan. The representative or maybe the owner of AK Studio will be sitting beside with me. Nasa dulong parte ako kaya s'ya lang ang makakatabi ko. I don't know pero iba ang feeling ko sa AK Studio. I know AK Studio. Sila ang pangalawa sa ranking ng mga studio at una naman ang DR. Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit gusto nilang mag-invest sa. P'wede naman silang makipag-collab dito? And then realization hit me. Ah, so this is business!

Isa-isang nagdatingan ang mga board members at ang CEO ng DR Studio. Ang representative na lang ng AK Studio ang hinihintay. Well, may five minutes pa naman bago ang nasabing oras ng start ng meeting. Sana lang hindi s'ya malate.

Lahat kami ay napatingin sa pinto ng meeting room nang magbukas 'yon. The moment I saw his face, I was shocked. At isa lamang ang nasa isip ko... what the hell is he doing here?

Reflection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon