Reflection 37
Sa daming nangyare, nakalimutan ko ng may birthday din pala ako, namin ni Fang. Pinilit ko sina mama at papa na sumama na sa akin pauwi. Kaya ayon, tinutulungan ko silang mag-impake ng kanilang mga gamit. Hindi naman ganon kasama ang tinitirhan nila rito sa probinsya. Ito raw ang pinagawa nilang bahay galing sa pagtratrabaho nila.
Umiglip ako saglit sa itinurong bakanteng kwarto ni mama para magpahinga. Matatagalan din kami sa byahe dahil traffic na sa mga oras na ito. Marami pa rin daw silang iiimpake kaya pinagpahinga muna nila ako. Kahit kakakain lang namin kanina ay nagugutom ulit ako. Hindi ko nga alam kung anong klaseng bulati ba ang nasa tiyan ko at napaka-patay gutom.
Nang magising ay pinuyod ko lang ang aking buhok at lumabas ng bahay. Naabutan ko si papa na nilalagay ang kanilang mga gamit sa compartment ng aking sasakyan. Lumapit ako para tulungan s'ya pero inayawan n'ya ang alok ko.
"Nasaan po si mama?" tanong ko nang hindi ito makita sa loob ng bahay.
"Meron lang daw s'yang bibilhin. Babalik na rin 'yon mamaya," saad nito sabay lagay ng huling bag sa sasakyan. "Magbibihis lang ako at isasara ang bahay. Hintayin mo na lang si mama mo rito." Tumango na lamang ako.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan para tingnan kung may gas pa ito. Abot pa naman ito sa papunta sa gas station mamaya, I don't need to worry. Lumabas muli ako ng sasakyan at dinama ang simoy ng hangin.
"Ah, I want to live here someday." Bulong ko sa aking sarili at bumuntong hininga.
Dahil sa hangin ay parang nadala na nito lahat ng stress, pagod, at mga hindi nangyare noon sa akin. I feel relieved!
"Anak... si papa mo? Baka gabihin tayo nito sa byahe." Napatingin ako sa direksyon ni mama nang marinig ko ang kanyang boses. Mayroon s'yang hawak pero hindi ko alam kung ano ang laman nun. "Bumili ako ng pagkain para hindi ka magutom habang nasa byahe."
Nakangiting nilapitan ko si mama at niyakap. Niyakap n'ya rin naman ako pabalik. My self-realized something again. Ah, this is what a mother's hug feels like.
Nang makitang nakalabas na si papa ng bahay ay lumapit na kami sa sasakyan at bumyahe na. Dahil mahaba ang babyahein namin, wala kaming ginawa kundi ang makinig ng music at kumain. Hindi pa nga kami masyadong nakakalayo sa pinanggalingan ay ubos na ang biniling pagkain kanina ni mama. Nang maboring sa byahe ay hindi ko na napansin na nakatulog na pala sina mama at papa. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti. Kahit ako ay inaantok na rin dahil masyado na ring gabi. Malapit na rin naman kami sa bahay kaya ininda ko na lang ang antok na nararamdaman.
Nang makapasok sa garahe ay nagising naman silang dalawa. Pinatay ko ang makina at pinagbuksan sila ng pinto.
"Una na po kayong dalawa sa loob... ito po ang susi." Ibinigay ko sa kanila ang susi ng bahay bago binuksan ang compartment para kunin ang kanilang mga gamit. "Ako na po ang bahala rito."
Aangal pa sana sila pero pinagtulakan ko silang pumasok na sa loob. Isa-isa kong nilabas ang kanilang mga maleta at bag. I leave them first at the main door dahil hindi ko naman kayang ipasok ang lahat ng sabay-sabay. When I opened the door, the darkness welcomed me. Nangunot naman ang aking noo.
"Ma? Pa?" tawag ko sa dalawa pero ni isa sa kanila ay walang sumagot.
Bubuksan ko na sana ang ilaw nang may narinig akong tunog ng gitara. Nag bukas ang ilaw sa kanyang pwesto na s'yang nasa itaas ng hagdan.
"Hiding from the rain and snow, trying to forget but I won't let go..."
When he started to sing, I remembered that song. 'Yan ang palagi n'yang pinapatugtog noon. And I didn't know that he's going to sing that for me... tonight.
Habang bumaba s'ya sa hagdan ay pinagpapatuloy n'ya ang pagkanta at paggigitara. Nang makalapit s'ya sa akin ay napangiti ako. pinigilan ko ang luha ko dahil alam kong hindi lang ito ang matutuklasan ko ngayong gabi.
He kissed me on my forehead and said, "Happy birthday, my love!"
Unti-unting bumukas ang mga ilaw at bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na naka-suot ng birthday cap. Pati sina mama at papa ay ganon na rin ang suot habang hawak ang larawan ni Fang.
Felix delivered the cake to me. "Make a wish!" Halos sabay na sigaw ng lahat.
Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling. Wala na ata akong mahihiling pa dahil lahat ay natupad na. Isa na lang ang hindi... sana, hindi na ako o kami magkaroon ng misunderstandings na makakasira sa isa't-isa. We're going to be happy forever. No matter what happen, magkakasama kami. After I said it to my mind, hinipan ko ang kandila. Kasabay non ang sabay-sabay nilang palakpak habang kumakanta ng happy birthday.
***
Dahil late na rin, isa-isa na silang nagsi-uwian. Hindi pa naman daw ito ang totoong celebration. Kung hindi lang daw ako na-late ng uwi edi sana ay nakakain na kami sa labas. Ako pa ang sinisi. Hindi rin alam nina mama na mayroong ganitong pa-surprise sa bahay. Nagulat na lamang sila nang buksan daw nila ang ilaw ay nandoon na ang lahat.
Pinapanood ko ang isa-isang pag-alis ng mga sasakyan habang nasa tabi ko si Felix na mayroong kausap sa kanyang cell phone. Kanina pa s'ya roon at aligagang-aligaga ito. Pansin ko rin ang minsan n'yang pagtingin sa akin.
"May problema ba?" tanong ko rito nang matapos ang tawag pero hindi n'ya iyon narinig. Dali-dali s'yang tumakbo papasok sa bahay, parang may hinahanap.
"Tita, hihiramin ko muna si Wing ha?" Kahit naguguluhan sina mama at papa ay tumango pa rin ang dalawa. Tumingin s'ya sa akin at ngumiti. "Pack your things, good for two days. May pupuntahan tayo."
"Bakit?"
"Basta."
Nakakunot ang noong pumunta ako sa kwarto. Kinuha ko ang isang maleta at doon lahat nilagay ang mga kailangan ko. Sabi n'ya, good for two days. Nagdala na rin ako ng swim wear, baka sa beach kami pupunta. Assuming lang.
Nang matapos mag-impake ay nagpaalam na kaming dalawa kayna mama at papa. Felix opened the door for me at he started to drive.
"Saan tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Reflection (Completed)
Fiksi RemajaCOMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love eluded her, truth remained hidden, and respect was a distant dream. Wing, a fiercely independent spirit...