Jennie Pov
(Fast Forward Tayo Noooo kasi Trip ko lang)
K I N A B U K A S A N
Naglalakad papasok sa Department namin at pagpasok ko nakita ko si Taehyung at napatingin siya sa akin
"Good mo- wait Mukang di good ang Morning mo may Nangyari ba?". Nag-aalalang Tanong sa akin Ni Taehyung
"Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi". Ngumiti lang ako ng Kunti sa kanya
"Weird". Napatingin ako sa kanya " kasi nung dumating si director Lisa Wala rin siya sa Mood at Mukang Umiyak siya Buong gabi dahil sa Namamaga yung Mata niya ayos lang ba kayong dalawa? Nag away ba kayo?".
"Okay Lang kami". Ngumiti ako sa kanya mg Kunti at naglakad na ako papunta sa Desk ko tas Binati ko sila Mino na nandun na sa kanilang Desk
Umiyak rin si Lisa? Pero Bakit? Dahil ba sa akin? Kaya siya Umiyak? O Naguguluhan siya Kung sino sa amin Ni ms. Ceo Park?
"Morning Jen jen ito na pala Yung tupperware kahapon ko sana ito Ibibigay pero Umalis ka kaagad kaya ngayon ko nalang isasauli". Nakangiting sabi Ni jhope
"Sarap Nung niluto mo Jen Promise buti nga napigilan ko si Seungri na Kainin yung tupperware eh kasi Kung hindi Wala na yang tupperware mo ehhehe". Sabat ni Mino na agad naman nakatanggap ng Mahinang sampal kay Seungri "aray ko maka Sampal".
"Puro ka kasi Kalukuhan Yan nararapat sayo".
" e Totoo nama-".
"Meeting Room In 10 minutes". Agad kami napalingon sa nagsalita and Si Lisa ito tas Tumingin siya sa akin at Kita ko sa mata niya na malungkot siya "may Sasabihin lang ako". Huling sabi niya At Umalis na.
Gusto ko siyang Yakapin ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil Ako yung nagsabi na mag Cool off muna kami kaya need ko mag tiis sana Sa Huli ako ang Pipiliin niya.
"Ano kaya ang sasabihin ni director Lisa noooo?". Rinig kung sabi ni Mino
" may narinig ako sa Secretary ni Ms.Ceo park na Lilipat o aalis daw si director Lisa baka Ito ang sasabihin niya". Biglang sabat Ni Loren kaya napatingin ako agad sa kanila
"Ikaw talaga napaka chismoso mo Tsk Pero Seryoso? Narinig mo talaga yun? Bakit friends ba kayo ng secretary ni ceo Park?". Tumango lang si Loren sa tanong ni Jhope
"Tara na Sa Meeting Room bago pa magalit si Director Lisa". Agad na Sabi ni Taehyung at nagsitayuan na kami at Pumunta na sa meeting Room and wala pa dun si Lisa kaya Nagsiupuan na kami at nag bubulungan ang Mga Boys at si Mina naman Tahimik lang sa Gilid
Click*
"Nandito na ba lahat?". Agad kami napalingon kay Lisa na dumating at Tumango lang sila ako naman nakatingin lang sa kanya at Inayos niya ang Eyeglasses niyang suot ngayon. Bagay talaga sa Kanya pag may Eyeglasses siya di halata na 30years Old.
"Anong po ba ang paguusapan natin Director lisa?" Tanong ni Seungri
"Pupunta ako ng Hongkong this Coming saturday and 3 days ako dun".
"Anong gagawin mo dun sa Hongkong?". Tanong ko sa kanya at napatingin sa akin ang mga kasamahan ko " I mean Ano po ang Gagawin niyo dun sa Hongkong?".
"May business Event na gaganapin sa Hongkong and Ako ang Representative ng Company na ito".
"Kasama mo ba dun si ms. Ceo park?". Tanong ko ulit at wala na akong Paki kung ano ang isipin ng mga kasamahan ko basta ang alam ko nagseselos ako
YOU ARE READING
Crazy In Love [COMPLETE]
Fanfiction_______________ "I love you not because of who you are, but because of who I am when I am with you." - Crazy In Love - [Publish] Nov. 22,2020 [End] Aug. 04,2021