"Ma, alis na po ako." paalam ko kina mama kinagabihan upang pumunta sa bahay nina Sandy.
"Nako, baka naman at may em-meet ka anak, ha." Maya-maya ay tukso na naman ni papa sa 'kin. Napasimangot tuloy ako dahilan nang ikinatawa niya.
"Papa naman. Wala naman po akong boyfriend. Alam ni'yo naman iyon, 'di ba?" nakangusong sagot ko sa kanya.
"Sayang naman. Kala ko nga may ipapakilala ka sa 'kin ngayon. Saan na ba 'yung iniyakan mo noon? 'Yung binulong mo sa 'king gustong-gusto mo. 'Yung crush mo. Sino ba pangalan no'n? Dave? David?"
"Pa," putol ko sa sinasabi ni papa.
"Hindi ba't isa 'yun sa mga barkada mo? Kuu, palagay ko naman sa batang iyon ay mabait. Basta't kahit sino, anak. Kapagka mahal mo, okay na ako." hindi pa talaga nakontento si papa at pinangalanan pa talaga. Nahuli niya kasi ako noon nang isulat ko ang pangalan ni David sa papel. Nabasa pa niya.
"Si papa talaga, oh. Matagal na kaya 'yun." protestang wika ko.
"First love never dies, anak. Huwag kang magsalita ng patapos. Baka ngayon palang ay iniisip mo na kaagad ang mga sinabi ko." wika ni papa. Natawa tuloy ako dito saka siya ngumisi sa akin.
Why can't you see me loving you, David? I like you and I think I love you.
Mariin ang pagkakasulat ko niyon sa isang kapirasong papel bago ko nilamukot. Hindi ko napigilang umiyak nang makauwi ako sa bahay nang mag-walk out ako sa Music Park kung saan nagperform ang banda nina David.
Nang ihagis ko iyon sa pinto ay nanlaki nalang ang mga mata ko nang siya namang pagbukas ni papa at natamaan siya nito.
"Aray ko namang butiki ito. Ano ba ito at ibinato mo sa akin?" wika ni papa nang pulotin niya ang papel.
"Nako, papa. Wala po iyan. Akin na po." Agaw ko sa kanya ngunit itinaas niya iyon at binuksan. Wala na akong nagawa nang mabasa niya ang laman niyon.
"Aba-aba't. Ano ito? Kuu, na bata ka. Kailan ka pa natutong magkagusto sa isang lalaki? Maypa why can't you love me ka pang nalalaman dyan. In love ka na? Vergie, in love na ang dalaga natin. Magpapa-fiesta ako mamaya." Halos mamula na ang mukha ko sa pangangantyaw ni papa sa akin. Papaano naman kasi sa ganitong pagkakataon pa nalaman ni papa kung kailan sumasakit ang dibdib ko.
*****
"Guys, ready na ba lahat ng arrangement?" tanong ko sa mga kaibigan kong kakatapos lang ding mag-design ng roof top. Nasa ikatlong palapag kami ng bahay. Kapwa nakalatay ang mga ito sa sofa. Siguro sa sobrang pagod. Ang iba ay nakadantay pa ang mga paa sa mga silya. Natawa tuloy ako sa mga posisyon nito.
"David naman, para namang ikaw lang ang excited dito. Syempre kami rin, excited rin kami sa surprise mamaya. Syempe sa the most awaited part ng story ni'yo, ang pag-aamin mo 'di ba?" lingon sa 'kin ni Sybelle na abala sa pagtutulong kay Karen sa paglalagay ng tarpaulin sa harap.
"Yeah, me too. Too excited rin ako." lingon naman ni Claire. "Kuya David, whatever may happened sana ikaw rin ready ka na rin sa magiging reaksyon ni ate Kaycee." dugtong pa niya. Sa sinabing iyon ni Claire ay bigla na namang namuo ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba talaga ang tamang oras? Hindi ba pwedeng ipagpaliban ko na naman ulit?
"Pinapakaba at pin-pressure mo naman itong pinsan ko, Claire. Syempre ready na rin siya and besides let's just pray na tatanggapin din ni Kaycee iyon. Di ba, pinsan?" ang pisil-pisil pa ni Sandy sa balikat ko habang nakatayo ako. Tensyonadong tumango ako.
YOU ARE READING
Four Hundred Twenty Six
Mystery / Thriller#Tragic Ending #Revised Version May pag-asa pa bang magbago at bumalik ang dati mong nararamdaman sa isang tao kung isang lihim niya ang matutuklasan mo? Lihim na siya mismong dahilan nang ikinaguho ng mundo mo? May pag-asa bang bumalik ang pagm...