426 The Sign: 2

215 10 2
                                    


"I think oras na para maligo. Let's go." Yaya ni Kuya Glenn sa 'min. Agad namang nagsitayo ang mga kasamahan ko at nagtakbuhan pababa ng pool area pagkatapos naming magbihis ng panligo.

"Tayo na, Kaycee." yaya ni ate Zelle sa'kin.

"Sige ate, susunod na ako. E-cha-charge ko lang ang cellphone ko." sagot ko sa kanya at kinuha ang charger mula sa bag ko. Malo-low-battery na kasi talaga ang cellphone ko.

"Kay?" napalingon ako. Bahagyang nagulat pa ako nang makita si David. Sumibol ang kaunting kaba sa dibdib ko gayong kaming dalawa lang ang naiwan dito sa kuwarto. Pinakalma ko ang sarili ko.

"Oh, David. May kailangan ka ba?" pormal kong wika habang pin-plug ang charger ko sa cellphone.

"Uhm, pwede ka bang maka-usap?" tanong niya sa'kin at umupo sa bakanteng silya na nasa tabi.

"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin.

"Kay, alam kung magagalit ka sa sasabihin ko pero...?"

"David, lahat ng bagay ay may perfect timing. Please, huwag muna ngayon kung ano man ang sasabihin mo kung ikakagalit ko iyon. Alam mo naman siguro na nandito tayo para magsaya, hindi ba?" wika ko sa kanya. Nakita ko siyang tumango ng kimi.

"I know. Pero Kay, kung may kailangan ka ay sabihan mo lang ako, "wika niya sa 'kin. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Bakit parang sobrang huli na ang lahat, David? Bakit kahit sa pakikipaglapit ulit sa'yo ay sobrang mahirap para sa akin? Iilang sandaling tinitigan ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon pero hindi ko magawa. Tanging ang pag-iinit lamang ng magkabilang sulok ng aking mga mata ang aking nagawa.

"Salamat, David." Binaling ko kaagad sa ibang direksyon ang aking mga mata upang makaiwas. Hanggang sa tumayo na ako at lumabas ng kuwarto.

*****

"Kayceeeeee.!"

"Sandy! Tumigil ka! " sigaw ako ng hilahin ni Sandy ang mga kamay ko papunta sa tubig.Wala akong nagawa kundi ang mapatianod sa kanya. Gusto ko sanang pigilan ito pero huli na ang lahat. Natangay na niya ako patungo sa tubig.

"Hooooh!!!" halos sabay-sabay pa nilang tawanan at sigawan. Basang-basa na ako. Naka-shorts na maong pa ako at sleeveless. Mabuti at hindi naman ako sinaway ng nagbabantay ng pool. Ang iba kong kaibigan ay naka top-piece na. Napatingin sa 'kin ang iba ring naliligo na tuwang-tuwa na pinagmamasdan akong hinila kanina ni Sandy papunta sa tubig.

"Walang hiya ka talaga, Sandy. Mayamaya pa sana ako maliligo." sinabuyan ko siya ng tubig sabay hampas sa kanya. Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Ang lalim-lalim kasi ng iniisip mo. Ano nangyayari sa'yo? Teka, 'asan ba si David? Inaaway ka na naman ba ng posit na 'yun?" natatawang wika sa 'kin ni Karen habang nagsu-sun-bathing sa tabi ng pool.

"David, halika na." sabay kaming napalingon sa direksyon ni David na kakapatong lang sa gilid ng pool nang tawagin ni Flor. Naka-short lang ito. Kahit medyo chubby siya, hindi naman malaki ang tyan nito. Napangiti ito nang makita kami.

"Giniginaw ako, guys. Ayaw kong maligo. Grrrr, " panginig-nginig pa nitong galaw. Lumapit siya sa direksyon namin at umupo sa gilid ng pool.

"Asa'n sina ate Zelle at kuya Glenn?" tanong ni David kay Claire.

"I don't know. Baka nagde-date." Nakangising sagot ni Claire habang nagtatampisaw sa tubig.

''They're dating?" dilat na tanong ni David. Ano ba namang mokong na ito. Hindi yata nakahalata na may gusto si Ate Zelle kay Kuya Glenn at ganu'n din si Kuya Glenn kay ate Zelle.

"Who's dating guys?" Buhat ng bagong dating. Si ate Zelle kasama si Kuya Glenn. Ang gulo ng mga buhok ng mga ito, halatang galing na naglalakad sa dalampasigan.

"Oyyyyyy." Sabay-sabay pa naming panunukso. Nakita kong pinamulahan ng mukha si Ate Zelle.

"Guys, may pinag-usapan lang kami. In all fairness iba kaagad ang function na pumapasok sa utak ninyo. Mas masahol pa kayo kay Bill Gates." Nakangusong saway sa 'min ni ate Zelle. Nakita kong nakangiti rin si kuya Glenn na tila natutuwa sa mga panunukso namin. Kuya Glenn is very handsome. Maraming nagkaka-crush dito lalo na't magaling itong maglaro ng basketball. Naka-braces pa ito kaya nadagdagan ang kapogian nito.

Ang swerte ko lang sa mga barkada ko dahil kahit ganito na hindi kami pantay-pantay sa lahat ng estado sa buhay ay masaya pa rin kami na parang magkakapatid.

Bigla rin akong pinamulahan ng mukha nang mapabaling ako sa kabilang direksyon ay nakita kong nakatitig si David sa 'kin. Tila ba kanina pa nito sanasaulo ang bawat galaw ko. Bigla kong nilunod kaagad sa tubig ang sarili ko at lumangoy papunta kabilang direksyon ng pool para makaiwas sa kanya.

"Hi, " bati sa 'kin ng isang moreno, matangkad at balbasahing lalaki nang makatakas na ako mula sa tubig. Sa tanto ko ay mas matanda lang sa akin ng apat na taon. Naka-trunks lang ito. Nakalabas pa ang 4 packs na abs nito. Tila mahihiya ang tiyan nina David at Sandy kapag nakaharap nila ito. Maskulado kasi at halatang maalaga sa katawan. Kung si Karen pa ang nasa harapan nito, malamang ay napakagat na ito ng pang-ibabang labi at bumubulong ng "yummy!"

"Lumubo lang ako nang kaunti nag-iba na kaagad ang panlasa mo. Hindi ko naman alam na ang mga lalaking may abs na pala ang gusto mo ngayon." Bulong sa akin ni David nang mapadaan sa tabi ko. Halos hindi ako makagalaw. Ano ba ang ginagawa nito? Wala pa rin itong karapatang pagsalitaan ako ng ganoon.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now