Prologue:

521 19 4
                                    

Minahal ni Kaycee si David, ang isa sa kanyang mga barkada. Maganda ang boses nito, kasali sa isang banda at halos tinitilihan ng mga babae kapag nakatungtong na ito sa entablado. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang damdamin niya para sa binata. Ang alam niya lang ay sinasabi ng bata pa niyang puso na hinangaan niya ito. Ngunit nasa iba ang puso nito. Subalit patuloy niyang minahal ang binata kahit nagmumukha na siyang tanga. Wala, eh. Mahal niya, eh. Ngunit ipinagtabuyan siya nito at sinabihan siyang lubayan na siya nito. Labis na nasaktan ang kanyang puso. Hanggang sa isang araw ay natauhan siya at tumigil sa pagiging tanga. Tama na siguro. Napapagod rin naman pala ang puso, akala niya ang utak niya lang.

Mahigit dalawang taon ring hindi niya ito nakita. Sa loob ng dalawang-taong iyon ay nakilala niya ang isang estranghero sa pamamagitan ng cellphone na nagngangalang John. Hindi siya mahilig sa textmate-textmate ngunit dahil makulit ito at hindi tumitigil sa pang-i-isturbo sa inbox niya araw-araw ay pinatulan na niya. Hindi naman niya akalain na seseryosohin pala niya ang pakikipaglapit dito kahit hindi paman niya ito nakita. Umamin ito ng nararamdaman sa kanya. Ang sabi kasi nito, hindi naman sa pamamagitan ng mga mata umiibig ang isang tao kundi sa pamamagitan ng puso. Bulag daw kasi ang pag-ibig, wika nito. Dahil na rin sa masaya itong katext ay naging magaan ang loob niya dito. Ngunit iisang bagay lang ang pinagdududa niya dito, ayaw nitong sagutin ang mga tawag niya at kung tinatanggap naman nito ang tawag niya ay hindi naman ito nagsasalita. Sira raw kasi ang speaker nito at ayaw gumana. Ngunit wika pa nito ay hindi naman iyon magiging hadlang kung sakaling magkahulogan ang mga loob nila. Magpapakita at sosorpresahin daw siya nito isang araw. Sa pagdaan ng mga araw ay hindi niya lubos akalain na mahuhulog ang loob niya sa isang estranghero o isang taong hindi paman niya nakikita o nahahawakan man lang. Lumipas ang isang taon ay hindi niya namamalayang nahulog na siya rito nang lubusan at napamahal na siya rito. Ngunit bigla na lang itong nawala na parang bula ilang araw ang makalipas nang aminin rin niya ritong may nararamdaman na siya para sa binata. Nananaginip lang ba siya o totoo ang nangyari sa kanya? Posible ba ang nararamdaman niya o naging tanga lang siya? Nahulog lang ba siya sa isang patibong ng mga lalaki ngayon at pinagtitripan lang siya niyon? Iilang buwan din siyang naghintay na bumalik ang kumonikasyon nila ngunit nabigo siya. Labis na nasaktan siya sa pangyayaring iyon at nangakong hindi na siya magpapa-uto pa kailanman.

Isang araw ay nabuo ulit ang kanilang barkada. Doon naman nagsimulang magparamdam si David sa kanya makalipas ang ilang taon. Isang araw ay naging baliktad na ang mundo. Ngunit hindi na siya magpapakatanga pa. She's not an easy to get. She will make it more harder for David like the way he made it to her.     

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now