Alas dyes na ng umaga nang magising ako sa sakit ng aking ulo. Pati ang mga mata ko ay sobrang bigat din. Napabalikwas ako ng bangon ako at pilit inaalala ang kagabi. Kung paano ako naka-uwi. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at buhok. Sobrang sakit talaga ng ulo ko kaya napagdesisyonan kong bumaba para uminom ng malamig na tubig.
Sa hagdan palang ay narinig ko nang may kausap si mama sa telepono. Walang imik akong dumiretso ng kusina.
"Kaycee," tawag ni mama sa 'kin.
"Po, " lingon ko sa kanya habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref at agad namang ininom iyon.
"Alam ko na ang nangyari tungkol kakabi. Maupo ka muna dito at mag-usap tayo." wika ni mama sa 'kin habang mukhang naaawang pinagmamasdan ako. Hinimas ko ang noo ko.
"Ma, please huwag muna ngayon." Sabi ko sa kanya habang kinukusot ang ulo ko.
"Kaycee, ina mo ako. Kung may problema ka pwede mo akong masabihan kaya halika na." nang marinig ko mula kay mama iyon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagsimula na namang nanikip ang dibdib ko at manlakbay sa pisngi ko ang mga maiinit na likido. Para bang paulit-ulit akong sinasakal ng mga nalaman ko kagabi.
"Ma, niloko ako ng mga kaibigan ko, eh. Alam mo 'yun. Ang tagal na naming nagkakasama pero ang tagal na rin pala nila akong niloloko." niyakap ako ni mama nang mahigpit. Hinayaan nalang niya akong umiyak nang umiyak habang nakapilig sa kanyang mga braso.
"Shhh, tama na. Kinwento na sa 'kin ni Zelle kagabi ang nangyari. Hinatid ka ng mga kaibigan mo at ni Crisan ba iyon. Huwag ka nang magpakalasing ulit at baka ano pa mangyari sa'yo, okay?" himas-himas ni mama sa likod ko. Tumango-tango naman ako bilang tugon.
"Ma, oo nga pala. Tinatanggap ko na iyong offer ni tita na doon ako paaralin sa Maynila. Na doon ako gagradweyte para makapag-abroad kaagad ako." sabi ko kay mama. Nakita ko ang paglabas ng mga gatla nito sa noo. Last year pa kasi nag-o-offer sa 'kin ang kapatid ni mama na si Tita Elsa, isang nurse na nakatira sa Maynila at kasalukuyang nasa Texas na ito nagtatrabaho. Balak niya na pasunurin ako sa Texas pagkagradweyt ko kaya pinakuha niya ako ng Nursing.
"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo, anak? Baka dahil galit ka lang kaya mo gagawin iyan? Ika nga, huwag magdesisyon kapag galit ka." Nag-aaalalang wika ni mama sa akin.
"Ma, gusto ko ring maka-move on kaya ko gagawin iyan. Saka, para naman makapagtrabaho ako kaagad. 'Di ba gusto mong makapag-abroad din ako?" sabi ko kay mama habang umuupo sa tapat niya sa sofa at inilapag ang baso sa center table. Napabuntong-hininga ako.
"Oh sige, kung 'san ka ba naman masaya, eh. Pero anak, huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo lalo na kung galit ka dahil baka pagsisihan mo iyan." Alam kong may punto ang mga sinasabi niya pero napag-isipan kong baka 'pag nasa ibang lugar ako ay makakapag-move on kaagad ako.
"Ma, balik lang ako sa kwarto. Masakit kasi ang ulo ko. Gusto kong matulog ulit." Paalam ko kay mama at agad naman akong pumanhik papuntang kwarto para magpahinga.
Look into your heart,
You will find, what it means to hide
Search your heart, search your soul
When you find me there, your search no more.....
Nagising ako sa kantang naririnig ko. Pamilyar sa akin ang mga boses na kumakanta at parang nanggagaling iyon sa baba. Sa labas ng bahay. Lasing pa rin ba ako? Baka kasi nananaginip lang ako. Mamaya pa nito ay baka mahulog na ako sa hagdan.
YOU ARE READING
Four Hundred Twenty Six
Mystery / Thriller#Tragic Ending #Revised Version May pag-asa pa bang magbago at bumalik ang dati mong nararamdaman sa isang tao kung isang lihim niya ang matutuklasan mo? Lihim na siya mismong dahilan nang ikinaguho ng mundo mo? May pag-asa bang bumalik ang pagm...