426 The Sign: 4

140 8 2
                                    


D426-1992?

Lumapit ako at hinawakan ang keychain na nakasabit sa zipper ng bag ni David na Raccini. Bigla akong kinabahan. Paulit-ulit din nitong mga nakaraang buwan na lagi kong napapansin ang numerong iyon na nagpapakita sa akin. Iyon lang naman ang huling numero ng cellphone number ni John. Minsan ay iniisip ko na nga lang iyong lucky number. Pero bakit pati si David? Nagkataon pa rin ba ito o talagang pinaglalaruan lamang ako ng tadhana. Totoo nga bang mapaglaro ang tadhana?

"Kay?" buhat ng bagong dating. Sa aking pagkabigla ay nabitawan ko kaagad iyon. "May...may kailangan ka ba? May hihiramin ka ba?" tanong ni David sa 'kin nang makalapit ito habang nakasabit sa balikat niya ang kanyang tuwalya. Hindi ako naka-imik kaagad.

"Kaycee, tapos ka na pala? Pasensya na, sabi ko sa'yo babantayan kita kaso tinawag ako ni Claire. 'Yung tuwalya niya kasi naiwan sa bag niya." Wika ni Flor sa 'kin. Sandaling nanatili akong tahimik.

"Ah, tapos na naman ako. Tapos na rin ba si Claire? Nilalamig na kasi talaga ako, eh, " wika ko habang niyayakap ang sarili ko. Hindi ko pinansin si David.

"Kay, pwede mo namang gamitin muna ang banyo rito. Kumuha lang naman ako ng tuwalya at babalik pa rin naman ako doon sa pool." Wika ni David. Napatigil ako sa pinto at nilingon ito bago nagsalit.

"Okay lang, David. Pwede ko na namang gamitin ulit ang banyo kasi tapos na si Claire. Nakibanyo lang ako kanina kasi biglang sumakit ang tiyan ko, salamat." Tumango-tango lang siya. Binilisan ko ang mga hakbang ko palayo sa kanya.

Halos mabundol pa ako sa likod ni Flor nang mapatigil ito sa paglalakad at nilingon ako nang mapansing wala ako sa aking sarili.

"Flor? Do you believe in signs?" tanong ko sa kanya na siya namang nakakunot ang noo na nakatitig sa akin.

"Signs? Like what?" Tanong niya.

"Like, 'yung lagi siyang nagpapakita sa'yo. 'Yung paulit-ulit. Like, do you believe in soulmate?" Tanong ko ulit sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo nito at nalilitong tinitigan ako.

"Soulmate? Oo, I believe in it. Pero sabi kasi nila we made our own destiny."

Nakalukot ang mukhang tinitigan ko siya. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga salitang iyon. Ang bobo ko talaga!

"I believe in destiny but as I said a while ago, we made our own destiny, 'di ba? Bakit ba? Bakit mo natanong? " napatigil ako sandali. Nag-a-alinlangan akong i-kwento sa kanya ang tungkol sa nakikita kong numero palagi. Ni isa ay wala pa kasi akong pinagsabihan tungkol do'n.

"Alam mo kasi...alam kong hindi ka maniniwala sa akin but I keep seeing unusual things. Alam mo ba 'yung paulit-ulit na lang itong nagpapakita sa'yo? Para bang may gusto itong ipahiwatig sa'yo? Hindi ko rin alam kung bakit." Wika ko sa kanya. Pati ito ay naguguluhan na rin sa mga sinabi ko.

"That sounds so creepy. Pero what if, may ibig nga'ng sabihin ang mga nakikita mong unusual things? Ano'ng gagawin mo? For example ay ang ibig palang sabihin niyon ay isang tao pala na may matagal nang tinatago sa'yo at malaman mo bigla sa isang pagkakataon? Ano'ng gagawin mo?" sandaling napatigil ako. Bakit hindi ko man lang naisip ang posibilidad na iyon? Pero maari nga bang mahalaga ang pinapahiwatig ng numerong iyon o talagang tama ang sinasabi ng isang Reiki Master noon na natanong ko at sinasabi niyang coincidence lamang ang nakikita ko. Coincidence ba ang isang araw na halos ay tatlong beses ko itong nakikita na kung hindi sa plate number ng mga sasakyan ay sa oras ng relo at cellphone ko?

*****

Pagkatapos mananghalian ay napagkasunduan naming maglibot-libot muna sa buong resort at maglakad-lakad sa tabi ng dalampasigan. Mamayang hapon kasi ay babalik na kami ng Tanjay at doon na namin napagkasunduan na maghapunan sa bahay nina Flor. Sina Flor at Sandy ay nasa iisang bahay lang dahil doon na nakatira si Sandy sa kanila. Nasa Olonggapo kasi ito nakatira dati pero wala naman siyang kasama doon dahil nasa Texas ang mga magulang nito. Ako naman at si Zelle ang siyang magkalapit lang ng bahay. Kaya kahit papaano ay naging magkalapit kaagad ang loob namin.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now