426 The Sign: 12

60 4 0
                                    


          "Maraming salamat nga pala tita Vergie at tito Inteng sa pagpapasakay ninyo sa 'kin. Lalo na ikaw, Kaycee. By the way, Jhapit ito oh, sa'yo na itong chocolate. Marami pa naman dito para sa mga pamangkin ko." abot ni Crisan ng chocolate kay Jhapit mula sa bag niya. Binaba lang namin si Crisan sa Bus Stop ng Tanjay. Babalik din naman ito ng Maynila kaagad matapos asikasuhin nito ang mga papeles niya. Matapos magpaalam nito ay ngumiti lang din ako at nag-babay sa kanya.

"Anak alam mo bang sobrang namiss ka namin? Saka alam mo bang halos araw-araw ay pumupunta sa bahay sina David para lang magtanong kung nasaan ka? Pero kaso... "

"Ate, ako po ang nagsabi kina Kuya David na nasa Texas ka noon. Ayaw ko na naman pong magsinungaling, eh. Sorry, ate. Pero hindi ko naman po sila binigyan ng contact mo, ate." Hingi ng paumanhin ng kapatid kong binata na. Kinse anyos na ito at malapit na akong malagpasan ng mga iilang pulgada. Pinilit ko ang ngumiti. Sa paglipas kasi ng panahon ay iniisip ng pamilya ko na kinalimutan ko na ang mga nangyari tatlong taon ang nakalipas.

"Nako, ano ka ba naman. Okay lang 'yan. Tingnan mo nga oh, binatang-binata na ang bunso natin, ma. Baka isang araw nito ay mababalitaan ko nalang na may nililigawan na ito, ah. Meron na ba?" kiliti ko sa kapatid ko habang nagtatawanan lang naman sina mama at papa.

"Ate naman, eh. Fifteen pa nga ako and besides, gusto ko ring makapunta sa Texas, ano? Hindi ako mag-aasawa hangga't hindi pa ako nakakasakay ng eroplano." Nakangusong wika nito. Ginulo ko nalang ang buhok nito saka nilipat ang mga paningin sa labas ng sasakyan. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago nilanghap ang malamig na hangin na nililipad ang aking buhok.

Pagdating at pagdating ng bahay ay agad namang hinalungkat nila ang mga pasalubong ko pati na mga pinsan ko ay nakihalubilo na rin sa kaunting salo-salo.

"Ate Kaycee, ang ganda mo naman po. Mas lalo kang gumanda ngayon. Ikaw na ba talaga iyan? Your face sounds familiar kasi." Natawa naman ang lahat sa pambibiro ng isa kong pinsan na nililinga-linga pa ang mukha ko't hinahawakan na para bang gigil na gigil sa 'kin.

Alas tres na ng hapon ng naging mahinahon sa bahay kaya napagpasyahan kong magpahinga na rin sa kuwarto kong miss na miss ko na. Hinayaan na rin ako nina mama dahil bukas na bukas rin ay mamimili pa ako ng gamit para sa bahay namin.

Nakatungangang napatitig ako sa bobong habang nakakrus ang mga kamay ko sa dibdib ko at nakahiga. Ang dami ngang nagsasabi na nagbago na ang anyo ko pero alam ko sa puso ko na ako pa rin ang dating Kaycee. Dating Kaycee na kilala nila kahit may nagbago na sa 'kin. Kung may totoo mang nagbago sa' kin, iyon ay ang pagiging matapang na ngayon. Napakamot ako sa kaliwa kong braso. May pasa na naman ako. Halos buwan-buwan ay napapansin ko ang pasa ko mula nang unang beses akong himatayin noon dahil sa sobrang pagod sa trabaho. Minsan hindi rin ako nakakatulog kaya kailangan kong uminom ng gamot. Natural lang naman kasi sa akin ang magkapasa lalong-lalo na tuwing parating ang buwanang dalaw ko. Pero nang nasa Texas ako, kahit tapos na ang menstruation ko ay ganoon pa rin. Siguro dala na rin sa klima doon. Kahit nagtatrabaho ako sa ospital ay hindi ko rin nagawang magpa-check-up.

*****

"Guys, guys. Alam ko na kung ano'ng gagawin nating paraan para makatulong tayo kay David." Isa-isang napalingon ang mga kaibigan ko sa akin.

"Nako Karen, ha. Baka mga kalokohan na naman mo 'yan." Saway sa 'kin ni Kuya Glenn habang napa-upo na rin sa sofa. Nasa bahay kami nina Sandy dumiretso para makapag-isip ng paraan dahil ang totoo ay namiss na rin naming kasama si Kaycee. Ang Kaycee na minsan ang lalim mag-isip. Minsan ang tahimik pero minsan sobrang bait at nakakatuwa. Pero wala si David dito ngayon mula nang mag-walk out ito kanina. Sinubukan naman naming contact-in pero naka-off ang cellphone nito.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now