426 The Sign: 5

118 6 0
                                    


Nang makarating sa bahay ay dumiretso na kaagad ako sa aking kuwarto matapos makapagmano sa aking mga magulang na nasa sala nanunood ng telebisyon. Binagsak ko ang aking sarili sa kama. Napatuon ang mga mata ko sa aking cabinet at dinukot mula doon ang aking notebook. Parang may kung anong lakas ang nagtulak sa akin na buksan iyon ulit kahit alam ko na ang mga laman no'n ay ang mga masasayang text ni John sa 'kin na sinulat ko.

Napabuntong-hininga ako habang isa-isang binuksan iyon. Paulit-ulit kong binasa ang mga nakasulat sa notebook ko. Halos memoryado ko na iyon.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Matagal na rin ang pangyayaring iyon. Siguro ay dapat ko na lang isiping isa na lang iyong matagal na masaya at malungkot na panaginip. Total ay hindi pa rin naman kami nagkikita ay hindi na ako dapat umasa pa na magkikita kami balang araw. Siguro ay isasantabi ko na lang ang mga alaalang iyon at bigyan naman ng pagkakataon ang aking sariling maging masaya sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko dapat kinukulong ang aking sarili sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Siguro ay tama sila. Kakalimutan ko na ang mga araw na umiyak ako. Na naging tanga ako. Na ipinagkait ko sa aking sarili ang maging masaya.

Tiniklop ko ang notebook ko at nilagay iyon sa cabinet kung saan nakalagay ang mga nakatagong gamit ko at ang ibang hindi ko na ginagamit. Ngumiti ako nang pilit at humiga sa kama.

"I...I want your feelings back. I...I want...I want you to love me again." Naalala kong bigla ang mga katagang sinabi ni David sa akin na hindi na yata maalis-alis sa aking utak. Hanggang sa makatulog na ako.

*****

Nagising na lang ako nang tumunog ang aking cellphone. Pilit kong minulat ang nag-aanghang kong mga mata at kinusot-kusot iyon. Umaga na pala at tirik na tirik na ang araw. Dinampot ko mula sa aking mesa ang aking cellphone at binuksan kung sino ang nagtext.

Good morning Kay, see you later. Galing iyon kay David. Naalala ko nga palang inimbitahan niya ako kahapon upang mananghalian mamaya.

Lumabas na ako ng kwarto at kumuha ng kape sa kusina. Nadaanan ko pa ang mama kong nagtatahi. Pagkatapos kong magkape ay naisipan kong maglinis ng buong bahay pati ng kuwarto ko.

"Wow, ate. Nakakasipag ba ang kape?" Tanong sa 'kin ng kapatid ko habang usog-usog ang mata niya. Kakagising lang nito.

"Nakakasipag? Bakit naman?" tanong ko sa kanya nang napatigil sa pagwawalis.

"Kasi ang sipag-sipag mo ngayon. Hindi tulad no'ng nakaraang linggo na nasa kuwarto ka lang lagi nakamukmok. Try ko kayang magkape, ate?" nakangising wika niya sa 'kin habang umo-upo ito sa sofa.

"Alam mo, maganda 'yung araw ko ngayon kaya 'wag mo munang sirain, ha. Kung gusto mong magkape, magtimpla ka doon at pagkatapos ay tulongan mo akong maglinis ng bahay mas mabuti pa. Kesa insulto ka nang insulto sa 'kin dyan. " singhal ko sa kanya habang tumatawa naman ito at nagtatakbo papunta sa kusina. Pahabol na siningkitan ko pa ito ng mga mata nang nakangising nilingon ako nito.

*****

Alas dyes na nang matapos akong maglinis ng bahay. Nagpahinga na muna ako sandali at naligo upang makapag-ayos mamaya sa lakad namin ni David.

Nagbihis lang ako ng isang black jeans at isang puti na long sleeve.

"Ma, may lakad ako. Uwi naman ako ng maaga." Hingi ko ng permiso habang kinukuha ang sandal ko sa shoe rock.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now