426 The Sign: 14

83 3 0
                                    


"Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin?" nang bumalik na ang malay ko ay napansin ko ang malulungkot na mukha ng mga magulang ko. Nananakit ang ulo ko. Pati ang buo kong katawan ay sobrang sakit din. Feeling ko sobrang pagod ako.

Napansin ko ang pasa sa braso ko. Bakit parang medyo sobrang nangingitim yata?

"Ma, hindi ko naman alam na magkikita kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman alam na magsisinungaling ulit sila sa akin. Hindi ko alam, ma." Wika ko. Pero hindi pa rin maalis ang kalungkutan sa mga mata nito. Animo'y iiyak na.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Wika ni mama. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Na buntis ako kaya ako hinimatay? Naman, 100% virgin pa ako. Hindi ko naman pinabayaan ang pagiging dalagang Pilipina ko kahit nasa ibang bansa ako ng tatlong taon.

"Ma, ano ba ang ibig ninyong sabihin? Saka bakit nasa ospital ako? Nahimatay lang naman ako sa pagka-alala ko." Sabat ko. Ayaw kong mag-alala sila. Kahit pakiramdam ko ay nanghihina ako.

"Tatlong oras ka nang nakahiga dyan sa kama." Wika ni mama. Hindi ko na napigilan ang maguluhan. Tatlong oras? Nang hinihimatay ako noon sa Texas ay mga kalahating oras bumabalik na kaagad ang malay ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni mama. Ano bang nangyayari sa akin? Ginahasa ba ako ni David? Nabuntis ba ako agad? Ano'ng nangyayari?

"Baka pagod lang ako, ma. Kasi, kanina...."

"Anak..." hinawakan ni mama ang mga kamay ko. Nabaling ang mga mata ko kay papa. Bakit pati si papa ay hindi ko maipaliwanag ang emosyon sa mukha niya?

"M...may... may cancer ka." Nabibingi lang ba ako? Baka nananaginip lang ako. Baka hindi pa ako nagigising mula sa magkahimatay ko.

"Ma, naman. Ano ba ang sinasabi ni'yo? H'wag nga ninyo akong biruin ng ganyan. Ang lakas-lakas ko pa, oh." Napadako ang mga mata ko sa bumukas na pinto. Iniluwa niyon ang mga kaibigan ko. Bakit ang lungkot ng mga mukha nila? Bakit feeling ko mamamatay na ako. Buhay pa ba ako?

"Ano'ng ginagawa ni'yo dito?" baling ko sa kanila.

Isa-isang pumasok ang mga kaibigan ko. Huling pumasok si David. Talaga bang totoo ang mga narinig ko kanina?

"Kaycee?" agad akong sinalubong ng yakap ni ate Zelle. Humahagulgol ito ng iyak. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Sa pagkakataong iyon ay halos kinurot ang aking puso. At bigla-bigla ay sumibol ang pag-aalala sa dibdib ko.

"Ano bang nangyari sa'yo at hinimatay ka kanina? Sobrang nag-alala kasi kami." Wika nito sa nag-aalalang boses. Pilit na ngumiti ako. Miss na miss ko na si ate Zelle ngunit hindi ko man lang iyon masabi sa kanya.

"I'm okay. Pagod lang ako. Gusto ko na ring magpahinga." Sa halip ay wika ko. Pinigilan ko ang mga luhang nagsimulang bumalong sa aking mga mata.

"Kaycee, sorry. Sorry kung nagsinungaling kami sa'yo. Muntik ka pang mapahamak dahil sa 'min." Isa-isa nilang hingi ng patawad sa akin. Napadako ang mga mata ko sa tahimik lang na si David sa isang sulok. Kumawala ako ng isang malalim na hininga. I was trying to give them a pretentious expression. As if I am really okay.

"Gusto ko nang lumabas ng ospital, ma. Ayaw ko pong manatili dito. Please, ma." Baling ko kay mama. Nag-aalangan man si mama ay tumugon nalang siya ng tango sa akin.

"You can go now, guys. Don't bother yourself too much. I am okay. Makakaalis na kayo." Tinatagan ko ang sarili ko. Kailangan kong makausap ang doktor ko bago ako makalabas ng ospital. Pilit kong sinasabi sa isip ko na hindi totoo ang sinasabi ni mama.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now