426 The Sign: 15

86 3 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ko hinaharap ang mga araw na gumigising akong napapansin ang sarili kong laging nakatanaw sa malayo. Naninikip ang dibdib, iniisip kung papaano ko tatanggapin ang lahat. Ngunit sa kabila ng lahat ay nagpapakatatag ako. Iba't-ibang gamot ang iniinom ko. Alam kong sobrang hirap ng sitwasyon ko.

"Anak, may mga bisita ka." Tawag ni mama sa akin sa kwarto. Alas-dyes na kasi ng umaga nang magising ako. Pinusod ko muna ang buhok ko saka pumanhik kaagad.

Sa hagdan palang ay nakita ko na ang mga kaibigan ko. Sobrang lungkot ng mga mukha nila. Animo'y nasa harap ng isang burol.

"Kaycee," Nag-uunahan pa silang lumapit sa akin at niyakap ako. Pagkatapos makawala ay ngumiti ako ng kimi sa kanila.

"Sobra-sobra naman yata itong mga pinaggagawa ninyo. May reunion ba? Pasensya na kayo, hindi ko na rin masyadong matandaan kung sino ang may kaarawan sa buwan na ito." Wika ko sa kanila. Nanatiling tahimik pa rin si David sa isang sulok.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" wika ni ate Zelle. Hinimas niya ang braso ko.

"Sorry kung iniwasan ko kayo. Sorry kung pinadaig ko ang galit ko sa inyo kaysa patawarin kayo. Alam ni'yo ang totoo, sobrang namimiss ko kayo. Ang kakulitan ni Karen. Ang nakakatawang mga biro ni Sandy. Si kuya Glenn at ikaw ate Zelle. Ang boses ni Sybelle. Ang mga pagsasaway ni Claire sa mga kabaliwan ninyo. David," tawag pansin ko sa kanya. Itinaas niya ang mga paningin niya sa akin. "I'm sorry kung pinagtabuyan kita. I'm sorry, guys. Hindi ni'yo lang alam kung gaano kayo kahirap kalimutan at iwasan. Hindi ni'yo alam na sobrang namimiss ko na ang barkada natin." Niyakap nila ulit ako. Sa pagkakataong iyon, para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Ilang araw ko ring pinag-isipan ng mabuti ang tamang gagawin. Maybe it is one of the ways para magpakatatag ako. Ang magpatawad...

"Kaycee?"

"Kay?"

"Anak?"

"Ate?"

Ang mga boses na iyon ang nagpagising sa akin. Tila ba kanina pa nila ako tinatawag. Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Tiningnan ko ang paligid. Wala ako sa kwarto ko. Lahat ng mga taong nakapalibot ay nasa akin ang mga mata nila. Nakita ko ang isang doktor na lumapit sa akin. Pinilit kong gumalaw.

"Ma? Pa?" tawag ko. Hilam sa luha ang mga mata ni mama. Ganoon rin si papa.

"Anak," tawag ni mama at papa sa akin. Umiiyak silang pareho. Pati ang mga kaibigan ko ay malulungkot rin ang mga mukha. Si David ay nasa kaliwa ko rin.

"Miss Kaycee," tawag ng doktor sa akin. "I guess you need to undergo a chemotheraphy. Mabilis na kumalat ang mga cancer sa dugo mo. I thought it was just an Acute Lymphocytic Leukemia. Pero dahil sa hindi mo napansin agad ang sakit mo, mabilis itong kumalat sa buo mong katawan. If we will not cure this immediately..." tumigil sa pagsasalita ang doktor at nilingon sina mama.

"I know, dok." Wika ko kaagad. Tumango naman ang doktor.

"Please excuse me. I still have patients to visit." Wika nito saka na umalis.

"Anak," humagulgol na naman ng iyak si mama. Alam kong kahit ilang beses pa akong e-chemo, hindi na maagapan pa ang sakit ko. They can prolong my life in a short while only. But not how long that I wanted. Ramdam ko na rin ang panghihina ng katawan ko noon paman pero tumanggi akong magpacheck-up.

"Tita, pwede ko po bang makausap si Kaycee nang kaming dalawa lang?" wika ni David kina mama. Tumango naman sila saka lumabas na rin ang aking mga kaibigan hanggang sa makapagsarili na kami ni David.

Four Hundred Twenty SixWhere stories live. Discover now