Nginitian niya ako nang makatakas na ako sa pool. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya.
"Nakakatuwa kayong tingnan kanina, ah. Is that your boyfriend?" tanong niya sa 'kin. Napalingon siya sa direksyon ni Sandy. Magkatabi lang sila ni David kaya napadako ang mga tingin ko kay David na siya namang masama ang mga tingin sa amin ng estrangherong ito sa harap ko.
Ano ba namang klaseng tingin 'yan, David. Kung nakakamatay man ang masasamang tingin. Kanina pa kami natumba at nalagutan ng hininga nitong kaharap ko.
"Is he your boyfriend?" tanong ulit sa 'kin ng lalaking nasa harap ko. Napalingon ako sa kanya at umiling.
"No. Mga barkada ko 'yan, ayu'n, ayu'n, 'yung nagsa-sun bathing, 'yung isang dalagita roon at 'yung dalawang naka-upo sa bench." Turo ko isa-isa sa mga kaibigan ko at kina Ate Zelle at Kuya Glenn.
"Ah, kala ko dyowa mo 'yung humila sa'yo kanina. Anyway, I'm Crisan and you are?" nilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Nag-aalangan ako pero ayaw ko namang mapahiya siya sa ibang taong 'andun kaya inabot ko na ang kamay niya.
"I'm Kaycee. Kaycee Rubia." Sabay abot ko sa kamay niya.
"Nice meeting you, Kaycee." Ngiti niya sa 'kin. Tumango lang rin ako at gumanti ng ngiti sa kanya. Binawi ko na ang kamay ko.
"Sige, kelangan ko na munang balikan ang mga kaibigan ko." Pamamaalam ko sa kanya. Tumango lang siya. Naglakad ako patungo sa mga kaibigan ko at tumabi sa nagsu-sun-bathing na si Karen na siya namang parang titili na naghihintay na dumating ako.
"Kaycee." Pigil-tili na sigaw ni Karen. "That guy... that guy." Tili na naman niya. Napalingon ako sa tinuturo niya sa 'kin. "He's really cute, 'di ba?" Si Crisan ang tinutukoy nito.
"Bakla 'yun, Karen. Huwag ka nang umasa. Lalaki rin ang gusto niyan." Buhat naman ni Sandy na kakaahon lang mula sa tubig at tumabi sa akin.
"Tigilan mo nga ako, Sandy. Naiinggit ka lang sa abs niya." Saway ni Karen kay Sandy saka bumaling na naman sa akin. "Ano'ng pangalan niya? Nakipagkilala siya sa'yo. Nakita ko iyon. Pwede'ng ibigay mo na lang siya sa 'kin, please." Pa-iyak-iyak pa ng kaibigan ko with matching pumapahid sa kunwaring luha niya. Halos sabunutan ko na itong babaeng ito. Napakalandi minsan. Pero kahit ganito ito eh, mabait naman kaya mahal ko rin ito kahit papaano.
*****
"Lumubo lang ako nang kaunti nag-iba na kaagad ang panlasa mo. Hindi ko naman alam na ang mga lalaking may abs na pala ang gusto mo ngayon." Bulong sa akin ni David nang makalapit. Halos hindi ako makagalaw. Ano ba ang ginagawa nito. Wala pa rin itong karapatang magselos at pagsalitaan ako ng ganyan. Pareho kaming napatigil kahit si Claire man na nasa malapitan lang ay napatitig din kay David.
"Don't worry, Karen. He's yours na." basag ni David sa pananahimik namin.
"Jelly ka naman agad?" taas ng kilay ni Flor na tinutukso ng tingin si David. Nasa likod na pala namin ito.
"May pag-asa pa ba, kung susuko ka na. Larawan mo ba'y lulukutin ko na. Ayieehh!!!" pakanta-kanta namang tukso ni Sybelle kay David sabay kurot nito sa tagiliran ko.
"Guys, pwede ba. Alam ni'yo gutom lang kayo. Past nine na, oh. 'Di pa tayo nag-aagahan. Gutom na rin ako. Kain na tayo." Sabay tayo sa kina-uupuan ko. Sumunod naman sila sa 'kin patungo sa maliit na cafeteria habang nagkakatawanan at naghaharutan at tinutukso si David. Ayaw ko namang lingunin kung ano ang reaksyon ni David kaya dire-diretso lang ang hakbang ko.
YOU ARE READING
Four Hundred Twenty Six
Mystère / Thriller#Tragic Ending #Revised Version May pag-asa pa bang magbago at bumalik ang dati mong nararamdaman sa isang tao kung isang lihim niya ang matutuklasan mo? Lihim na siya mismong dahilan nang ikinaguho ng mundo mo? May pag-asa bang bumalik ang pagm...