CHAPTER 2

12 5 11
                                        

"Aaaah! Bat ang init na naman, nakakatamad pumasok huhu lang." Bumangon na ako dahil naiinitan na naman ako. Pagkatapo kasi ng ulan ulan bigla naman iinit ng sobrang nakakasurprise.

Bumaba na ako para mag-agahan dahil papasok ako maya-maya. Maaga ako nagising at 6:00 pa lang pero sobrang init na. Mas mapapabagal talaga ang pagkilos ko nito, mag eemote pa ako sa banyo.

"Kumain ka na, bilisan mo at ihahatid kita mamaya." Oo nga pala ihahatid ako ni papa at papasok pa siya sa trabaho niya mamaya.

Kumain naman ako ng mabilis, palibhasa hindi naman ako palakain sa umaga ay mabilis ko lang naubos ang kakaunting kinuha ko. Pagdating ko sa banyo ay di na ako nag emote at baka mabodyak na ako ng tatay ko. Pag-uwi ko na lang ako mag eemote.

"Wala kang good morning sa akin ngayon. May kasalan ka sakin hmp!" pagtataray ko sa picture ni Tyler na nasa loob ng cabinet ko. Naalala ko tuloy na alam na nila mama na may crush ako pero di naman nila ako inaasar siguro nakikita nila na hindi ako komportable at sanay. Goods yon, para di ako kinakabahan.

'Dumiretso ka sa may gymnasium nandito kami ni Kyline. Wala daw tayo pasok ngayong umaga pero pumasok ka na!' Basa ko sa text ni Lesly kanina.

Salamat naman at walang klase ng umaga, wala ding flag ceremony yeeey! Kaso di ko makikita at matititigan crush ko >.<

Hinatid na ako ni Papa sa school. "Baon mo, tipid ka ha baka mamaya kain ka ng kain" biro sa akin ni papa bago siya umalis.

Pumunta ako sa gymnasium at nakita kong iniintay nga ako ni Lesly at Kyline. "Bakit ba kayo nandito at pinapunta niyo pa ako?"

"Magchichikahan tayo" tumango naman si Lesly sa sinabi ni Kyline.

Mukang di pa ako ready sa ikkwento niya dahil alam kong yung kagabi yon.

"Alam ko na yung buong nangyari sa party na pinuntahan niya." panimula ni Lesly.

"Ikaw na magkwento gusto mo ha?" pagbibiro ni Kyline sa kanya.

"Di pa ako ready. Picture pa nga lang nila nasasaktan na ako." 

"Sabi ko naman sayo umamin ka na gamit ang love letter. Si Crisha nga e, di nagsulat ng love letter pinapakita niya lang na gusto niya si Tyler pero di naman ramdam hahaha." 

Nakinig na lang ako sa kwento ni Kyline mula nung dumating siya sa party hanggang sa sinend niyang picture na nakakapit si Crisha kay Tyler.

"Alam mo ba, pagkaalis nung magulang ng pinsan ni Crisha bigla niyang tinanggal pagkakakapit sa kanya hahaha. Nakakahiya yon girl." sabi ni Kyline habang natawa pa. Kama-anak pala ni Crisha ang birthday celebrant, akala ko nagpunta sya don kasi sinama talaga siya ni Tyler. 

'Bati na tayo Tyler, may rawr ka sakin mamaya hihihi. Rawr!!'

Hindi ko alam pero unti-unti akong napapangiti. 

"Ano magsusulat ka na love letter?" pangungulit sakin ni Lesly. Dahan dahan akong tumango at nagsisisigaw naman sila. Bat parang mas kinikilig pa sila sa akin?

Pumayag na ako, syempre baka ito na nga yung paraan para mapansin ako. Crush pa lang naman e hahaha! Pag nareject ako, edi ouch. Tomorrow is another harot. Char!

Nung matapos ang lunch ay nagkaroon na kami ng klase. Kinakabahan ako dahil ngayon kami magp-present ng tulang ginawa namin. Oh diba ang bilis Friday piangawa, Monday ippresent, buti na lang puwede ang magbasa.

Nag volunteer si Crisha na maunang magpresent ng tula niya. Ang galing niya, hindi siya nagbasa, nasaulado niya kaagad ang tula niya, siguro galing talaga sa puso niya. Nakikinig lang kaming buong klase.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon