"Whoo, hoo, yeah, hoo!" pagsigaw ko sa may classroom namin. Pinapawala ko ang kaba ko, ito na ang araw na hinihintay ko.
"Umayos ka haha. Kaya mo yan, fighting!" pagpapalakas naman ng loob ng President namin. Iba na ang President since nasa bang section na si Crisha. Siya ang nag-aasikaso kung paano daw ako iccheer mamaya. Ang bait niya, ikiss ko yan e joke!
"Wag ka ngang kabahan. Gusto mo ba makita si Tyler?" nang-aasar na tanong ni Lesly pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.
Hindi ko magawang humarot ngayong raraw nng dahil sa kaba ko. Lintek, kaba ko lang makapag-aalis ng harot ko, sana magpatuloy.
"Kahit di niya makita, sapat na dyan yung nakausap niya kahit cold mag reply hahaha" tawan nilang pareho.
Habang inaayusn nila ako at nag-aasikaso ang President namin, ako naman ay inaalala ang bawat sasabihin ko. Sauladong saulado ko na ang tula ko, pero baka kabahan ako ng matindi mawala na lang bigla.
"Andrea, ito na yung kodigo mo kung sakaling malimutan mo yung tula mo hehe." sabi sakin ni Lexie, ang kaklase ko.
"Salamat." ngumiti lang siya at tumulong na sa President namin.
Busy ako kakasaulado sa tula ko, nang biglang kiligin ang mga kaibigan ko. Hindi ko muna sila pinansin dahil baka may dumaan lang na pogi sa paningin nila. Imbis na ayusin ako inuuna ang harot ha!
"Psst." may sumitsit pero hindi ko pinansin, baka kasi Justin lang yon dahil late daw sya papasok.
"Psst." umulit na naman ang sitsit pero kahit curious ako pinili kong wag pansinin. Kung si Tyler to baka kiligin pa ako.
"Waaah ayaw niya talaga pansinin!" rinig kong sabi ni Lesly.
"Totoo ba to si Andrea ba ang tinatawag." narinig ko ang pangalan ko nang banggitin ng isang kaklase kong babae, kaya naman napalingon na ako sa mga kaibigan ko na kinikilig at nagtatakang tumingin sa mga mata nila. Sinenyasan nila akong tumingin sa labas.
"Yawa." bulong ko ng makita ko kung sino ang mga nasa labas. Si Tyler at mga tropa niya!
"Goodluck." sabi ni Tyler atsaka sila lumakad paalis.
"Totoo ba to!?" tanong ko at bigla namang nagsigawan ang lahat kaya di ko na napigilang ngumiti.
"Kaya naman pala galit na galit sayo si Crisha e, ikaw pala ang pinapansin ni Tyler." sabi sakin ng President namin. Ang dami nitong alam ha.
"Di ko ba alam don, ako nga di ako galit sa kanya kahit na nakikita kong nilalapitan niya palagi si Tyler e, kasi unang una hindi naman kami ni Tyler." napa 'Ooow' naman sila lahat. Bakit tunay naman ah.
Nawala na ng kaunti ang kaba ko dahil sa pagoodluck ni Tyler. Pababa na sana kami ng room ng biglang humabol si Justin na may dala pang banner. Jusko, ano na namang katarantaduhan to.
"Go Andrea whoo!" sinaway ko sya sa sigaw niya dahil nakakahiya. Nandoon kasi lahat ng students sa labas ng corridor. Nakita ko pa ngang tinaasan ako ng kilay nila Crisha at nang mga alagad niya.
"Tara na!" yaya sakin ng President namin. "Chin-up. Dadaanan natin sila Crisha hahaha, buti na lang di na natin siya kaklase, yabang kase hahaha." nagulat ako sa sinabi ng President namin, madalas kasi na hindi siya ganito, tahimik lang at kapag lalapit kay Crisha ay parang pormal na pormal.
"Pressy, you know I like you na." sabi ni Kyline na tinanguan naman ni Lesly.
"Ngayon lang namin nakita na ganyan ka, kala nga namin bet mo si Crisha kay Tyler e." tumawa ang President namin sa sinabi ni Lesly.

BINABASA MO ANG
Chasing the Winter
Fiksi RemajaSi Andrea, ang isang babaeng bibo at makulit ang magkakagusto sa isang lalaking ubod ng talino, suplado at gwapo. Mayroon kayang pag-asang siya ay mapansin nito kahit na isa lamang siyang babaeng hindi katalinuhan at kagandahan? Maaari kayang sa hi...