CHAPTER 9

3 0 0
                                    

Nakatulala pa din ako sa kanya at gulat na gulat. Tinaasan na niya ako ng kilay at nag-umpisa na siyang maglakad. Ako naman na ngayon ang nakasunod  sa kanya.

"Hoy." pagtawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya naman mas nilakasan ko ang pagtawag ko sa kanya. "hooy..." lumingon na din siya sa akin habang magkasalubong ang kilay.

"Napaka-ingay mo talaga. Bat ka ba nasunod sakin?" tanong niya sakin. Hala gagi, ako nga ang magtatanong e.

"Ikaw nga ang sumunod sakin dito!" sagot ko naman sa kanya. Napatawa siya saglit. Ayan diyan sya magaling e, alam na alam niya kasi kung paano ako kuhain. Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry wala umiikot na uli yung mundo ko! Jusko, kasalanan to ni Kathryn Bernardo!

"Ang assumera mo talaga ano? Hindi kita sinusundan. Isa pa, may malaking tindahan diyan diba? So, may bibilihin kasi ako, tapos iniisip mo kung sinusundan kita haha angas ah! Kung magtatanong ka ano bibilihin ko, baka di mo alam, may practice kami bukas sa basketball para sa playoffs next month, so knee pad. Does my explanation enough?" napapahiya naman ako sa sinabi niya. Ang assumera ko naman talaga e. Pero kahit ganto siya, crush ko pa din siya. Hindi ko magawang magalit sa kanya.

Iiwasan ko na sana siya gaya ng sabi ko kay Kyline at Lesly, pero madami pa namang time baka magbago pa isip ni Tyler sakin, baka bumait hehe. 

"Sama ako? Samahan kita bumili?" pagpapa-cute ko kahit wala namang talab. Halatang naiinis siya sa kakulitan ko pero ayoko siyang tigilan. Gold ako! 

"Umuwi ka na. Kaya ko sarili ko." Umiling ako sa sinabi niya at nagpumilit sumama. 

"Ayaw mo samahan kita bumili... edi sa pagtanda mo na lang! Ano payag ka?" natatawang tanong ko.

"Sa tingin mo nakikipagbiruan ako?" agad akong nag peace sign. Lumakad na siya at sumunod naman ako. Hindi na lang niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa tindahan. Hinayaan ko na lang muna siya mamili ng kung ano pang kailangan niya. Nagtitingin tingin lang ako ng mga panali sa buhok ko. 

Natagalan ata ako at nalibang kakatingin ng panali kaya hindi ko na namalayan na umalis na pala sya. "Ate, yung lalaki po kanina na nagbabayad?" sinenyasan naman niya ako na umalis na siya. Lumabas ako at hindi ko na siya makita. 

Naisipan ko na lang na magpunta sa lugawan n katabi nitong tindahan. Umorder ako dahil namimiss ko na din naman ang kumain. Habang hinihintay ko ang order ko ay narinig ko ang mga nagtawanan sa likod. May mga lalaking nag-iinuman pala. Pina-take-out ko na lang yung order ko para makakain na din sila Mama at Papa. 5pm na pala, mabuti na lang at may araw pa. 

Dumating ang order sa table ko at inabot naman ang bayad doon sa waiter. Hinihintay ko na lang ang sukli ko ng may tumabi sakin na lalaki. Isa ito sa mga nakikipag-inuman sa likod kanina dahil nakita ko siya na nakikipagtawanan. Suot niya pa ang id niya, kaya naman nakita ko na magka year level kami pero hindi same ng school.

"Can I get your number?" tanong niya sa akin. Kinakabahan ako at akmang tatayo na ng hinawakan niya ang palapulsuhan ko. "Kausap pa kita" sabi niya at ngumiti ulit.

"Wala po akong phone e, sige po bye." hindi ko na lang kukunin yung sukli ko. Lalabas na ako ng sundan niya atko at tawagin. "Can I get you instead?" rinig kong nagtawanan ang mga kaibigan niya sa likod.

Hindi ko na siya pinansin at binilisan ang lakad palabas. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Malayo-layo pa ang likuan kaya kinakabahan din ako. Tumingin ako sa likod at nandon siya nakasunod sakin. Hindi naman lumabas yung mga tropa niya. alam kong ako ang sinusundan dahil tuwing lumilingon ako sa kanya ay ngumingiti siya. Nagtext ako kila Kyline at Lesly kung nasan ako at kung anong nangyayari sakin para kung may masamang mangyari ay alam nila. Hindi ko magawang tumakbo dahil baka maisipan niyang takbuhin rin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon