CHAPTER 8

10 1 0
                                        

Busy akong kausap sa messenger sila Kyline at Lesly habang kumakain si Justin. Ganiyan naman iyan, kada hatid sakin makikikain dito sa bahay, kaya palagi yan nagvo-volunteer na ihatid ako kahit na gabihin pa siya.

"Drea." tawag sakin ni Justin kaya naman lumingon ako sa kanya. "Turuan mo ako sa science natin ha. Ngayon." tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko masigurado kung nagbibiro ba siya o nagsasabi ng totoo. Halos lahat naman quizzes niya ay naipapasa niya, kahit pa wala naman akong masiyadong maituro sa kaniya dahil maging ako ay hindi agad makaintindi ng lessons kaya naman sa exams ako bumabawi at bagsak naman sa surprise quiz.

"Umamin ka nga sakin, Justin. Bakit nagpapatutor ka pa eh ikaw 'tong mas nakakaintindi ng lessons?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kaya gets." sagot niya sa akin na ikina-iwas niya pa ng tingin. Pinakatitigan ko lang siya para maramdaman niyang hindi ako naniniwala. "Wala, ano, gusto lang kitang makasama?" pahina nang pahina ang sagot niya sa akin. Hindi pa siya sigurado dahil sa tono ng sagot niya ay para itong nagtatanong.

"Kung gusto mo lang ako makasama para makikain dito araw-araw, wala naman sakin yon. Ang akin lang wag mo na idahilan na kailangan kita turuan dahil maging ako ay nahihirapa din." malumanay na sabi ko sa kanya.

"A-ako na lang magturo sayo gusto mo?" umiling ako dahil mas gusto kong ako lang ang nag-aaral, mas naiintindihan ko kapag mag-isa ako. Magpupumilit pa sana siya nang diretsuhin ko ulit siya. "Ngayon magkakabaliktad tayo? Mas gusto kong matuto sa sariling sikap ko. Salamat." sabi ko na lang sa kaniya at tumayo. Nagpaalam ako sa kaniya na may kukuhanin lang ako sa kusina, magtitimpla lang ako ng juice para sa amin.

Nadaananan ko si Mama sa may lamesa na hawak ang maraming papel. Mukhang bill ata iyon ng kuryente at nang iba pa naming bayarin. Hindi ko na lang siya kinausap at hinayaan na lamang dahil baka magulo lang siya sa tinutuos niya.

"Andrea." pagtawag sa akin ni Mama.

"Bakit po?" sagot ko sa kanya habang nakatalikod ako, naghihintay sa sasabihin ni mama.

"Kung... kung sakali na may makitira dito sa bahay natn, payag ka?" napatigil ako sa ginagawa ko at hinarap ko muna si mama.

"Bakit po? Ayos lang po sa akin pero paano ang gastusin natin? Madadagdagan po iyon mama." nag-aalala kong sabi sa kaniya.

Ngumiti sa akin si mama bago muling nagsalita. "Tutulong daw sila sa gastusin ng bahay, kailangan lang nila nang matitirahan dahil nagpaparenovate sila ng bahay at gagawin na din na office. Wala silang malapitan na mga kamag-anak dahil nasa malalayong lugar iyon." hinawakan ni mama ang kamay ko, senyales na magtiwala ako sa kaniya. Marahan akong tumango.

"Paano po sila, saan po sila matutulog niyan?" tanong ko ulit.

"Saka na namin pag-uusapan iyon. Pupunta sila bukas dito para mapag-usapa ang pakikitira nila satin." tumango na lamang ako ulit at hinayaan na sila mama. Sila naman ang makakaalam nang ikabubuti ng bawat isa. Kung kinakailangan na mag-share ng kwarto ay ayos lang naman sa akin, lalo na kung babae ang makakasama ko, wag lang aagain ang crush ko, baka makita lang ang picture tumili na.

Hindi ko muna sinabi kila Lesly at Kyline ang sinabi sa akin ni mama. Saka na, kapag malapit na silang lumipat sa amin. Narinig ko kila Papa kanina nung dumating siya ay pinag-usapan nila kung kailan balak lumipat noong sinasabi sa akin kanina ni mama. Narinig ko na baka sa mga susunod na Linggo dahil nagmamadali silang magpagawa ng office.

"Gabi na, wala ka bang balak umuwi?" tanong ko kay Justin na busy sa paggamit ng cellphone niya.

Tumingin muna sya sakin bago sagutin ang tanong ko. "Excited ka naman masyado pauwiin ako. Wait lang, last game na 'to." naglalaro pala siya ng ML kaya hindi masyadong makausap. "Ayon, savage! Victory pa nga!" naglululundag pa siya sa tuwa na parang bata. Nang matapos ang excitement niya ay kinuha niya ang bag niya at hinatak ako para ihatid siya palabas ng gate namin.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon