CHAPTER 6

10 2 0
                                    


Isang linggo na ang nakalipas simula nang makachat ko si Tyler, maging literal ko nang kaibigan si Justin, at ang pagpapahiya sakin ni Tyler dahil sa letter ko. Kinabukasan noong nanalo ako sa Buwan ng Wika ay naisipan ko siyang ichat.

"Pano mo nakuha yung letter? Matagal na yang nawawala." sinend ko kay Tyler ang chat ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi niya iyon papansinin. Alam ko din na baka ipahiya niya ulit ako, kahit sa chat lang, mapapahiya pa rin ako,mahihiya ako para sa sarili ko. Hindi ko na kasi dapat itutuloy yung letter ko, kaso ang malas ko siya pa pala ang nakakuha.

Nag-intay pa ako ng ilang minuto, hindi naman ako naasa na magrereply siya, pero nag-iisip isip lang ako kung ano nga ba ang mga puwedeng mangyari sa mga susunod pang araw. Bigla na lang nagvibrate ang phone ko, akala ko sila Kyline o Lesly lang nagmessage sakin dahil nga hindi ko naman inaasahan na marereplyan ako ni labidabs.

"Nakuha ko yan, sa labas, nacurious kasi ako may design pa, imbis na itatapon ko na lang napabasa ako. Kaya ayon nalaman ko na wrong grammar ka." natuwa ako sa pagreply niya pero agad napalitan ng inis. Nakasimangot akong nagreact sa message niya ng like. Nakakabwisit to. Bakit ba crush ko pa din to?

Hindi ko na siya nireplyan dahil nga naiinis ako, pero sa kabila ng inis ko napapalitan naman siya agad ng kilig. Hindi ko na rin malaman minsan kung ano ba talaga mararamdaman ko don e.

Nagchat ako sa gc naming magkakaibigan, sinabi ko ang chat sakin ni Tyler at agad naman nila akong tinawanan. Kinuwestiyon pa nila kung bakit nga ba crsuh ko pa din si Tyler at ewan lang ang palagi kong sagot. Sabi ko nga sa sarili, I am now chasing the winter, kahit anong mangyari siya lang ang gusto ko. Naumpisahan ko na e bakit di ko pa ituly tuloy? Mwehehe, kiligs.

Gumising ako ng maaga, ang lamiiiiig!

"May sundo ka nak, bumangon ka na diyan." nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Mama sa kwarto ko. Sundo daw? Sino naman ang susundo sakin bukod kay San Pedro dahil palagi akong puyat?

"Sino po ma." hindi na sinabi ni Mama kung sino para daw sa kacuriosan ko e bilisan ko ang paliligo.

Pumunta naman agad ako sa banyo para maligo na kaagad. Pero kahit sinabi ni mama na mabibilisan ko ang kilos ko dahil sa kacuriosan ko ay hindi yon nangyari. Nakipagtitigan pa din ako sa shower, tabo at balde namin. Maging ang sabon at shampoo ay kinalaban ko sa titigan. Napabalik lang ang diwa ko nang katukin ako ni mama sa banyo.

"Ano na Andrea? Nakikipaglandian ka na naman dyan sa mga gamit sa banyo." natawa ako sa sinabi ni mama.

Mas naging close kami ni mama nang nagkkwento na ako sa kanya tungkol sa crush ko. Sabi niya kasi normal lang naman daw magkacrush, pero ang pagbboyfriend ay saka na kapag nag 18 na ako at patuloy pa rin inuuna ang pag-aaral. Ganoon din daw si mama dati kay Papa, crush na crush daw niya ito tipong hanggang uwian ay nakasunod siya dito. Si Papa ay may pagkasuplado daw talaga kaya nahirapan si mama.

Nag-umpisa na ako maligo nang mapatingin ako sa orasan sa loob ng banyo namin. Nilagyan talaga ito ni mama dahil alam daw niya kung gaano ako katagal tumulala.

"Oh bakit ka nandito?" nagulat ako nang makita ko si Justin sa may sala. Nakabihis na rin siya ng uniform kaya naman inaya na agad niya ako na umalis kami ng bahay.

"Teka lang kakain muna ako." wala na siyang nagawa at siyempre dahil makapal ang muka ng isang 'to ay nakikain pa siya samin.

"Ma, eto po ba ang sinasabi niyong sundo ko?" tanong ko habang nakain kami ni Justun. Si mama naman ay nanonood ng TV.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon