CHAPTER 4

9 3 3
                                        


Panibagong araw, panibagong nakakapagod na araw na naman.

"Tita! Ako na po dyan." nandito ngayon si Justin dahil nga tuturuan ko na siya. Kakilala naman siya nila papa dahil magkumpare sila ppaa at papa niya. Tinatawagan ko sila kyline at Lesly pero parehong family day ang sagot nila sakin at tinatawanan pa ako. Linggo kasi ngayon, maging si papa ay dapat nandito din kaso may inasikaso para sa pinagttrabahuhan niya.

"Ay sige iho. Napakabait mong bata. Sipsip ka ha." biro ni mama at natawa naman ako. Lakas! Sipsip daw hahaha.

"Tita naman! Pero pwede din hahaha!" At nagtawanan sila.

Mabait naman si Justin, kaso katulad ko maingay din pero syempre naiinis ako gusto ko ako lang ang maingay duh. Kababata ko din siya, tanda ko pa nga na inaasar kami nila mama at papa dahil lagi kami sabay pumasok kahit lagi kaming magka-away. Hindi ko nga alam bakit naging ganto na siya sakin ngayon, dati lagi ako binubully.

"Hindi ko pa rin naman malilimutan na palagi mong binubully tong si Andrea." oh see?

"Hehehe bata pa po kami non, ngayon may isip na po kami." sabi naman ni Justin.

"Di nga nagana isip mo, kow" pang-aasar ko sa kanya. Ang tagal kasi nito umuwi. Tipong kadarating pa lang niya gusto ko na siya pauwiin hahahaha.

Nagkwentuhan muna kami nila mama habang nagmemerienda kami. Tinatanong pa ni mama kung nasaan sila Lesly at Kyline, sabi ko family day. Nagreminisce pa si mama kung paano nila ni papa nakilala ang pamilya ni Justin, magkakaklase lang pala sila mama at papa dati kasama ng magulag ni Justin.

Kami kaya ni Tyler, when kaya magkakatuluyan? Chos.

"Hahaha oo nga po Tita, ang lampa pa po niya dati." pinagtatawanan nila ako dahil lang sa isang pangyayaring nakakahiya. Kasalanan ko bang madulas ako habang kumakain ng ice cream?

"Buti nga lampa pa ako non, kasi kung hindi, di ko makikilala sila Kyline at Lesly duh." pagtataray ko sa kanya.

"Hahaha e ang laki laki mo na non! 10 years old ka na non ganon ka pa." di ko na lang siya pinansin dahil ang kulit niya. Baka gusto niyang ibulgar ko na nakita ko ang brief niya na sinampay ng mama niya na may butas pa sa gitna.

Bumalik na kami sa pagtuturo kaya naging seryoso na ami ulit. Seryoso naman siyang matuto kaya nagiging magkasundo kami kapag ganito siya.

"Oh napatigil ka?" saglit kong tinitigan ang isang formula sa math namin.

"Wala may inaalala lang ako." yawa e mahina ako dito.

"Di mo tanda? Sige yung next na lang." tumango ako at binasa ko naman yung next pero wala pa rin nangyari, ganon pa din. Ang utak ko ay lumolobo, lumilipad at nagsasabing I believe I can fly.

"Wag na nga yan. Wag nating stressin sarili natin. Pag di alam edi hayaan haha, life goes on." pagpapalubag loob niya.

Dahil tapos na kami sa lahat maliban sa math ay inaya niya akong maglaro ng ps2. Dala niya pala yon kaya siya may malaking bag.

Naglaro kami ng super Mario dahil yun lang naman ang alam ko.

"Ako si Luigi. Cute green." tumawa at pumayag naman si gago.

Habang naglalaro kami may naulinigan ako sa baba na parang nagdadabog. Sinabi ko muna kay Luigi na siya muna ang maglaro at pumayag naman sya.

Sumilip ako sa may hagdanan namin at nakita kung bakit may maingay.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon