CHAPTER 3

8 4 3
                                        


Patakbo akong pumasok, kaunting oras na lang mag time naaaa!!!

"Good morning, kuya" hinihingal akong bumati kay kuyang guard. Nginitian naman ako ni Kuya at biglang ipinakita ang listahan niya ng mga late.

"Kuya naman, late na nga po ako lalo akong malalate. Papasukin mo na ako kuya." nagmamaka-awa kong sabi kay Kuyang Guard.

"Trabaho lang." palagi na lang yon ang sinasabi nila hayst.

Nakasimangot akong nagsulat ng pangalan ko. Mukang mag flag ceremony ako mag-isa mamaya. Nakakainis.

"Kuya sorry late ako ngayon." natigilan ako sa pagsusulat ng marinig ko ang pamlyar na boses.

"Maglista ka din ha? Oy ikaw, tapos ka na ba dyan?" tanong sakin ni Kuya guard kaya naman nagmabilis ako magsulat. Ibinigay ko kay Kuyang guard ang papel, ayoko magbigay dun kay Tyler na nasa likod ko.

Mabilis akong naglakad palayo pero hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin ulit.

"Ang gwapo pa din niya kahit malayo." nagsusulat siya ng pangalan niya doon habang kausap si kuya. Ang ganda ng ngiti niya.

"Hoy!"

"Ay kalabaw!" nagulat ako sa sumigaw sakin. Bigla naman siya tumawa.

"Tintignan mo na naman si Tyler ha. Naalala mo ba ang nawawalang Love Letter?" sinamaan ko siya ng tingin. Talagang pinaalala pa sakin ni Lesly.

"Ewan sayo. Late ka din ba?" tumango naman sya kaya napangiti ako.

"Tara na. Nandon na lahat ng late baka mag third batch tayo pag di pa umabot don. Tignan mo si Tyler ayan na. Aaaay!" siniko ko naman si Lesly dahil mas kinikilig pa siya kesa sakin. Nakita kong papunta na din si Tyler kung san kami nakatayo kaya naman inunahan na namin siya magpunta sa may quadrangle para sumabay sa mga mag flag ceremony for the second batch.

"Sino po gusto maglead for the prayer?" tanong ng isang teacher.

"Si Andrea daw po." bgla ako tinuro ni Lesly kaya naman nainis ako. Hindi naman sa dimunyu ako, nagdadasal din ako pero nakakahiya lalo na nandito si Tyler.

"Okay. Proceed here, Andrea. And for the Vision Mission of the school, pwede ka ba Tyler?" hindi naman nag-alangan si Tyler at nagpunta na din sa unahan. Katabi ko sya ngayon ngunit medyo malayo ako, hindi na ako makahingsa sa presence niya bes!

Nakita kong natatawa si Lesly na nasa unahan na din. Pinagsimula na ako magdasal pero habang nagdadasal ako, kung ano ang nabibigkas ng bibig ko na dasal ng school namin, ay siya namang ibang dinadasal ng isip ko. Pasalamat na lang ako at di ako nagkakamali ng bigkas.

Matapos kog magdasal ay bumalik na ako sa pila namin ni Lesly. Pinanood ko lang magrecite ng Vision Mission si Tyler. Grabe, habang tnititigan ko siya parang nagiging anghel siya ng buhay ko. Normal ba yon, tingin mo mukhang anghel yung crush mo. Unti-unting nag slow motion ang bawat bigkas niya, hindi ko alam kung sadya ba yon o ako lang ang nakakakita. Tinitigan ko pa sya ng matagal, habang nakatingin ako lalo kong naappreciate ang buhok, ilong niyang matangos, ang kissable lips niya at ang pagiging matalino niya base sa bigkas ng bawat word ay sadyang ang gandang pakinggan.

"Friend, huy! Tapos na titig na titig ka pa din napapatingin na din siya sayo. Ano ba nangyayari sayo? Di yan si Kim Taehyung, makatingin ka naman dyan, may pagnanasa ah." Nagulat ako kay Lesly nang sawayin niya ako, agad naman akong umiwas ng tingin ng mapatingin sa gawi ko si Tyler.

Chasing the WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon