Ch 20: One sided love

192 4 2
                                    

Irish's POV

"Hoy" ,naririnig kong boses ni Kenneth mula sa malayo pero hindi ko siya nakikita dahil madilim ang paligid ko. Pero komportable ang pakiramdam ko sa dilim na pumapaligid sakin.

"Hoy babae" ,malapit na ngayon angboses niya. Nananaginip ba ko? Kung oo sana naman kahit sa panaginip lang tawagin niya kong love, sweetheart o kaya naman babes para kiligin ako.

"Gising!" ,may narinig akong mahinang kaluskos sa tabi ko, kasabay non ay ang paglamig ng paligid ko. Unti unti kong minulat ang mata ko, nakita ko kaagad siya na nakatingin sa bandang baba ko. Nakataas ng bahagya ang dalawa niyang kamay at hawak hawak ang kumot ko, kaya naman pala malqmig eh. Pero parang may mali sa lamig na nararamdaman ng katawan ko. Oh yeah, I forgot, I'm not wearing my PJ.

"Ahhhh! Lumayas ka nga dito sa kwarto ko!" ,sabi ko sabay agaw ng kumot ko mula sa kamay niya.

"H'wag ka ngang basta basta pumapasok dito sa.kwarto ko" ,saway ko sakanya habang nakaupo ako sa kama at sinusuklayan ang buhok ko, siya naman ay nakaupo sa dulo ng kama at nakatalikod sa akin. Nakasuot na ko ngayon ng jogging pants.

"Malay ko bang nakapanty ka lang" ,pabulong na sabi niya, kitang kita sa mga namumula niyang tenga na nahihiya din siya sa nangyari. Pinipigilan kong ngumiti, gustung gusto ko kasing nakikitang namumula ang mga tenga.

Bumuntong hininga na lamang ako. Alam kong di naman talaga niya intensyong makita ako na ganun ang itsura ko dahil nga sa bata palang kami ay magkasama na kami at close din siya sa parents ko kaya malaya siyang nakakagala dito sa bahay namin. Pero siyempre hindi na kami bata para biglabigla siyang pumapasok dito sa kwarto ko.

"Bakit ba kasi pagkaaga aga andito ka?" ,lumingon siya sakin saka tumayo.

"Bihis ka, gala tayo?" ,nakangiti niyang sabi.

"Huh?",are you?......are you asking me for a date?

Tatanungin ko na sana siya ng mgakatagang tumatakbo sa isipan ko kung hindi lang siya nagsalita ulit.

"Dali na at gigisingin ko din si Abby" ,sabi niya saka siya lumabas ng kwarto.

Oh,,,,,,,,,okay

Sabi ko nga kasi Irish h'wag kang bigla biglang nag a-assume.

Pagkatapos naming magbihis ni Abby pumunta na kaagad kaming tatlo sa mall. Nanuod kami ng sine, naglaro sa archade at pagkatapos ay nagwindow shopping, tama window shopping kahit may kasama kaming lalaki. Pansin ko na tahimik lang si Abby habang namamasyal kami, oo sumasagot siya at nakikipagtawanan sa amin ni Kenneth pero may iba pa rin sakanya. Siguro ay may napansin si Kenneth kaya nag ayang lumabas. Pero kahit na ganun hindi ko pa rin maiwasang magselos, parang akong lalagnatin at hindi makahinga dahil sa init na nararamdaman ko sa dibdib ko na pati ang pilit na pag ngiti ko sakanya ay masakit. Sana pala hindi nalang talaga ako sumama at hayaan nalang silang magdate.

"Alam mo ba kung anung problema ni Abby?" ,tanung niya nung wala si Abby dahil nag CR

"Hindi" ,sagot ko sakanya habang nakatingin sa malayo

"Para kasing ang tahimik niya nitong mga nakaraang araw kaya ako nag-ayang lumabas" ,ako ba? Hindi mo ba napapansing may problema din ako?

"Eh di sana siya nalang ang inaya mo at di mo na ko isinama"

"Di masaya pag di ka kasama"

"Bat ba napakadali lang sayo na magbitaw ng mga ganyang salita"

"Huh?" ,tumingin ako sakanya, nakatingin din siya sakin na nakakunot ang noo "Anung ibig mong sabihin na magbitaw ng mga ganyang salita"

A Deal Is A DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon