...
"Wuaahhhh"
"O ba't ka umiiyak?"
"Kuya ba't ayaw nila sakin? Ba't ayaw nila ako kalaro?" ,lumuhod siya sa harap ko, nilabas ang kanyang panyo at ipinunas sa mga luha ko
"Inggit lang sila sayo, tara ako nalang ang kalaro mo"
"Walang may gusto sakin, lahat ayaw ako wuaahhh" ,patuloy ko parin sa pag iyak
"Ba't ako gusto naman kita ah, kaya tumahan kana"
"Talaga?" ,unti unti akong tumahan at pinunasan ang mga luha ko gamit ang aking mga kamay.
"Oo naman, gusto mo ako pa nga ang maging prince charming mo paglaki natin eh"
"Talaga?" ,napangiti ako sa sinabi niya "Promise mo 'yan kuya?"
"Promise ko 'yan, Pinky swear?"
...
"Pinky-"
*bug*
"Aray ko" ,ang sabi ko habang asar na asar na tumatayo sa sahig. Napanaginipan ko nanaman 'yon. Panglimang beses ko nang napanaginipan iyon at panglimang beses ko na ding nahulog sa kama tuwing dumadating sa part na Pinky Swear. Hindi ko kilala kung sino man yung batang lalaki na iyon. Hindi ko din alam kung totoo bang nangyari iyon nung bata ako o panaginip lang, pero ang alam ko nang dahil sa letcheng panaginip na iyon lagi akong nahuhulog sa kama. May kumatok sa pinto ng kwarto ko saka bumukas,
"O buti naman at gising kana. Dalian mo't mag-ayos kana at maya maya lang darating na ang kuya mo" ,si Mama pala. Yung 'kuya' ko na sinasabi niya kapatid ko talaga iyon at hindi yung lalaki sa panaginip ko.
"Ayoko" ,saka ako pumuntang kama at nagtaklob ng kumot.
"Anong ayaw mo, dalian mo't mag-ayos kana" ,inalis niya ang kumot ko at ako naman tumakbo papuntang closet at sinarado ang sarili ko duon. Hindi nila ako mapipilit, ayokong umalis dito sa Manila. Gusto kasi nila ako palipatin kay kuya sa Bataan. Ayokong pumunta sa Bataan, gusto ko dito lang ako sa Manila.
"Ayoko sa Bataan, dito lang ako sa Manila. That's my decision and that's final!" ,sigaw ko sa loob ng closet. Hinihintay kong sumagot si Mama pero walang sumasagot, siguro iniwan na ko at nagsawa na sa kapipilit sa akin.Yehey!
*BANG* ,guess what kung san nanggaling tunog na 'yon, siret?? ,sa closet ko yun, sinira lang naman nila Mama at Papa ang closet ko ............................. SINIRA NILA ANG CLOSET KO!!!
"Bilisan mo at magbihis kana, dahil sa ayaw't sa gusto mo sasama ka kay kuya mo sa Bataan" ,sinabi iyon ni Mama with evil smile
"AYAW KO!!!" ,ang sigaw ko habang hinihila nila ako palabas ng closet.
"SINABI NA NGA KASING AYAW KO EH, BA'T NIYO BA KO PINIPILIT!"
"PARA ITO SA IKABUBUTI MO ANAK!" ,sabi naman ni Papa habang pilit talaga nila akong hinahatak palabas ng closet. Wala eh, kahit isama niyo pa si kuya hinding hindi niyo ko mahahatak palabas dito sa closet, lakas kali ng kapit ko. Para daw sa ikabubuti ko, ito kasing si kuya eh kwento ng kwento tungkol sa talambuhay niya sa Bataan tuwing umuuwi siya dito 'yan tuloy gusto na din nila akong palipatin doon, baka doon daw kasi magkaroon na ko ng mga tunay na kaibigan, ay naku di ko kailangan iyon.
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
RomanceAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.