"Huh?"
"Ang sabi ko belated happy monthsary"
"Ahh,,,,hmmn,,,,be-belated happy monthsary din" ,WHAT THE HELL!? Monthsary pala namin ngayon!? Ay wait, belated daw, so that means tapos na yung monthsary namin. At saka kung di ako nagkakamali nakakadalawang buwan na kami so pangalawang monsary na naming 'to. Pero hindi ko pa rin matandaan kung anung date na nga ba naging "kami".
"Hula ko di mo na matandaan kung kailan naging tayo" ,gulat akong napatingin sakanya. Siya naman ay nakangisi sa akin. Ano ba 'tong lalaking 'to, psychic?
"Sorry naman. Ikaw ang kauna unahang naging boyfriend ko tapos pilit pa, malamang di ko maaalala kung ano yung saktong date na naging tayo"
"Hanggang ngayon ba pilit pa rin para sayo itong relasyon natin?" ,napatingin ulit ako sakanya, this time malungkot na ang expression niya na nakatingin sakin.
"Hanggang ngayon ba napipilitan ka lang na tawagin akong boyfriend mo?"
"H-huh? Bakit ka ba biglang nagtatanung ng ganyan?" ,di ba kaya lang naman nabuo yung deal na 'yun dahil gusto lang niyang asarin ako? Dahil bored lang siya sa buhay kaya ako ang pinagtitripan niya?
Nakatitig lang siya sakin ng seryoso pero may kasamang lungkot sa kanyang mga mata. Bakit nga ba naiba bigla yung mood? Kanina lang masaya kami na inaappreciate yung ganda nitong lugar.
"Bakit ba napakaseryoso mo? Hindi mo bagay" ,sabi ko sabay pilit na tumawa.
Inalis niya ang tingin niya sakin at yumuko. Nagulat nalamang ako nang alisin niya ang pagkakahawak sa kamay ko at naunang maglakad, halatang wala siyang balak na hintayin ako.
"Uy teka" ,pagkasabi ko 'nun ay tumigil kaagad siya sa paglalakad pero nakatalikod pa rin siya sakin.
"G-galit ka ba?" ,oo alam kong galit siya kahit di niya sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung ano bang ikinagagalit niya o kung meron ba dapat talaga siyang ikagalit pero ang alam ko lang ay gusto kong magkaayos na kami kaagad at ngumiti siya sakin tulad kanina at hawakan niya ulit ang kamay ko.
"Break na tayo" ,nagulat ako sa sagot niya. Sa tatlong salitang iyon feeling ko lahat ng oxygen sa katawan ko nawala. Ang hirap huminga, maski utak ko tumigil ata sa pagpa-function. Hindi ko alam kung bakit pero nang dahil sa tatlong salitang iyon nagkakaganito ang pakiramdam ko.
"Bakit?" ,biglang lumabas sa bibig ko nang magsimula siyang humakbang ulit.
"Anung bakit?" ,sagot niya.
"B-bakit parang bigla ka atang nakikipagbreak?",bakit nga ba ako nagtatanong ng ganito?
"Diba napipilitan ka lang. Napipilitan ka lang na maging girlfriend ko nang dahil sa natalo ka sa pustahan natin noon."
Humakbang ako palapit sa kanya.
"Pero yung nakasulat sa contrata natin..." , diba dapat masaya na ko, "...100 days bago matapos yung deal." ,kasi malaya na ko, "Hindi pa tapos yung 100 days" ,kasi break na kami...
"Ako naman yung nanalo at ako din ang nagsimula ng deal na 'yon kaya okay lang din kung bigla akong magdesisyon na i-terminate na ang deal natin. At saka diba dapat maging masaya ka? Malaya ka na" ,ang sabi niya habang nakatalikod pa rin sakin.
Nakatingin lang ako sa likod niya habang sinasabi niya iyon. Tama siya, dapat akong maging masaya kasi malaya na ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Bakit hindi ko magawang maging masaya?
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
Roman d'amourAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.