“Aaaaaaahhhhh!!!!”
“Aray ba’t ka ba sumisigaw!?” ,sabi niya habang nakatakip ang tenga.
“B-ba-kit ka ba kasi nandito ha?” ,pa’no niya nabuksan yung pinto eh naka-lock ‘yon ah. Kinuha ko yung unan ko at pinangharang sa katawan ko, nakadamit naman ako, pantulog ang suot ko pero nasa kama ako at nakaharang naman sa pintuan ang manyak na halimaw na ‘yan. I think I’m in great danger.
“At bakit ba ang dilim dilim dito sa kwarto mo?” ,sabay bukas niya ng ilaw “tapos nanonood ka pa, kaya lumalabo ang mata mo eh”
“Asan ba si kuya? Kuya!?” tawag ko sa labas pero walang sumasagot.
“Ala si kuya mo. Lumabas muna siya saglit at may kakausapin lang daw” ,HUH!? Why did he leave me alone with this pervert monster T_T
“Bakit ka ba kasi pumasok dito?”
“May titignan lang ako” ,ano naman kayang titignan nito dito sa kwarto ko. Binaba ko yung unan at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.
“Ano namang titignan-“ ,pagtingin ko sa kanya wala na siya sa pinto kundi nasa harap ko. Napakalapit niya sa akin kaya nakatingala ako sa kanya pero hindi ako tumitingin sa mga mata niya, syempre takot ako. Pero pakiramdam ko naging estatwa na ko sa pagkakatayo ko, di ko na maigawalaw ang mga paa ko para tumakbo palayo sa kanya. Iba ang amoy niya ngayon di tulad ng dati na amoy sigarilyo at alak, infairness naligo na siya ngayon at ang bango pa ng sabon na ginamit niya, ano kayang brand para maregaluhan ko si Papa .Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang pagkakatingala ko sa kanya, napako naman ang mga mata ko sa mga mata niya. Hindi din tulad ng dati ang mga mata niya, parang may kung ano, parang maamo ngayon ang mga mata niya.
“Anong nangyari jan?”
“H-huh?”
“Yang pasa mo sa labi, san nanggaling ‘yan” O.O lumayo kaagad ako sa kanya at napahawak sa pasa na natatakpan parin ng make-up. Kulang naba ng powder kaya nahalata niya?
“Malinaw ang mata ko kaya kanina palang kumakain tayo nahalata ko na yan at saka amoy ko din sayo ang make up eh hindi mo naman ugaling magmake-up” ,grabe namang linaw ng mata ‘yan.
“San nanggaling yan?”
“Wala ka nang paki, lumabas ka nalang ng kwarto ko dahil hindi ka allowed dito”
“Ok si kuya mo na lang ang bahalang magtanong sayo”
“HWAG!” ,takbo ko papuntang pinto at sinarado iyon bago pa siya nakalabas. Magagalit panigurado si kuya at susugod sa school kahit ba naman ipaliwanag ko sa kanyang aksidente lang ang lahat. Nagsmirk naman siya sa ginawa kong iyon saka siya nagcross arm.
“Speak” ,seryoso na ang itsura niyang nakatayo at naka crossed arm sa harap ko, parang lang si Kuya.
“Tinamaan ako ng bola”
“Ginagago mo ba ko”
“Oo” nagglare naman siya sakin “Eh yun nga ang totoo eh tinamaan nga ako dalawang beses ng bola. Ano bang gusto mong isagot ko na may sumuntok sakin?”
“Sinong bumato sayo ng bola?”
“Di ko kilala at saka aksidente lang naman yung nangyari” ,pagkasabi ko ‘non ay pumunta siya sa bedside table ko at kinuha ang nakalapag ko doong School ID.
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
RomanceAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.