Tulala lang ako na nakahiga, nakatitig sa kisame. Hinihintay ko na lang ang alarm clock ko na mag-ring dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok simula pa kagabi. Ayoko ding matulog dahil simula pa kagabi, tuwing ipipikit ko ang mga mata ko at pipiliting matulog,
“Ba’t parang tulala ka jan?”
“Nalunod ka na ba sa kagwapuhan ko?”
“Arrgh!!!” ,napaupo ako sa kama mula sa pagkakahiga, sakto namang tumunog ang alarm ko kaya pinatay ko iyon. Shet na Pervert Monster yon, kahit wala sa tabi ko binubwisit ako tsk.
Late na ding natapos ang cosplay competition kagabi at si Irish ang nakakuha ng First Place, ang cute naman kasi niya talaga, si Pervert Monster naman ang pang Fourth. Pagdating namin sa bahay sinalubong ako ni kuya ng isang malaking ngiti, yun naman pala alam niya din yung tungkol sa acting ko, nalaman niya yun dahil kinausap pala siya ni Pervert Monster at pinatunayan pa niya sa harap ni kuya na nagkukunwari ako, yung time na sinubuan niya ko.
*School*
“Oi Ella” ,tawag sakin ni Kenneth. Nilingon ko naman siya,
“O, mga pictures nung cos event” ,inabot ko naman yon at tinignan.
“Magkano pagpapaprint?”
“Kung may plano kang bayaran, hwag na” ,saka siya umalis. Isa isa ko namang tinignan yung mga pictures, ang gaganda ng pagkakakuha niya. Napahinto ang paningin ko sa isang litrato, litrato naming dalawa ni Pervert Monster. Magkaharap kaming dalawa at magkalapit nga ang mukha, habang hawak hawak ng isa niyang kamay ang baba ko.
“Ella tara bihis na tayo!” ,sigaw ni Irish mula sa likod ko. P.E subject na kasi namin at may activity kami sa gym, at ‘yon ay ang Basketball. Tinago ko na ang mga pictures sa bag ko saka ko naman kinuha ang damit ko at sumunod kay Irish.
…
Bising bisi ang lahat sa paglalaro, enjoy na enjoy sa paglalaro. Ako naman nakaupo sa tabi, nagbabasa ng Nurarihyon no Mago, habang si Pervert Monster naman nasa tabi ko natutulog. Tinatamad akong maggagalaw at mukhang pati tong katabi ko, kaya sila nalang, kaya naman na nila yan. Sabi nga ni Houtaro sa anime na Hyouka ‘Those who expend great energy in their lives, I salute you’
“Oi gising” ,sabi ni Sir Gonzales habang sinisipa si Pervert Monster sa paa, nakatakip kasi ng panyo yung mukha niya kaya hindi alam ni Sir Gonzales na si Pervert Monster yung sinisipa niya, well kung alam lang niya hinding hindi siya magtatangka na gawin yan sakanya, takot lang niya.
“Tumayo ka nga dyan. Gusto mong ibagsak kita dyan? Bakit hindi ka sumasali sa mga kaklase mo.” Tumayo si Pervert Monster sa pagkakahiga, kaya nahulog yung panyo mula sa mukha niya. Si Sir naman napaatras sa takot, syempre di niya akalaing si Pervert Monster yon eh. Sunod na ginawa ni Pervert Monster ay hinablot ang damit ni Sir papalapit sakanya, halatang galit,
“Alam mo ang ayoko sa lahat ay iniistorbo ang tulog ko”
“S-s-sorry, h-hi-hindi ko naman akalaing i-i-ikaw p-pala-“
“At ang lakas naman ng loob mo para sipain ako”
“Rain tumigil ka na nga. Di naman niya sinasadya at isa pa teacher natin yang ginaganyan mo” ,sabi ko habang di inaalis ang tingin ko sa manga book na binabasa ko. Binitawan naman niya yung teacher namin saka siya umupo sa tabi ko na parang tumatae, di ko alam eh kung anong tawag sa upo niyang yon basta yun na yon, tinignan ko naman siya at siya naman biglang ngumiti ng nakakaloko,
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
RomanceAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.