“A-anung ginawa mo sakin?” ,hawak hawak niya ang kumot na nakataas hanggang dibdib
“Nirape mo ba ko!? Alam mo bang virgin pa ko, panagutan mo ko!”
*pak*
…
Tulog pa rin si kuya hanggang ngayon, okay lang wala naman siyang pasok ngayon. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko sa niluto kong hotdog na para sakin lang habang siya naman nasa tapat ko nakatitig ng masama. Di ko siya pinapansin, pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
“Hoy ikaw” ,sabi niya habang nakatitig pa rin ng masama “Alam mo bang ikaw ang kauna unahang babaeng nakasuntok sakin” ,hindi ko parin siya pinansin, kunyari wala akong naririnig.
“AT SAKA BA’T DI MO MAN LANG AKO LUTUAN NG HOTDOG PARA YON MAN LANG GAWIN MO PARA MAKAPAGSORRY KA SAKEN!”
“Ba’t ako magsosorry? unang una sa lahat ikaw ‘tong natulog sa kama ko nang walang permiso” ,sabi kong ng nakatitig sa kanya
“Anung wala, ikaw nga ‘tong ‘Oh Rain, mahal ko. Dito ka lang sa tabi ko please, h’wag kang aalis’” ,sabi niya habang nagboboses bakla
“ANU KA!? BA’T SASABIHIN KO SAYO ‘YON! ASA!”
“Eh sa ‘yon ang sinabi mo eh. Ikaw naman YAM, h’wag ka nang mahiya. Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh”
“TIGIL TIGILAN MO NGA KO! WALA AKONG SINASABING GANYAN” ,shet ang hirap ng walang naaalala.
“LUMAYAS LAYAS KA NA NGA DITO! DIBA NGAYON PRACTICE NIYO!”
“Ay oo nga noh” ,tumingin siya sa wall clock namin
“Maaga pa naman. Lutuan mo muna ako ng makakain”
“Ba’t kita lulutuan. Lutuan mo sarili mo, kayang kaya mo naman.”
“Sige na please” ,wow nagplease siya
“Napakatamad mo kamo” ,tumayo na ko at kumuha ng hotdog sa ref at niluto iyon. Pagkatapos niya kainin iyon ay bumalik na siya sa unit niya at kailangan na niyang mag ayos para sa practice nila. Niyaya pa niya kong sumama pero tinanggihan ko dahil busy ako sa pagbabasa ng manga sa internet. Mahirap naba ka walang internet sa lugar na pagprapraktisan nila tatamarin lang ako.
…
Lumipas ang sabado linggo, lunes nanaman. Ba’t ba napakalapit kasi ng biyernes sa lunes tapos napakalayo naman ng lunes sa biyernes.
“Una ka na at C.R lang ako” ,sabi ni Rain nang nasa hallway na kami
“Geh” ,sagot ko naman. Wala namang sinabi si Rain nung pagbalik niya galing practice nung sabado pero parang badtrip siya nun.
Naglakad na ko papuntang classroom namin. Pagpasok ko sa loob lahat sila parang may pinag uusapan pero nang makita nila ako biglang tumahimik. Anung meron?
Hindi ko nalang pinansin at dumiretsyo sa upuan ko. Pag upo ko napansin kong nakatingin sakin yung iba tapos biglang aalisin yung tingin. May kung anong mabigat na aura akong nararamdaman sa paligid, parang nakakasakal. Yung pakiramdam na ‘to, naramdaman ko na ‘to dati.
“Ayaw naming maging kaibigan ang kagaya mo”
.
“Ang pangit pala ng ugali mo, akala namin mabait ka”
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
RomanceAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.