Ella’s POV
“Beh?”
“No”
“Sweetheart?”
“No”
“Hubby and Wifey?”
“Ayoko”
“Chubby?”
“Ayoko”
“Darling?”
“Not gonna happen”
“Basilio at Sisa”
-____-
“Ah Alam ko na Honey”
“Ayoko nga sabi eh”
“hmmn, fruitcake, cupcake, banana cake, icecream, honey-pie, muffin, peaches, cookie, dumpling, buttercup, sweetie….anu ba yan ginutom na ko sa kaiisip ng endearment nating dalawa wala ka paring magustuhan?” ,pagkatapos niya akong mahabol sa harap ng school ay dito kami dumiretsyo sa mall. Ang pagkakaroon ng endearment ang unang una niyang naisip ng makarating kami dito.
“Wala”
“=____=
“Eh magtawagan na nga lang kasi tayo sa pangalan natin”
“O sige tawagin mo nga ako sa pangalan ko”
“Cruz”
“Why not the first name?”
“…….” ,actually di ko din alam.
“Sabihin mo…” ,ngumiti siya sakin ng nakakaloko at nilapit ang mukha niya. Buti may table sa pagitan naming dalawa.
“May endearment ka na ba sakin jan sa isip mo?” ,Oo
“Wala” ,at yun ay ‘Pervert Monster’
“Weh di nga”
-____-*expressionless*
“Hay ginugutom na talaga ako. Bibili lang muna ako ng makakain natin”
“Geh dito lang ako” ,tumayo na siya pero bago pa siya umalis ay may hinahalungkat pa siya sa bag niya. Pagkatapos ay bigla bigla nalang niyang kinuha ang kamay ko at may sinuot saakin. Pagtingin ko ay…
“Anung!?...” ,POSAS!!!!??? Bakit may posas na nakakabit sa kamay ko!. Ang kabila naman ay kinabit ni Pervert Monster sa gilid ng upuan ko.
“Bakit mo ko pinosasan!?”
“Para kung sakaling binabalak mong tumakas kailangan mo pang bitbitin sa pagtakas mo yang upuan. Yun nga lang, mailalabas mo kaya yang upuan dito sa mall ng hindi hinahabol ng guard?.” ,pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.
“CRUZ!” ,tawag ko sakanya pero hindi niya ko pinansin. Pinilit kong alisin ang kamay ko sa posas pero ayaw mailusot palabas ang kamay ko. Kung anu ano nang ginawa ko pero bandang huli napasuko na din ako. Anu nga namang laban ng kamay ko sa bakal, wala naman akong hairpin para kalikutin ung susian pero kahit ba naman meron ako di ko naman alam kung pano kalikutin ‘to.
BINABASA MO ANG
A Deal Is A Deal
RomanceAng nakakatawang love story ng isang loner at troublemaker. Curious?? Then read it. NOTE: This story was originally started in my previous account and was transfered here . All the previous ratings are gone.