Ch 17: Keychain

180 1 0
                                    

Pagkatapos ng araw na ‘yon tahimik na ang lahat, pero syempre wala pa rin akong tiwala na dun na natatapos ang lahat hangga’t nandito yung demonyitang iyon. Naging maayos na ang preparasyon namin para sa School Festival. Costumes, props at ang iba pang kakailanganin ay okay na din. Sa acting naman ng mga gaganap sa play, well wala akong kaalam alam kung kamusta na ba play nila at wala din akong balak alamin, bahala na kung anong makikita ko sa School Festival bukas.

“Uy YAM” ,sabay bigla niyang yakap mula sa likod ko at patong ng baba niya sa balikat ko. Lagi niyang ginagawa yan nitong mga araw na to pero di ako doon pinaka nagugulat kundi sa nagiging biglaang reaksyon ng katawan ko.

Pakiramdam ko parang bigla biglang umaakyat sa maximum level ang 5 senses ko, yung tipong rinig na rinig ko yung bawat paghinga niya, ramdam na ramdam ko din yung init na nanggagaling sa katawan niya, ang pagiging conscious ko sa kung ilang inch lang ang layo ng pisngi naming dalawa, ang pamilyar na amoy niya na combination ng cool mint at sigarilyo at ang mapupula niyang labi na parang gusto kong,,,,SHEEEEEETTTT! Tingin sa malayo Ella, h’wag papatukso sa demonyo, sinasapian ka lang. Pero ang mas pinaka sa pinaka kinagugulat ko sa lahat,

“O-o?” ,ay ang kung bakit parang naninigas ang katawan ko at hindi ko man lang magawang mandiri or magalit sakanya at itulak siya palayo. Inalis niya yung isang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin pero nakayakap pa rin sa bewang ko yung isa pa niyang kamay. Tinaas niya ang kamay niya hanggang eye level ko. Keychain, may hawak siyang keychain. May nakasabi na letter ‘R’ at sa baba naman niya ay may heart din.

“Para sayo” ,bulong niya. Wala ako sa sarili kong napataas ang kamay at kinuha iyon.

“Para san ‘to?” ,mahinang tanong ko.

“Wala, naisipan ko lang bilhan ka” ,sagot naman niya. Binalik na din niya yung kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

“S-salamat” ,ang totoo hindi ako makapaniwalang may magbibigay pa ulit sa akin ng regalo pwera sa mga magulang at kamag-anak ko. Huling beses kong makatanggap ng regalo ay noong Grade 3 pa ako, mula doon sa dating kaibigan kong lalaki. Wala naman kasing may paki sa mga naging kaklase ko noon kung birthday ko at kapag dumarating naman ang Christmas party namin ay hindi na ko nagpupunta dahil alam kong pilit lang naman ang pagbibigay sa akin ng regalo ng kung sino mang nakabunot sa pangalan ko para exchange gift.

“Rain patulong ngang buhatin ‘to” ,tawag ni Kuya sa kanya mula sa kwarto niya.

“Huh?” ,bumitaw na siya sa akin at pinuntuhan si kuya “San ba?” ,nung bumitaw siya sa akin feeling ko doon lang ako nakahinga ulit. Tinignan ko ulit ang keychain na nakalagay sa kamay ko, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nilagay iyon. Thank you na din sa gift kahit na letter ‘R’ ang letter.

Ibubulsa ko na sana pero biglang may nakakuha ng atensyon ko doon sa heart na nakasabit din sa baba ng R, may nakaukit na PMLY. Hmm, siguro pangalan lang nung store na pinagbilhan niya.

Rain’s POV

“Uhm M, pwedeng pa-autograph”

 *glare*

“Kyaa~ ang gwapo niya talaga, lalo na ang mga titig niya noh!” ,tili ng mga babaeng nasa harapan ko. Fuck, kalian pa nagkaganito? Dati kapag tinatapunan ko sila ng tingin halos di sila makapagsalita at makakilos dahil sa panginginig sa takot, ngayon, pota!

A Deal Is A DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon