Kabanata 06: Mornight and Wet dreams
(Devie Angela's POV)
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!!" gulat na gulat kong sigaw.
Bakit andito sa mansyon ang tukmol na 'to? At paano siya nakapasok sa kwarto ko?!
"Hmmm..Why so maingay?..I'm sleeping.."
Wow hanep. Ang kapal. Feel na feel niya pa talaga ang pagtulog niya diyan sa kama ko!
Dahil sa inis ko ay dinampot ko ang isang unan at pinaghahampas ko sa kanya.
"What are you doing here? Get out of my room!"
"Ouch! Ouch! Ouch!"
Tuluyan na siyang nagising pero 'di pa rin ako tumitigil sa paghampas ng unan sa kanya.
"Hey! Stop it! It's hurt you know! Ouch!"
Tumigil na ako at nanliliksik ko siyang tinignan.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw kong tanong.
"Umm..Sleeping?"
Napasinghap ako dahil sa inis. Pinipilosopo pa niya ako. Bwisit.
"You're invading someone's privacy. I don't even let my family to come inside, ikaw pa kayang stranger ka!?"
"Excuse me? Sabi ni Mr. Ferrio, ito ang magiging room ko! Sa ayaw't sa gusto mo, magsasama tayo dito!"
Nanlalaki ang mata ko sa pinagsasabi nito. Baliw ba 'tong lalakeng 'to?
"Who the f*ck are you for telling me that? You're not my husband!"
Saglit siyang natahimik at ilang saglit lang ay napangisi siya. Prenteng humiga pa siya ulit ng patagilid sa kama ko.
"I will be your husband in the future."
Kumukulo na talaga ang dugo ko sa taong 'to. "Paano mo nasabi?" diin na tanong ko.
"Prediction. I can see the future.."
"What's going on here?"
Buti na lang dumating si Demion dahil kung hindi, malamang naihagis ko na 'tong tukmol na 'to sa labas ng bintana.
"What the hell is that idiot doing here?"
Sabay turo ko sa tukmol na agad na bumangon nang dumating si Demion. Naka indian sit na siya ngayon. Ayaw niya talagang umalis sa kama ko. Tsk! At nakayellow pajama pa nga siya eh, talagang sinadya niyang iterno sa kulay ng kama ko.
"Mr.Park? Anong ginagawa mo dito? Ang kwarto mo ay doon sa second to the last room hindi second room."
"Ayy ganun po ba? Akala ko po kasi dito eh. Hihihihi." I rolled my eyes upon hearing his chuckle.
"You're still not answering me Demion." tanong ko ulit.
"Angela, meet Mr.Park. From now on, he will be your personal Butler."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Ano kamo 'yon? Personal butler?
"Hi! Chase-shin Park at your service, Senorita! I will be your Personal butler and you will be my Personal alaga!" tumayo siya sa kama at nagsalute.
Mariin kong pinikit ang mata ko to control my temper. Relax Devie. Calm down. Humahapdi ang balikat mo kaya 'di ka pwede magwala dito.
"This isn't funny, Demion." diin ko.
"Why would I make fun of you? I hired him to become your butler. Mag-aalaga at magbabantay sayo, ARAW-ARAW."
"Ano ako bata?? para bantayan at alagaan??" 'di na ako nakapagpigil pa.
BINABASA MO ANG
Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!
Action"Makulit man ako sa inyong paningin, pag nagmahal, malupit pa sa pating!" Former: Warning: My Girlfriend is a Gangster