Kabanata 04: Dealing with the rebel

37.8K 1.3K 145
                                    

Kabanata 04: Dealing with the rebel

(Demion's POV)

After that scene, I called that young man here in my office. I heard that he's here to apply for any job as a working student. So I think it's perfectly fit for him the job that I am offering. And I hope he accepts my offer. I will give him all he wants in exchange for dealing with my rebel, daredevil sister.

"Sir, andito na po ang huling aplikante."

"Let him in."

He entered with a very bright smile. I hope he can handle Angela well.

"Good morning, Sir!" masigla niyang bati.

"Good morning. Have a sit." sabi ko. Umupo naman siya agad sa may tapat ko. "Chase-Shin Park is your name right?" I started to ask.

"Opo! 20 years of age! From the pearl of the orient sea, Philippines! I stud--"

"No need for the long introduction, Mr.Park." pagputol ko sa sinasabi niya. Masyado siyang madaldal. "I won't hesitate anymore, since you're the last applicant. I have decided to hire you now--" di pa nga ako tapos ay nagsalita na naman siya.

"Talaga po?? Hired na ako?? No question and answer portion??"

Tumango na lang ako. Nakakahiya naman siguro sa sobrang kaligayahan niya.

"Ano po bang posisyon ko Sir? Manager po ba? Supervisor?" excited niyang tanong.

"You will be hired as a personal Butler."

"Personal butler? Sa inyo po?"

"No. Sa kapatid ko. So ano? Tatanggapin mo ba?"

"Oo naman po! Ako pa? Yakang-yaka ko lang po 'yan! Sigurado po akong magkakasundo kami ng kapatid niyo Sir!"

"Good. But I just want to let you know that my sibling is a half human and half monster. In short, rebellious, has a bad temper, and is hard to get along with."

"Talaga po? Naku Sir! Psychology student po ako kaya 'di uubra ang ganyang ugali sa akin. Ako pong bahala sa kanya, i'm going to tame him! Dealing with a rebel is very much easy! Basta lang po, dagdagan niyo sahod ko. Eh nasaan po ba 'yang kapatid niyo? For sure nagbibinata lang 'yang kapatid mo Sir. Nasa puberty stage pa kung baga."

Napangiti ako dahil sa determination niya. "She's not a boy. Actually, nakilala mo na siya kanina."

"Talaga po babae siya? Sino dun? Yong girl na nasa cafeteria na nanlibre ng pagkain sa akin?"

"Hindi, yung babaeng nakasalamuha mo kanina sa reception area."

(Chase-shin's POV)

"Hindi, yung babaeng nakasalamuha mo kanina sa reception area."

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya.

*cough*

"C-can i drink this water Sir?" turo ko sa isang baso ng tubig na nasa table niya.

"Sure.." sagot niya. Agad ko namang ininom ang tubig. Nang maka-recover na ako,

"Y-yung bruha este mapiya gangster na 'yon ang magiging personal alaga ko?" kinakabahan kong tanong. Paktay na! Magaganap na ang World War Z!

"She's not a Mafia nor a Gangster. She's just a rebellious girl."

"Ha-ha-ha. Nako Sir, hindi naman po personal butler ang kailangan niya kundi Psychiatrist, ang lakas ng topak eh.." napatigil ako nang tignan niya ako ng masama.

"W-what i mean is, imposibleng magkasundo kami ng babaeng 'yon. Baka po hindi lang ako mabaog kundi maging baldado pa ako ng dahil sa kanya. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal Sir!" hindi ko lang talaga kayang pagsilbihan ang babaeng 'yun. Ano siya sinuswerte?

Nai-imagine ko tuloy kung anong pwedeng mangyari pag nagsama kami sa iisang bubong.

[Chase' Imagination]

"Yaah! Personal butler kita di ba?? Magluto ka ng makakain ko bilis!" -Devie

"Aba't! Hoy! Makapang-utos ka diyan! Magluto ka ng mag-isa mo!" -Chase

"Aba't!! Wala kang kwenta!!" -Devie sabay hagis ng kaldero kay Chase

"Waaaahh! Mommy!!!"

"Tumigil ka diyan!! Magluto ka kung ayaw mong ikaw ang kakainin ko!!"

Then biglang nag ivolve ang katauhan ni Devie into a monster at agad sinunggaban si Chase.

[End of imagination]

GULP!

Maygad! She's a gangster that turns into a monster! Nakakatakut! My life is in danger! Help!

Napatigil ako sa pag-iimagine nang marinig kong napabuntong hininga si Mr. Ferrio.

"Please help me discipline my sister. I know she has a bad attitude. That's why I'm looking for someone to be with her personally to stop her from making trouble. And I also hope that you can help her change. I'll triple your salary if you want."

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang huling sinabi niya. Triple? Malaking salapi na yun 'di ba??

"At least for a month. If you really can't do it, you can resign. But if you last more than three months and I see that her behaviour is improving, I will give you everything you want. A million cash, a mansion, cars, or a vacation out of the country. Whatever you want, I'll give it to you as long as you change my sister's attitude in one to three months."

Wow. Sobra akong yayaman niyan pag nagkataon! At pag nag out of the country ako, makikita ko na rin sa wakas ang favorite disney characters ko na sina Olaf at Elsa sa disney land! Sobrang saya nun di ba?! Yeah! All i have to do lang naman is to deal with that witch! And beside, kailangan ko ring turuan ng leksyon ang bruhang 'yon!

"You can make her fall in love with you and marry her. I can give you my blessing."

Napangiwi ako sa sunod niyang sinabi. Ganoon na lang ba kasama ang ugali ng kapatid niya para ibugaw sa akin na 'di naman niya kilala. May sayad din sa utak 'tong si Mr. Ferrio.

"Sir, usapan dito personal butler lang hindi personal asawa. Sayang ang kagwapuhan ko kung iaalalay ko ang sarili ko sa isang diablo.."

Napatikom ulit ako nang tignan niya ako ng masama. Awkward akong ngumiti sa kanya.

"Deal sir. Tatanggapin ko po." walang bruha bruha sa taong mukhang pera!

Napansin kong nagliwanag ang mukha niya.

"Thank you, Mr. Park." tumayo siya at nakipagkamay sa'ken. Tumayo rin ako para makipag-kamay.

"Starting today, you will be moving to our mansion. Don't worry about the schedule of your class. I will transfer her to the school that you are in. And please, avoid her from causing trouble in your school, because that is often the reason why she gets kicked out of the schools she attended." 

"Opo! Ako po bahala sa kanya!" sabay salute ko.

Mwahihihi. Para lang sa pera!

Humanda siya sa akin! Tuturuan ko siya ng leksyon.

Insert evil smile with an evil plan. Mwahaha!

Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon