'The person who jokes around, smiles a lot and laughs all the time is the sweetest person when getting serious inlove'
Kabanata 10: The 3 class of gangsters
(Chase' POV)
"What do you do when you see an extremely cute person? Ako, i stared at that person and smile. And when i get tired na, i'll just put the mirror down. Nakakangawit kaya!"
"Ulul! Nag iilusyon ka na naman d'yan! Mababasag kamo ang salamin!" naiinggit na reak ni Insan Hanee.
"You know what Insan, tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na mas ANGAT talaga ang kagwapuhan ko kesa sayo."
"Harhar! Ang panget mo kaya! Tignan mo nga 'yang dulo ng ilong mo, talagang tinubuan na ng tigyawat! Yaks!"
"Hoy! Wag na wag mong minamaliit itong kaisa-isang ibedensya na inlove ako!" sigaw ko sabay turo sa tigyawat ko sa ilong ko. "Di mo ba alam kung gaano kahalaga ang tigyawat sa katauhan ng isang tao? Dito mo malalaman kung gaano mo pinapahalagahaan ang taong dahilan ng pagkakaroon mo nito! And you must be very proud of it!"
('=_=) - Hanee's expression.
"At pag nalaman niya ang tunay na nilalaman ng aking puso, maaaring ako'y ibigin niya rin. At pag nangyari iyon, kaming dalawa ay magsasama ng pang habang buhay! Pang habang buhay na walang hangganan! Walang sino man ang makakabuwag ng aming pagmamahalan! Ahaayy! Ang sarap sa pakiramdam! Kaming dalawa ni Devie, magiging mag-asawa, titira sa isang magarbong bahay, magkaka-anak ng dalawang pares na kambal, magkaka-apo ng sampu, tatanda ng sabay at mamamatay na magkahawak ang kamay! Oww! What a nice life!"
"Hoy Insan, napaka futuristic mong mag-isip. Yung totoo, nakadrugs ka ba?"
Napatigil ako sa pag-iimagine ko. Kahit kelan panira talaga ng moment tong mukhang si Henry Huggle monster na 'to!
"Pake mo? Libreng mangarap "no!"
"Oo libreng mangarap pero nagmumukha kang tanga d'yan. Atsaka, nonsense din yang pag-iilusyon mo. Nakalimutan mo na bang nasa Europe na siya at 'di na babalik pa?"
Bigla akong nalungkot. Isang linggo na simula nong lumipad s'ya patungo sa Italy. Ni hindi ko man lang siya nagawang pigilan. Namiss ko tuloy 'yung mga sweet moments namin.
Sigawan,
Murahan,
Batukan,
Hampasan,
Bugbugan at di nagtagal ay nauwi sa pagmamahalan. Ayieeh! Illusyonado!
Pero ang problema,
Wala na siya dito!
How could I express my real feelings for her if she's not here anymore?!
"Arrayy!" napasigaw ako nang may nagbato ng bola sa ulo ko. Naka-upo kasi ako sa may study table. Paglingon ko naman sa may pinto ay pagmumukha ng kapatid ko ang nakita ko.
"Yaah! Kei-shin Park! Bakit ngayon ka pa lang umuwi?? Gabi na ah!!" sigaw ko sa kanya.
Tinapon niya muna bag niya sa sofa bago sumagot. "Kuya, i'm tired. Wag mo muna akong sermunan ngayon. Ang dami kong ginawa sa school simula kanina. Quizzes, Projects, Organizing for the school program, Group study with my classmates, Thesis, Portfolio and etchetera. And may homework pa akong gagawin ngayon about sa latest technology. Kaya kuya, if pwede pagpahingain mo muna ako. Ok?" then he walked away
Nganga lang ako habang pinapanood siyang pumasok sa kwarto niya.
"Huy Insan, kelan pa nagkaroon ng Thesis subject ang Grade 1?" tanong ko agad kay Insan Hanee na nakahiga sa isang sofa habang may katext. "Nakapagtataka lang kasi eh. Di ba pang college lang yun? Grade 1 pa lang si Kei pero ang dami niya nang ginagawang activities sa school." pagtataka ko.
BINABASA MO ANG
Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!
Action"Makulit man ako sa inyong paningin, pag nagmahal, malupit pa sa pating!" Former: Warning: My Girlfriend is a Gangster