Kabanata 08: Chase' buwis buhay
(Chase' POV)
Warning!
Devie is a Monster
Ingat kayo kung ayaw niyong malasin forever
At ngayon siya ay missing out of nowhere
Hinahanap ng mata kong ubod ng gwapo ever
Nagtutula na pala ako dito. Yung bruha kasing iyon ang may kasalanan. Bigla na lang nag walk out matapos makita si Zamantha at Senri na nagyayakapan. At ngayon 'di ko mahagilap kung saang lupalop ng planeta siya nagpunta. Aish! Ang sakit niya talaga sa ulo. I lost my freedom because of her. Now, she's missing and i have to find her. She's so nakakainis! Paano 'pag may magtangkang i-salvage siya, ipasok siya sa sako at itapon sa ilog? Wala pa naman ako para isave siya. Lagot ako neto kay Sr. Ferrio.
Naglalakad ako sa may Hallway habang bitbit ang bag at lunchbox ko. Kanina ko pa gusto kumain pero 'di ko naman pwedeng hayaan 'yong topakin na yun. Gutom na ako!
"Nasaan ka ba kasi nagpunta?!" inis ko. Napapatingin tuloy sa'kin ang mga estudyanteng nadadaanan ko. Baka iniisip nila na baliw na ako.
Siguradong nandito lang siya sa loob ng Campus. Hindi kasi kami pinapalabas ng mga Security Guard pag oras ng klase eh. Ako lang talaga ang nakakalabas kasi nga the golden genius ako.
"Hoy The golden Chase!"
Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Nandito na naman ang Tatlong Gori. Tatlong Gorilya. Amoy sigarilyo pa 'tong mga kulugo na 'to. Walang magawa kundi ang mambully at mangotong ng mga mayayamang estudyante rito. Mayaman naman din sila pero grabe ang lakas mangotong ng pera at isa na ako roon sa mga binibiktima nila minsan.
"Ano na naman bang problema niyo?" inis ko.
"Isang libo, ibigay mo na. Bilis!"
"Wala akong pera kaya 'wag niyo akong kotongan. Kung gusto niyo doon kayo sa Banko manggancho! Mga walang silbi sa lipunan!" inis kong bulyaw sa kanila.
"Aba! Isang libo na ang utang mo sa amin! Ilang beses mong sinasabi na bibigyan mo kami ah!"
"Doon kayo kay Senri humingi ng pera, samahan ko pa kayo mangotong eh. Wala din akong pera kaya!"
"Aba't sumasagot ka pa ha! Ibigay mo na lang yang pera mo kung ayaw mong ibitay ka namin sa puno ng mangga!"
"Aish! Mas lalo niyong pinapa-init ulo ko ha! Marami akong problema kaya 'wag na kayong dumagdag pa! Ang laki ng katawan niyo tapus 'di kayo marunong dumiskarte para makahanap ng pera?! Mahiya naman kayo! Mga badugas!" inis na bulyaw ko sa kanila.
"Eh kung i salvage ka kaya namin ha! O 'di kaya 'yong magandang babae na lang na kasama mo kanina ang ibigay mo sa amin? Ha? Ang cool ng kasama mo eh. Fresh na fresh!"
"Oo nga pre! Tangina nung nilapitan ko ang bango bango !"
"Matapang pa!"
Nagdilim ang paningin ko sa narinig ko. Tinitigan ko sila ng seryoso isa-isa.
Mukha namang effective kasi parang natakot sila.
"Ch-chase wa-wala namang personalan diyan!"
"Oo nga naman Chase. Di naman namin alam na may problema ka ngayon eh!"
"Sa susunod ka na lang namin kukotongan!"
"Sige alis na kami. Pasensya na talaga Chase!"
At humaripas na sila ng takbo. Sus takot naman pala kayo. Mga duwag!
BINABASA MO ANG
Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!
Action"Makulit man ako sa inyong paningin, pag nagmahal, malupit pa sa pating!" Former: Warning: My Girlfriend is a Gangster