Kabanata 05: The Great Rival

40.6K 1.2K 135
                                    

Kabanata 05: The Great Rival

(Chase-shin's POV)

"Insan? Bakit ka nag-eempake?"

Bungad na tanong sa akin ni Insan Hannee at nagtatakang pumasok sa kwarto ko. Nag eempake ako ng mga damit ko na dadalhin sa Mansyon.

2 pairs of uniform - check!
2 pairs of Pajamas - check!
2 pairs of underwear - big check!

Ok na yan, ang importante humihinga.

Tinignan ko lang ang orasan sa itaas ng pinto. Mag aalas sais na ng gabi. Parating na ang susundo sa akin na binanggit ni Mr. Ferrio.

"Aalis na ako, Insan. Alam kong pabigat lang ako sayo dito. Kaya naisipan kong umalis na lang at lumipat ng ibang bahay." kunwaring malungkot na sabi ko.

"Ah ok."

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"Ok lang? Wala ka man lang ibang reaksyon diyan? Hindi mo lang ba itatanong kung saan ako pupunta??"

Grabe sya! Parang balewala lang sa kanya na aalis ako dito! Hindi porque nakikituloy lang ako sa inuupahan niyang apartment eh gaganyanin niya na ako.

"Ano ba dapat ang reaksyon ko? Maglupasay sa iyak? Duh! Kung gusto mo umalis edi umalis ka. Malaki ka na, kaya mo na sarili mo. "

"Wow! I cannot believe this! Napaka heartless mo! Pag ako yumaman, who you ka talaga saken!" sarap kutusan nitong pandak na 'to!

"Unggoy, alam kong natanggap ka sa work na inaplayan mo bilang Personal butler. Nakita ko sa dala mong papel kanina at nakalagay doon na titira ka sa Mansyon ng mga Ferrio."

"At magiging mayaman na ako pag napaamo ko ang kapatid ni Mr. Ferrio." ngisi kong sabi.

"Sus! Baka nga isang araw lang eh bumigay ka na't bumalik agad dito. Ayon pa naman sa nasagap kong tsismis, ang isa daw sa anak ng Ferrio family ay sinasaniban daw ng masamang espiritu! At nakakakita ng mga elementong hindi natin nakikita! Nako insan! Mag ingat ka talaga dun!"

Napalunok ako sa sinabi niya at nagtindigan ang balahibo ko.

"Aahh!"

Napatili pa ako ng malakas nang tumunog ang cellphone ko.

"Cellphone ko lang pala..hehe"

"Siraulo.."

"Tumatawag na si Mr. Ferrio. Nandyan na ang sundo ko." isinukbit ko na ang bag na naglalaman ng mga damit ko.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, Insan. Paalam!"

"Bag ba ni Dora yang dala mo? Ang liit!"

"Kasing lawak yan ng bulsa ni Doraemon!"

"Gago. Geh ingat wag ka ng babalik!"

*pouts*

(Devie Angela's POV)

"Bullseye."

I smirked when I hit my target. As time went by, I became more and more skilled in using a gun. It's just a matter of time, and I can use everything I've learnt.

"Amazing my babes. Ang galing mo talaga!"

Napalingon ako sa taong biglang pumalakpak sa tabi. Humarap ako sa kanya at itinutok sa kanya ang 45 Calibre na hawak ko.

"Wooh wooh! Wag naman babes! Mahal ko pa buhay ko! Pangarap ko pang maikasal sayo 'no!" sabay hands up niya.

"Shut up, Axelle. Don't assume and stop calling me by that weird name, it's disgusting." I lowered my gun and put it back in its holster.

Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon