Kabanata 02: I don't talk to strangers
(Devie Angela's POV)
Isang napakalakas na tugtog ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa Axe Battallion Sexy Club o Abs Club, isang club o hideout na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Axelle Louise. Leader daw siya ng Gangster organisation. But i call him, manyakis na walang kwentang nilalang sa mundo.
Malawak ang ispasyo ng club, puro disco lights ang umiilaw sa loob. Sa harap ay may entablado kung saan naroon ang DJ na nag-ooperate ng mga music. May nagpo-pole dance din sa ibabaw ng stage, mga babaeng pro sa pole dancing. Madami nang nagsasayawan, nag iinuman at gumagawa ng kababalaghan sa paligid.
Ang lugar na 'to ay para lamang daw sa mga mayayamang Gangsters o mga nagpapanggap lang na malalakas na nilalang. May mga sibilyan din pero nagbabayad sila ng entrance fee na sobrang mahal. Tuwing hating gabi lang 'to nagbubukas. 11pm to 5am
At halos lahat ng miyembro ng Gangster Org. ay nagtitipon-tipon dito hindi para gumawa ng gulo, kundi para magsaya.
And I just want to inform you all that I'M NOT ONE OF THEM. I'm not a gangster, though I look like one. Axelle is my childhood friend. I have a strong attachment to him; that's why I can embark here anytime. Some of the female members here can't criticise me even if they want to get rid of me. Why?Coz i'm Axelle's special friend. Maybe they feel insecure because i'm the only one who defeated their boss. That means, I'm stronger than them.
Patuloy lang ako sa paglalakad. May mga humaharang pa sa akin para imbitahan akong makipag-inuman sa kanila.
"Wanna join with us, beauty?"
"No" tipid na sagot ko.
"Let's dance, sexy.."
"No"
"Wanna hangout after the party?"
Huminto ako at nilingon ang nagsalita, matamis ko siyang nginitian.
"I want to hang you upside down on that pole. You want?" diin na pagkakasabi ko. Mukhang may mabibiktima na naman ako.
"N-no.."
"Good. Then stay away from me." banta ko at umalis naman s'ya agad.
Hindi ko na sila pinansin at inirapan lang sila. Dumiretso lang ako sa Bar counter at umupo sa Stool.
"Where's your Boss?" tanong ko sa Bartender.
"N-nasa VIP room po Miss."
Tumayo ako at tumungo sa VIP room sa second floor. Narinig ko pang may sinabi yung Bartender.
"Naku Miss, bawal po siyang istorbohin ngayon."
Dalawa ang VIP room dito. The red room and the blue room. Ang red room, nandiyan panigurado si Axelle na gumagawa ng milagro. While ang blue room ay hindi ko na alam kung para kanino o para saan. Siguro para yan sa mga illegal transactions nila.
Pagbukas ko ng pinto.
"Tch.." I mumbled. I crossed my arms and leaned on the side of the door while watching the making-out session of my manyakis friend with the unknown prostitute. The woman is naked while grinding at him.
Puro ungol nila ang naririnig ko kaya tinakpan ko ang tenga ko gamit ang daliri ko. Dito kasi sa taas hindi na masyadong naririnig ang loud music sa baba.
"Devie??" gulat niyang reaksiyon nang makita ako. Natulak pa niya ng malakas ang babae niya dahilan para bumagsak ito sa sahig.
"Ouch! Baby naman!!" - sigaw ng proste.
BINABASA MO ANG
Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!
Aksiyon"Makulit man ako sa inyong paningin, pag nagmahal, malupit pa sa pating!" Former: Warning: My Girlfriend is a Gangster