Kabanata 07: School of hell
(Devie Angela's POV)
Inis kong dinampot ang alarm clock sa side table at itinapon ito kahit saan. Istorbo sa pagtulog.
Teka?
Wala naman akong alarm clock ah?
Ahh! Whatever! Niyakap ko na lang ulit si Ninja Turtle. I'm still sleepy.
"Aish. Grabe. Tulog mantika pala 'to. Oy sleeping bruha, gumising ka na!"
Naramdaman kong may nagyugyog sa balikat ko pero 'di ko 'to pinansin.
"Weird naman ng babaeng 'to matulog. Talagang nakayakap pa sa Ninja turtle niya. Nakakatawa. Halikan ko kaya siya para magising? Ah hindi. Baka masumpa pa ako, bruha nga siya 'di ba? Buhusan ko kaya ng malamig na tubig? Hindi rin, baka lunurin niya ako sa pool, 'di pa naman ako maalam sa paglangoy. Ahh! Alam ko na! Ayaw mo talagang gumising ha. Pwes, makikita mo."
Papunta na sana sa exciting part ang panaginip ko nang maramdaman kong lumilindol. At dahil do'n ay napabalikwas ako ng bangon.
"What the hell is happening?" kinakabahan na tanong ko sa sarili.
Pero nanlaki ang mata ko nang makitang may batang damulag ang tumatalon-talon sa kama ko. Gawin ba namang trampoline ang kama.
"What the Fuck are you doing?!" bulyaw ko sa kanya. Ang aga-aga binibwisit niya na ako!
Huminto na siya at bumaba sa kama.
"Hayy salamat at nagising ka na. Tulog mantika ka pala te. Ang hirap mong gisingin, maryusep. Bumangon ka na diyan at maligo." UTOS niya.
I took a deep breath to calm myself down. I don't want to ruin my morning lalo pa nama't puyat at inaantok pa ako.
"For what? I don't have any appointments for today, so get out of my room and let me sleep again." sabay higa ko ulit at nagtalukbong ng unan.
"Anong walang appointment? Ano ka manager ng company? Hoy may pasok ngayon at kailangan mong mag-enrol!"
"I don't want to go to school! So get out!" inis kong sigaw.
"Ang tigas talaga ng bungo mong bruha ka! Aish! Magbibilang ako ng lima. Pag 'di ka pa bumangon diyan, bubuhatin talaga kita!"
Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko siyang magbilang diyan na parang baliw. Ilang saglit lang ay biglaan niya nga akong binuhat.
"What the?! Put me down, asshole!!" pagpupumiglas ko. Punyeta talaga!
"Wag ka ngang malikot! Ang bigat mo kaya!" patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas hanggang sa pumasok siya sa loob ng bathroom.
"Anong gagawin mo?"
"Sasabayan ka maligo"
Bago pa ako makareak ay ibinagsak niya na ako sa Bathtub.
"O my God! Ang lamiig~" halos magkandarapa ako dahil sa biglaang pagkakababad sa tubig. Fcking bullshiit!
"Oh ano? Gising ka na ba?"
"Walanghiya ka." 'yan na lamang ang nabanggit ko habang giniginaw na tinitigan siya ng masama.
"Alam ko. So ano? Tatanga-tanga ka na lang ba diyan? Ligo na. O di kaya'y gusto mong ako pa ang magpaligo sayo? Ok lang din naman sa akin." *grin*
"Jerk. Get out."
"Hahaha! 'to naman, di mabiro. Geh, you have 5 minutes to take a bath. Pag lumagpas ng 5 minutes at 'di ka pa lumalabas, papasukin talaga kita dito kahit hubo't hubad ka pa." Ngingisi-ngisi niyang sabi atsaka siya lumabas ng bathroom.
BINABASA MO ANG
Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!
Action"Makulit man ako sa inyong paningin, pag nagmahal, malupit pa sa pating!" Former: Warning: My Girlfriend is a Gangster