Kabanata 03: Chase the Golden Genius

45.5K 1.5K 471
                                    

Kabanata 03: Chase the golden genius

(Chase-shin's POV)

"Charles Robert Darwin, born on february 12,1609 studied Natural and Earth Sciences. He was the one who founded modern evolutionary theory. Whereas based on his study, we, the people came from apes. Agree class?"

"No!"

"Yes!"

"How about you Mr.Park?"

"Mr.Park? Mr.Park!!"

"Aii! Muka kang kabayo!"

Napatayo ako bigla nang maalimpungatan.

"What??"

Patay. Lintek na. Nakatulog pala ako sa gitna ng klase. Lagot na ako neto! Narinig ko pang humahagikhik ng tawa ang mga classmate ko.

"Sleeping in my class again? Is that what a student job, Mr.Park?"

"Sorry Sir. Puyat lang." pangangamot ko.

Sa totoo niyan, wala talaga akong tulog dahil sa kakaisip sa nawawala kong bebe earphone. Letseng mapiya gangster na babaeng yun! Tinakasan ako sa bus matapos niya akong patulugin sa malakas na suntok niya. Nagdrama pa ako para lang makosensiya siya.

Tinignan ko ang mata ko sa maliit na salamin, may black eye pa ako! Haish! Nabahiran tuloy ng dumi ang napakagwapo kong mukha. Pag nakita ko siya ulit,ibebenta ko talaga lamang loob niya sa mga kulto!

"Mr.Park, you may go now."

"Po? Uwian na po?"

Snack time na ba?

"Ahahahahahahaha!" nagtawanan na naman ang mga classmate ko. Lutang talaga 'tong Professor namin.

"Quiet!! You Mr.Park! You're always out of the world!" nangungugat na sigaw ni Sir. Highblood talaga 'tong kalbo sa akin. Baka naman naiinggit siya kasi napaka-astig ng buhok ko. Mas astig nga yung sa kanya kasi kumikintab pa eh. Haha.

"Sorry Sir.." pagsosorry ko na lang.

"Can you share with us what's on your mind? You've been out of the world for a while, and your thoughts seem interesting."

"Bold sir este iniisip ko lang po ang tungkol sa discussion natin sir. Hehehe.." pangangamot ko kahit di ko naman talaga alam kung anong topic namin ngayon. Yung mga classmate ko parang baliw na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin. Imma look funny? Sa gwapo kong 'to? Pagtatawanan nila?

"Ow? So you're listening pala sa lecture ko?" wala sa kumbinsido niyang pagkakatanong. "Ok fine, palalagpasin ko 'tong ginawa mo ngayon. PAG nasagot mo lang itong katanungan ko." panghahamon niya

"Haysus sir! Siguradong sisiw lang 'yang tanong mo. Ako pa? The Golden genius kaya ako!" kunwaring with high confidence kong sabi. Pero deep inside, nininerbyos na ako. Pinagpawisan na ata ako eh, 'di ko pa naman alam kung anong topic.

"Ok, my question is, do you agree about the theory of evolution that humans came from apes?"

"Pffftt!" natawa ako sa tanong ni Sir. Pero tumigil din ako nang tignan niya ako ng masama.

Tinignan ko yung mga classmate ko na halatang nag-aabang sa sagot ko.

"Sorry, I beg to disagree that, Sir." confident na sagot ko.

"Oh really? Why?" curious niyang tanong.

"Because..Because..Umm..Ano ba sa english yun..Can i speak tagalog Sir?" ang hirap kayang mag-english!

"No! Speak in english!!"

Haish! I really hate english! I'm gonna nosebleed kasi!

"Because...umm...because not all pipol look like a monkey Sir! Look at me Sir, in my handsome face? You telling dat i came from monkey? And beside, if i am from the planets of the apes, Why is that you look like a horse that living in a quadra?" nagtawanan na naman mga classmate ko.

Lagot ka! Isusumbong kita sa Girlfriend KO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon