Chapter 7

492 11 9
                                    

JANE'S POV

"Wait," hinawakan ako ni Kean sa braso kaya natigilan ako sa paglalakad. Ngumuso siya sa gate ng school, "Mukhang hindi tayo papapasukin."

Tumayo ako ng maayos at humalukipkip, students strictly not allowed to go in for the meanwhile ang sign at may dalawang guards pa na nagbabantay.

"Then sa back gate. Laging sarado 'yun so siguradong nakasara pa rin. Pero walang nakabantay." Dahan-dahan akong pumihit at naglakad sa ibang direksyon. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin paikot ng school.

Makatid ang daan papunta doon at walang katao-tao dahil wala namang dumadaan dito. Gate lang naman ng school ang nasa dulo nitong daan at sarado pa kaya abandonado na ang daang ito.

"Ang kalat dito ah. Wala manlang naglilinis, school property pa man din 'to." Reklamo niya.

"Oh. May harang." Nakapameywang na sambit ni Kean habang dahan-dahang humihinto sa paglalakad.

No entry naman ang sign this time. Mahaba 'yung kahoy na nakaharang para siguradong walang sasakyang makakadaan.

"Ako muna." Tumalon siya sa kahoy at tumayo doon sabay abot ng kamay sa akin.

Inabot ko iyon at sumampa, hinila niya ako paakyat. At nang makaakyat ako ay tumalon naman siya pababa para alalayan ako sa pagbaba.

"Thanks."

"Ano ba talagang balak mo, Jane? Kasi sa tingin ko, wala tayong mapapala dito. Baka mahuli lang tayo."

Tumungo ako para titigan ang patay na pusa sa daan. Bumuntong-hininga ako. "Malay mo, may malaman tayo. Kasi Kean, pakiramdam ko talaga... pakiramdam ko, marami pang mapapahamak sa atin."

Nanahimik na lang siya, siguro ay dahil sa ganun din ang kutob niya. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggangg sa nakarating na kami sa back gate. And to our surprise, bukas ito. Masyado atang naging kampante ang mga tao dito na dahil walang pasok ay ayos lang na buksan ito tutal wala ng susubok na mag cutting classes at lumabas dito. At panigurado rin naman na walang papasok sa back gate. Not anymore.

"Perfectly cleaned, sir. Wala na pong bakas." Sabi ng assistant principal. Dumikit kami ni Kean sa pader para hindi kami makita.

"May ipapadalang mga tao ang NBI, DepEd and a lot of departments concerning our school. Kung bakit ba kasi kumalat pa ang balita, make sure everything's fine pagdating nila bukas." Pahina ng pahina ang boses ng principal hanggang sa wala na kaming narinig. Sumilip pa ako para makasiguradong nakaalis na sila.

"Sa canteen muna tayo. Doon sa pinangyarihan nung kay Eya." Bulong ko kay Kean. Tumango siya at palinga-lingang naglakad kasama ko.

"I don't think may makikita pa tayo doon kung nalinis na nila ng sagad ang crime scenes." Ani Kean.

Kumunot ang noo ko, "Let's just see."

Maingat kaming naglalakad, sinisiguradong walang ibang tao sa paligid. Nahahalata kong kabado si Kean sa ginagawa namin, pero-- shit!!

"May tao. Nakita ba tayo?" Bulong ko sa kanya nung hinila ko siya pa upo.

Minanmanan niya 'yung babae, "Parang hindi, teka, kilala ko 'yun! Renee Esmael, college na 'yan ah. Ang alam ko, hindi na siya dito nagcollege. Pero bakit nandito siya?"

Kumunot ang noo ko at napaisip. "Students are strictly prohibited here right now. Lalo naman siguro ang outsiders."

Maingat kaming naglakad papunta sa canteen, and shit! Nakita kami nung Renee, akala ko umalis na siya?

The Unwanted SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon